Author's Note: Putting into words what you have in mind is not easy,kaya if may hindi kayo naintindihan,you can ask me...Avisala Eshma sa patuloy na sumusubaybay at marami pa kayong dapat abangan...lalo na sa pagkatao ni Casper at ano nga ba ang nagkokonekta sa dalawang Rehav gayong pareho nilang alam ang awiting"MAHIWAGANG PUSO".
Mula sa dalampasigan kung saan sya naroon,ay tanaw ni Casper ang kaharian ng Sapiro..
Naisip nya ang ina nya...kung sana hindi nito iniwan ang mundong ito..
Doon sana sa kahariang yon sya nagkaisip at lumaki,maaaring hindi sana sya nakalimutan ng mga nilalang ng Encantadia...Naisip nyang puntahan,hindi na muna nya ipapaalam kay Alena at hindi pa naman sila nagkikita nitong mga nagdaang araw...
Nakarating sya sa Sapiro saka lang nya nalaman na hindi ito ang inaasahan nyang kaharian na laging ibinida ng ina sa kanya...
Pumasok sya sa loob at tama nga ba ang nakita nya....
Ang Engkantadong kasama ng Reyna na tinulungan nya laban sa dambuhalang Agila ngunit imbes na magpasalamat ay nagalit pa sa kanya...
"At bakit yakap nya si Sanggre Alena...may nakaraan ba sila,tila nakaramdam sya ng panibugho at agad umalis upang hwag na nyang masaksihan ang magpapasakit sa kanyang kalooban,sa galit ay tinumba nya ang maliit na mesang kanyang nadaanan bagay na narinig ni wantuk na agad lumabas ..
"Sino ka?at bakit nagwawala ka dito,sira na nga itong kaharian ng sapiro,dadagdagan mo pa.."
"Sino ako?Ako ang itinakdang hari ng Sapiro,ang Rehav mula sa nakaraan....
At umalis si Casper....hinabol pa sya ni Wantuk...
Napadaan si Casper sa trono,huminto sya saglit at naalala na naman nya ang namayapang Ina...
Hinipo nya ang trono at mayamaya ay umupo...
Biglang sumulpot...si Ybrahim at itinutok ang Espada sa leeg ng di pa nya nakikilalang Rehav...
"Sino ka at mapangahas mong inuupuan ang trono ng aking ama?
Hanggang sa maalala ni Ybrahim ang mukha ni Casper...
"Teka ikaw yong....
"Oo,ako nga,na imbes na pasalamatan mo,ay nagalit ka pa...
"Layuan mo ang mahal na Reyna...
"At sino ka para utusan ako..lalapit ako sa kahit sinong diwatang gusto ko...
"Subukan mo...
"Kung magsalita ka parang mahal na mahal mo ang Reyna,...
"Syang tunay engkantado....mahal na mahal ko ang Reyna . ...
Pumalakpak si Casper ..palakpak na may halong pang uuyam....
"Bravo....isa ka ring dakilang two timer,tinuhog mo ang magkapatid...
Bagamat hindi nauunawaan ni Ybrahim ang iba nitong sinasabi,sa ekpresyon ng mukha nito batid nyang masama yong salita.
"Ano kaya ang mararamdaman ng Reyna kapag sinabi ko sa kanya nakita ko kayo ni Sanggre Alena...
"Wala kaming masamang ginagawa ni Alena...at hwag mo kaming sirain ng mahal kong Reyna dahil isinusumpa kong papaslangin kita...
"Kung magagawa mo akong paslangin...
At inilabas din ni Casper ang kanyang Espada...
Naglalaban ang Dalawang Rehav,kapwa sila magaling kayat naging patas ang laban ng dalawa...
BINABASA MO ANG
Mahiwagang Puso
FanfictionThis is my own version of Enca, unexpectedly I became an Ybramihan,sa pagsisimula ng Engkantadia I admit na kinikilig talaga ako sa Alebarro ngunit sa paglipas ng mga araw at habang nagkakaeksena ang Ybramihan bigla nag iba ang aking gusto, mas nai...