Batid ni Bathalumang Ether na nagtagumpay ang dalawang Rehav na muling buhayin ang dalawang pashneyang kanyang ikinulong sa malaking bato sa ilog ng Adamya...
Kayat habang hindi pa nagigising ang dalawang Rehav ay kailangan nyang himukin ang hari ng Ardenia na lumusob habang wala ang dalawang matibay na haliging sandalan ng mga diwata...
"Avisala Bathalumang Ether,(bati ni Gustavo)
"Naparito ako upang ipagbigay alam sayo na kailangang lusubin mo na ang mga diwata,habang hindi pa nagbabalik ang dalawang haliging sandalan nila...
"Sino ang tinutukoy mo?
"Ang dalawang Rehav ng Sapiro...
Ngayong taglay na nila ang marka ng kanilang pagkakilanlan ay masisilayan na rin ang bagsik ng kanilang kapangyarihan..."Agape Ave Bathaluman ngunit nakahanda na ang piging kung saan nakatakdang ipapakilala ko si Merethea,ang aking tagapagmana...ngunit ipinapangako kong gagawin ang yong sinasabi pagkatapos ng piging at hwag nyong alalahanin pagkat sapat ang kapangyarihang taglay ko at ng aking anak upang maipanalo ang labang ito..at isa pa hawak ko rin ngayon ang anak ng reyna ng mga diwata...
"Naway magtagumpay ka sa binabalak mo Gustavo...
At umalis na rin si Ether ..
Kailanganin kung hanapin ang kinaroroonan ng dalawang Rehav at titiyakin kong hwag na silang magising pa....
Ngunit bago pa man nakarating sa Adamya si Bathalumang Ether ay bumababa ang mga ulap at binalot nito ang buong lupain ng Adamya..
"Tanakreshna...
At nagdesisyon syang bumalik muna sa lumang Etheria upang maghintay sa mga susunod na hakbang ng Hari ng Ardenia...batid nyang ito ang pinakamalakas na kalaban ng mga diwata.
ANG NAKATAKDANG SUSUNOD NA HARA NG ARDENIA...
Ito ang araw ng piging kung saan nakatakdang ipakilala ni Gustavo ang kanyang tagapagmana.
Nakuha na rin nya ang handog niya sa kanyang anak,ang anak ng Reyna ng mga diwata...
"Sa araw na ito ay ipapamalas ng aking anak ang bagsik ng kanyang kapangyarihan"
at humalakhak si Gustavo...mga halakhak nyang dinig ng isip ni Nathan...
Simula ng pumasok sila sa Encantadia ay ramdam ni Nathan ang paglakas ng kanyang kapangyarihan...kaya kahit nasa labas sya ng kaharian ay dinig nya ang mga tinig ng palasyo maging ang kanyang ama ..
Nasa labas sya sa tuktok ng bundok kung saan tanaw nya ang kahariang napapalibutan ng nagliliyab na apoy...utos ng ama nyang magsanay dito sa tuktok...na agad nyang sinunod...
"Nasa gitna sya ng pagtugtog ng marinig ng isip nya ang usapan ng kapatid at ng ama...
Tumigil muna sya...
BINABASA MO ANG
Mahiwagang Puso
FanfictionThis is my own version of Enca, unexpectedly I became an Ybramihan,sa pagsisimula ng Engkantadia I admit na kinikilig talaga ako sa Alebarro ngunit sa paglipas ng mga araw at habang nagkakaeksena ang Ybramihan bigla nag iba ang aking gusto, mas nai...