Ang pangkat nina Amihan ang huling nag evictus papuntang Sapiro...at ng masiguro ng dalawang Rehav na sila na lamang dalawa,ay muli silang sumakay sa kanilang tagapangalaga...
Sabay na lumipad ang dalawang pashneya....at ng malapit na sila sa ulap ay tumigil saglit sina habagat at kidlat....yong liwanag sa mga kamay ng dalawang Rehav...ay tinapat nila sa ulap at sa isang iglap...bumaba sa lupain ng Encantadia ang makapal na ulap....tinatakpan nito ang mga daanan papuntang Sapiro....maging ang palasyo ng mga diwata....ay natatakpan din ng ulap na syang naging dahilan na hindi na ito mapasok ng mga kaaway at syang dahilan din ng pag atras ng mga kawal ng Ardenia...
Sinundan pa ito ng sunod sunod na pagkidlat at ang laki ng mga nyebeng bumabagsak sa lupa....
"Merethea...kailangan nating makatakas...sadyang di rin natin kaya ang kapangyarihan ng dalawang tagapangalaga ng Rehav....
"Paano si Nathan Ama...
"Ang taksil mong kapatid ay kanina pa tumakas matapos nyang paslangin ang isa sa ating mga mashna...
"Nagagawa ni Nathan na pumaslang sa ating kawal?
"Syang tunay anak,kinakalaban nya tayo para ipagtanggol ang anak ng Reyna ng mga diwata...kaya simula sa araw na to ay ituring mo na syang kaaway...naintindihan mo?
Tumango sya bilang tugon...
At sabay silang nag anyong Agila at lumipad palayo sa lugar na yon...pabalik sa kanilang kaharian...
Ng masiguro nina Ybrahim at Casper na tumakas na ang hari at ang kanyang anak...ay agad silang nagbalik ng Sapiro,nasa pintuan na sila ng kaharian ng sabay din nila pinabalik sa kanilang tahanan sina habagat at kidlat...
"Avisala Eshma kidlat...(hinaplos ito ni Casper..
"Avisala Eshma habagat(at ganon din ang ginawa ni Ybrahim...hinaplos din nya ang likuran ng pashneya..
"Hanggang sa muli..(sabay nilang sabi)
At hinatid nila ng tanaw ang papalayong pashneya hanggang sa di na ito abot ng kanilang paningin ....
At pagkatapos ay pumasok na sila sa pinto ng kaharian ng sapiro,dumiretso sila sa bulwagan kung saan nagaganap ang pagpupulong...
..................Bulwagan ng Sapiro
Kahit nailikas na nila ang lahat sa kaharian ng Sapiro ngunit batid ni Amihan na hindi pa rin sila ligtas,lalo pat taglay ng mag ama ang buong brilyante ng Apoy at alam nyang anumang oras itong sumugod ay madadaig sila pagkat hawak din nito ang dalawa pang brilyante...
Nagpupulong sila ng biglang sumulpot ang dalawang Rehav...
"Tamang tama ang dating ninyong dalawa,pagkat nakabuo na ako ng magandang plano para sa ating kaligtasan..(wika ni Amihan)
"Nasaan si Danaya?tanong ni Ybrahim
Mayamaya nakarinig sila ng sigaw mula sa silid na kinaroroonan ni Danaya...
Agad nila yong pinuntahan
"Danaya...gising...(wika ng Reyna)
Dinilat ni Danaya ang kanyang mata
"Ang Agila(puno ng takot ang mga mata ng sanggre)
Di maiwasang mahabag ang kanyang mga kapatid..
Niyakap sya ni Amihan
"Tahan na aking apwe,ligtas ka na...
"Ang aking brilyante...(ibinuka nya ang kanyang palad at napagtanto ni Danaya na nagtagumpay ang pashneya na kunin ito mula sa kanyang pangangalaga...
BINABASA MO ANG
Mahiwagang Puso
Fiksi PenggemarThis is my own version of Enca, unexpectedly I became an Ybramihan,sa pagsisimula ng Engkantadia I admit na kinikilig talaga ako sa Alebarro ngunit sa paglipas ng mga araw at habang nagkakaeksena ang Ybramihan bigla nag iba ang aking gusto, mas nai...