EPISODE 45

149K 1K 31
                                    

Bernard's P.O.V.

Hindi na nga nag-aksaya pa ng panahon si Benj. Pagkatapos ng aming bakasyon ay inasikaso na niya kaagad ang paglipad papuntang Paris. Sinabihan ko siya na balitaan ako kung ano man ang mangyari sa kanya doon. It's been a week and a half now. We are dying to know but we haven't heard anything yet.

"Hey, doc!" bungad ko kay Jason. Gulat na gulat itong makita ako. Natural na usisero ako, hindi na ako makatiis kaya naman sinugod ko na si Jason sa bahay nila.

"O Bernard, napadalaw ka, may problema ba?" Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na basta na lang ako sumulpot sa bahay nila.

"Wala naman. Makikibalita lang sana ako tungkol kay Benj. Have you heard anything? I was thinking na dahil sa mas close kayo, may balita ka na kahit papaano."

"I haven't heard directly from Benj either," sagot niya. "Pero may balita ako nang konti through Helga from Mitch."

"Is she home?"

"Oo," sagot nito. "Pero nasa itaas siya at tinutulungan lang ang mga bata sa homework nila. Alam mo na, third day of school after summer vacation. Medyo may hangover pa ang mga bata sa bakasyon kaya medyo tinatamad mag-aral. Medyo kailangang i-push nang kaunti ng mommy nila para bumalik ang rhythm nila sa pag-aaral. Gusto mo bang tawagin ko?"

"Naku pare, huwag na. Hindi naman urgent ito. Pasensya na at naabala pa kita. Kay Luke nga sana ako makikibalita, but then, naalala kong may tampuhan nga pala sila."

"Ano ka ba pare, wala 'yun." Nakangiti siya. "On call ako ngayon sa ospital pero hindi naman ako busy unless tawagan nila ako. Kung gusto mo, sasabihin ko na lang sa iyo 'yung mga ikinukwento sa akin ni Helga from Mitch."

"May update ba?"

"Oo, pero kaunti lang. According to Helga, okay naman daw. They are talking, patching things up. Nanliligaw raw ulit ang ating pretty boy at mukha namang magkakaayos din daw eventually. I mean, they should at least try for their kid's sake, 'di ba? Bukod d'on, wala rin talaga kaming balita."

"Speaking of kids, kumusta na pala ang mga chikiting niyo? Matagal-tagal ko na ring hindi nakikita ang mga batang 'yan ah. Hindi niyo naman kasi isinama sa outing. Kumusta na?"

"Ah, nasa Ilocos kasi sila with their lolo and lola for the whole term of their summer vacation this year. Umuwi lang sila two days bago ang kanilang first day of school. Medyo sumasakit nga ang ulo ni Helga sa panganay naming si Jasper. Paano naman kasi eh may crush na raw sa eskwela. Daig pa ako pare. Aba! Akalain mong magwawalong taon pa lang eh marunong ng manligaw ang lintek na bata! Manang-mana talaga sa mommy niya sa pagka-agresibo." Humalakhak siya. "Mabuti na lang at sa akin nagmana 'tong si Helena, dahil kung siya ang magkakaganun, mas malamang sa hindi na maging Daddy from hell ako." Tumawa ulit.

"Pumapasok na ba si Helena?"

"Oo, nasa first grade na siya."

"Ilang taon na ba siya, five? Hindi niyo na ba susundan?"

"Oo, five. Baka hindi na, pare. After kasi nung halos ikamatay ni Helga ang panganganak kay bunso, I don't want to take any chances again. Tutal naman ay naka-babae't lalaki na kami. Kuntento na kami. Ikaw ba? Balak niyo na bang sundan agad si Andre?"

"We are working on it." Tumawa ako. "Wala pa naman kasing isang taon si Andre kaya hindi kami nagmamadali. Ang sa amin naman eh darating kung darating. Teka, matanong nga kita, kailan ba matutuloy ang paudlot-ulot niyong pagpapakasal, ha? Aba! Nagbibinata na si Jasper eh binata ka pa rin?!"

S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon