finale part 2

405 8 0
                                    


A/N

Finally magwawakas na rin ang mahiwagang puso.

At muli  nagpapasalamat ako sa mga readers na patuloy na sumubaybay.

To my dearest co Ybramihan,thank you from the bottom of my heart,to Alebarro fans sana napasaya ko kayo sa pagbibigay ko kay Alena ng bagong pag ibig,at maraming salamat sa pagpapatuloy ninyo kay Casper sa inyong mga puso.

To Ms. JESSA SALISE,Salamat sa oras na nilaan mo para gawin tong trailer ng mahiwagang puso,

At sa mga hindi pa nakakapanood ng trailer,just click the video above or pwede rin ninyo itong mapanood sa unang bahagi ng kwento.,

     

                     Sincerely,
                            Author

Nasa templo si Ybrahim kasama ang sinaunang Rama,hinihintay nila ang takdang oras ng seremonya ng kasal.

Nakaluhod si Ybrahim,at nakatingala sa imahen ni Bathalang Emre.

Ang totoo hindi nya batid kung ano ang nais nyang hilingin,isa bang himala na maaring magpigil sa napipintong pagluluksa ng kanyang puso,?

Pinili na lang nya ang magpasalamat,batid nyang ito ang nararapat.

Tumunog na ang kampana ng bulwagan,at narinig na nila ang sigawan ng mga nagsisipagdalo.

"Ivo live sanggre Alena"

Maaring dumating na si Alena base sa sigaw na kanilang narinig.

"Ybrahim!!!!!!

Tama ang dinig nya,boses yon ni Casper,hindi  ba sya nanaginip???

Ito na ba ang himalang binigay sa kanya kahit di man nya hinihiling sa bathalang Emre.?

Tumayo sya mula sa pagkakaluhod at nakita nya si Casper na nakatayo sa may pintuan.

"Apo nagbalik ka?agad yumakap ang sinaunang hari kay Casper.

"Ilo may kasama ako na batid  kong ikakasiya nyo.

Lumabas si Prinsesa Adora

Napaiyak na lang ang Rama ng sa tagal na panahon ay masilayan muli ang anak.

"Ama naparito po kami mula sa Devas upang ipabatid sa inyo na isa lamang pagsubok ang binigay ng bathala sa apat na mahiwagang puso.

"Apat na mahiwagang puso?(naguguluhan ang hari sa tinuran ng ivtre nyang anak)

"Syang tunay ama,ang dalawang Rehav ng Sapiro at ang dalawang Sanggre ng Lireo,sila ang apat na mahiwagang puso,at binabati ko sila pagkat napagtagumpayan nila ang pagsubok at ngayon ang takdang panahon na ipagkaloob ng bathalang Emre sa kanila ang kanilang gantimpala.

"Anong gantimpala ang yong tinutukoy anak.?

"Ang makapiling ang nilalang na iniibig nila.

"Nangangahulugan ba ito na hindi na ako magpapakasal kay Alena?(tuwang tuwa na turan ni Ybrahim)

"Syang tunay,pagkat si Casper ang nararapat na uupong Rama.

"Pero anak,labag po sa batas ng Sapiro ang pag upo ni Casper.,hindi  nya kailangang maupo sa trono para lamang makasama si Alena,kung pagsubok lamang ang sinabi ng bathala sa akin,itoy nangangahulugan lamang na  wala ng bisa ang pagiging  itinakdang reyna ni Alena,kung sino man ang magmamana sa kaharian ng sapiro ibibigay natin  sa kanya ang karapatang pumili ng kanyang magiging reyna.

"Ngunit si Alena ang nais kong maging reyna ko Ilo.

"Casper,kagaya ng sinabi ko,hindi ka maaring maging Rama,dalhin mo na lang si Alena sa mundo ng mga tao kagaya ng nauna mong plano.

Mahiwagang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon