EPISODE 1

457K 2.9K 209
                                    

Bernard's P.O.V.

Bwisit na buhay ito. Ilang babae pa ba ang mang-iiwan sa akin? Ibinibigay ko naman lahat. Kahit na alam kong ginagamit lang ako at hinuhuthutan, ibinibigay ko pa rin.

"Bakit ka ba nagtatiyaga sa mga babaeng ganyan, pare?" tanong ng katropa at business partner ko na si Jonathan. "Hindi ka naman pangit at lalong hindi ka naman pipitsugin. Hanggang kailan mo ba balak magpagamit?"

Napakibit-balikat na lang ako sa mokong na abogadong ito. Para naman kasing hindi ko alam na pareho lang kami ng naging problema.

Magkaibigan na kami simula pa noong kolehiyo. Magkasosyo rin kami dito sa bar. Medyo nakainom na kaya hindi ko na masyadong pinapansin.

Pero paano ko nga ba sasagutin ang mga katanungang itinatanong ko rin? Bakit nga ba ako nagpapagamit?

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Alam ko na ngang ginagawa lang akong ATM ng lahat ng aking mga nakarelasyon, hindi pa rin ako nadala.

Was it for sex?

"Alam mo, pare, kung sex lang ang habol mo, hindi mo naman kailangang magka-girlfriend," anya, "Kung ang mga oportunistang ex-girlfriend mo rin lang naman ang pag-uusapan, mas nakakatipid ka pa kung pumik-up ka na lang ng prosti o kaya iuwi mo na lang ang isa sa mga 'yan." Itinuturo ang nagkalat na magagandang babaeng customer namin sa bar, "Makakalibre ka pa."

Teka lang? Mind reader ba itong si Jonathan? Paano kaya niya nalaman na ang aking matinding sexual appetite ang pinaghihinalaan kong posibleng dahilan?

"Oo, inaamin kong mahilig ako," sagot ko, "Pero hindi naman ako katulad mong kuneho. Isa-isa lang ang gusto ko, hindi sabay-sabay. Ikaw nga ang pumirmi, mamaya nyan makatisod ka ng may STD, yari ka!" nakangisi kong pambabara sa kanya.

Sa totoo lang. I don't think na ang hilig ko sa sex ang pangunahing dahilan kung bakit ako nakikipagrelasyon.

Ang totoo? Ayoko lang mag-isa. Ayoko kasi ng pakiramdam ng nag-iisa. Pero sa kasamaang palad. Parati pa rin akong nag-iisa. Parati na lang. Nakakapagod na nga eh. Pagod na ako sa pag-iisa.

Alam ko. Ramdam ko na ito talaga ang dahilan kung bakit naghahanap ako ng seryosong relasyon na panghabang buhay. 'Yung pangmatagalan. Gusto kong magkaroon ng pamilya na matatawag kong sa akin. Isang asawang hindi ako iiwan—kahit pa gamitin niya ako o lustayin niya ang mga pinaghihirapan ko. Basta't ang mahalaga, huwag lang niya akong iiwan o kakaliwain. At syempre, gusto ko rin ng mga anak na makukulit at maiingay. 'Yung sasalubong sa akin sa pag-uwi. 'Yun ang gusto ko. 'Yun talaga ang tunay na habol ko sa pagbabakasakali sa pakikipagrelasyon.

Wala kasi akong kapatid. Pumanaw na ang aking ina habang ang aking ama naman ay magdadalawang dekada nang nasa bilibid sa kasong pagpatay sa aking ina. Kasama na rin doon 'yung pananakit niya sa akin noong ako'y bata pa.

Oo, pinatay ng lasenggo at sadista kong ama ang aking ina. Nahuli kasi niya itong nakikipagtalik sa ibang lalake, doon pa mismo sa aming tahanan. Isang sikreto ng aking pagkatao na iilan lamang ang nakakaalam. At sa huli kong pagkakaalam ay hindi kasama si Jon sa iilang taong nasabihan ko tungkol doon. Kung alam man niya ay nakasisiguro ako na hindi ako ang nagsabi sa kanya. Though, hindi na ako magtataka kung alam man niya dahil na rin siguro sa nature ng kanyang propesyon.

S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon