Bernard's P.O.V.
If Mike dated a girl named Jane na kamukhang-kamukha ni Melanie Jane—as per my Wifey's claim, how come she was never introduced to me? Eh kahit naman mga fling lang, ipinapakilala naman niya noon sa akin.
'Yan ang paulit-ulit na bumabagabag sa isipan ko ngayon. Ewan ko ba. Hindi ko maintindihan kung bakit malakas ang kutob ko, na there is something really wrong in the picture.
Biglang nag-ring ang cellphone ko. It was Luke, calling.
"Oh, Luke, pare, napatawag ka," bungad ko.
"Pare, kitakits naman tayo." Mukhang dumating na sila mula sa Bangkok. Kasama niyang nag-travel 'yung isa pa naming kabarkadang si Benjamin, na best friend naman niya.
"Oo ba! Kayo ang mag-set ng date, kayo ang parating wala eh," sagot ko.
"O sige, kami na ni Benj ang bahalang tumawag kina Tristan at Jason," anya, "Ikaw na ang bahala kina Mike, Jon at Art. Kita-kita tayong buong tropa. Reunion tayong walo, just like the old days."
Walo kaming magkakabarkada mula pa noong kolehiyo: ako, si Mike, si Art, si Jon, si Tristan, si Jason, si Benjamin, at si Luke. Pero kami lang ni Mike ang magkasama na simula pa noong kami'y mga bata pa.
Sina Art at Jon ang mag-bestbud. Parang kami rin ni Mike ang drama ng dalawang 'yun. Si Art ang matino, si Jon ang walanghiya. Kung makikita ninyo si Art, para itong semenarista kung pumorma. Malumanay magsalita at parating nakaayos ang buhok, gamit at pananamit. Kung si Jon naman ang makikita niyo, ito naman ang his exact opposite pero magtataka ka naman na kahit anong isuot ng taong 'yon ay kaya niyang dalhin. Si Jon rin ang pinakawanghiya pagdating sa mga babae. There was a point in his life na kahit anong klase ng babae ay pinapatulan niya; mas bata, mas matanda, single o may asawa, straight na babae, kahit na 'yung bisexual o lesbyana. Nito na lang kay Abby siya nakukunteto sa isa. Kung meron kasing nag-uunahan sa trono ng pinakag*go at pinakatarantado ay nagkakarera na talaga sa unahan itong sina Jon at Mike. Malakas nga ang pakiramdam namin na meron talaga silang secret rivalry. Asshole v.s. another asshole.
Magbe-bestbud naman sina Tristan, Jason, Benj, at Luke. Iba naman ang topak ng apat na iyon. Ang hihilig nila sa adventures. Pare-parehas ang sayad ng apat na 'yun. Sila 'yung mahilig sa mga kamultuhan, kababalaghan at kaaswangan. Kami naman, syempre, bilang mga batang siyudad ay very cynical sa mga ganyang bagay.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
Napagkasunduan naming magkita-kita sa isang karaoke bar—tulad ng nakagawian. Umarkila kami ng isang buong sound proof na kwarto para maitago ang nakaririmarim naming mga boses na wala naman sa tono. Lahat ay nakarating except for Mike. Meron daw siyang komprumiso. Kung ano 'yun? Malay ko d'on.
"Oh well, what's new? Lagi namang nagsosolo ang hayup na 'yon eh," utas ni Luke.
Kapansin-pansin ang tahimik na pagsusulyapan nina Art at Jon na sinundan naman ng magkasabay na pagsulyap nila sa akin. Pakiramdam ko, may gusto silang sabihin sa akin. Pwede rin namang pakiramdam ko lang 'yun. Ewan ko, paranoid lang siguro ako.
"Mas mabuti nga at wala 'yung hayup na 'yun dito," pagsingit bigla ni Jon, "Baka masapak ko lang ang tarantadong 'yon." Medyo iritable ito. Sumusulyap pa rin sa akin, in a very uncanny manner.
Sigh. Ayan na, the secret rivalry, is not a secret anymore.
"Paano kayo nagkakasundo ng g*gong 'yun?" nakangising tanong sa akin ni Benj.
"Lahat naman nakakasundo nitong si Bernard eh," si Jason, "Silang dalawa ni Art, pwede na nating ipalit kay Lorenzo Ruiz at Pedro Calungsod sa kabaitan."
BINABASA MO ANG
S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]
HumorKatropa Series Book 5 [Completed] Language: Filipino Saan nga ba matatagpuan ang recipe ng luto ng Diyos? Ano nga ba ang mga sangkap nito at gaano katagal lutuin? Sinu-sino ang mga pwedeng tumikim? Sino-sino ang nakatikim kahit na hindi pa 'yun pwe...