Bernard's P.O.V.
Back to work. Pero medyo latang-lata ako ngayon. Damn, that woman! I can't get enough of her.
"Sir, may naghahanap sa inyo sa labas. Cristelle raw po."
Huh? Si Cristelle? Anong ginagawa niya dito? Anong pakay niya?
Matapos niya akong basta na lang iwan n'on, nandito siya ngayon? Siya na isa sa pinakamatagal kong naging girlfriend, na tumagal ng isang taon?
Akala ko noon ay siya na. Pero tulad ng iba, basta na lang niya akong iniwan. Walang paalam. Walang formal break-up. Ni walang explanation. Ang naalala ko lang noon ay medyo tagilid ang mga business ventures ko. Medyo maluho kasi siya and it doesn't help my situation. But I was so in love with her before kaya kahit hindi ko kaya ang mga hinihingi niya ay ginawan ko pa rin ng paraan.
Akala ko, okay lang kami but then puff! She was gone. It's been three years since I last saw her, or should I say, when she left me while I was sound asleep.
Ang sakit. Ang sakit, sakit ng ginawa niya sa akin. Ang sakit na may masaya kang minamahal noong gabi para lang magising ka kinaumagahan na iniwan ka na niya. Mahal na mahal ko siya noon, mahal na mahal.
"Papasukin mo," medyo iritable kong sagot sa sekretarya ko.
Padabog kong inayos ang mga kalat sa desk ko. Doon ko na lang naibuhos ang galit at inis ko.
"B-bernard," bungad niya sa akin habang pumapasok sa pintuan.
"Maupo ka." Kunot-noo kong itinuro ang sofa na 'di kalayuan sa aking lamesa.
Umupo naman ito. Wala pa rin siyang ipinagbago. Maganda pa rin. Bagama't ktang-kita sa kanyang mukha ang pagsisisi at kalungkutan.
"Ano ang kailangan mo?" malamig kong tanong.
Naupo ako sa likod ng lamesa ko para maramdaman niya ang pagdistansya ko.
"K-kumusta ka na?" malumanay niyang tanong.
"I'm alright." Itinuloy ko lang ang pagpirma ng mga papeles. Hindi ko siya tinitingnan.
Natahimik siya sa tipid ng sagot ko at marahil sa lamig ng pagtrato ko sa kanya.
Ang totoo, hindi ko na gaano matandaan ang pakiramdam ng sakit ng ginawa niya. Siguro ay dahil masayang-masaya na ako ngayon. Kung naiinis man ako ngayon, I'm pretty sure, it is just my pride talking.
"I came here to explain and apologize for what I did to you," pambasag niya sa katahimikan.
"What about it?" Tuluy-tuloy lang ako sa ginagawa ko. Hindi ko pa rin siya tinitingnan.
"Alam kong nasaktan kita sa ginawa ko pero ginawa ko 'yun para sa ikabubuti nating dalawa. Marami kang problema noon, ayaw kong makadagdag kaya't—"
"Kaya't iniwan mo na lang ako sa ere?" Sumulyap lang ako sa kanya ng matalim bago muling ibinalik ang aking tingin sa ginagawa ko. "Don't worry about it. May iba ka pa bang pakay? I am kind of busy, you know."
"I still love you, Bernard. And I miss you so much. I am hoping for another chance. It took me a while but I am here now. I want to make it up to you. Just please, honey. Please give me another chance," dirediretso ang pagkakasabi niya. Nasilip kong nalululha rin siya.
What the—? After three years na wala akong narinig sa kanya, nagkakaganito siya ngayon? Tanga ako noon, sobrang tanga, at nagpakatanga dahil sa pagka-uhaw ko sa makakasama. Pero natuto na ako at matalino na rin siguro para maisip na, she must just have heard that I am going big time now, kaya siya bumabalik.
"Don't call me honey. I am not the same stupid guy you left three years ago," nakangisi kong sagot sa kanya habang nakasandal sa swiveling chair ko. Nilalaro-laro ko ang silver cross pen na regalo sa akin ng Maggie ko.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
Nagulat siya sa sinabi ko. Kitang-kita ito sa pagbagsak ng kanyang panga.
"Sir, may naghahanap po sa iny—" Nagsasasalita pa ang sekretarya ko pero sumulpot na kaagad si Mike sa likuran niya.
Ganito na talaga maglabas-masok ang balasubas na best friend slash future bayaw ko sa aking opisina. Walang modo. Palibhasa alam niyang hindi ko siya sisitahin.
Naka-ismid na umalis ang sekretarya ko. Wala na siyang magagawa dahil pumasok na si Mike. Dumirediretso lang ito sa upuang nasa harap ng lamesa ko. Hindi niya kaagad napansin si Cristelle sa sofa until makita niya rin ito through his peripheral vision. Binigyan niya ako ng pilyong sulyap. Ano kaya ang nasa isip ng g*gong ito? Tumikhim siya at saka tumayo.
"Sorry pare, hindi ko alam na may bisita ka pala. Napadaan lang ako para sabihin sa 'yo na nakalipat na kami ni Claire." Lumingon ito saglit kay Cristelle, "So paano, sa ibang araw na lang siguro tayo magkwentuhan. Ayoko namang makaabala." Nginunguso niya si Cristelle sabay ngiti at taas-baba ng dalawang kilay.
Kilala niya si Cristelle, bilang isa sa mga ex ko, na sineryoso ko nang todo. Pero hindi niya alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit kami nagkahiwalay. Ang sabi ko lang sa kanya ay nangibang bansa ito. And because we both knew that long distance relationships never work, we broke up.
Ang balasubas, hindi na ako binigyan ng pagkakataong magsalita. Nag-walkout na agad palabas. Napailing na lang ako pero nakangiti—only because I am happy for him and Claire. Agad namang napalitan ang ngiti ko ng pagsimangot nang magawi ang mga mata ko kay Cristelle. Alam kong napansin niya iyon. Just exactly as I intended.
Damn you, Cristelle San Juan. I am definitely over you.
[ITUTULOY]
BINABASA MO ANG
S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]
UmorKatropa Series Book 5 [Completed] Language: Filipino Saan nga ba matatagpuan ang recipe ng luto ng Diyos? Ano nga ba ang mga sangkap nito at gaano katagal lutuin? Sinu-sino ang mga pwedeng tumikim? Sino-sino ang nakatikim kahit na hindi pa 'yun pwe...