Bernard's P.O.V.
Tulad ng napagkasunduan namin ni Maggie, ite-text niya ako kapag nagtagumpay siyang mapapirmahan kay Mike ang kasulatan nang hindi niya namamalayan kung ano ang nakasulat doon. Notorious kasi si Mike sa pagpirma ng mga dokumentong hindi nito binabasa kaya ito ang napagkasunduan namin ni Maggie na gawing ipang-trip sa kanya.
Maggie: Okay na, baby. Your turn.
Me: Okay, babe.
Yes. It is indeed my turn, so I called Mike.
Dialing Mike's cellphone number...
"Hello?" sagot ni Mike after two rings.
"Hello pare, busy ka ba?"
"Hindi naman. Bakit? Magpapa-inom ka ba?" Dinig na dinig ko ang paghalakhak niya.
Tanghaling tapat, inuman? Ibang klase rin talaga ang taong ito.
"Iimbitahin ko sana kayo ni Claire for lunch. Okay lang ba?"
"Libre ba 'yan? Saan naman? Sa resto mo?" Humalakhak ulit siya.
Sanay na ako sa taong ito. May sarili namang pera pero napakahilig magpalibre. Wala naman iyon sa akin. Pero sa palagay ko, iyon ang dahilan kung bakit inaabuso niya ako.
"Oo. Hihintayin ko kayo."
"Okay. We'll be there in ten minutes." Ibinaba na niya agad.
Doon ko sila napiling imbitahan dahil ito ang pinakamalapit kong negosyo sa tinitirahan nilang apartment.
Nagpahanda ako sa aking in-house chef ng lahat ng paborito niyang pagkain. Kaya naman kuntodo ang bungisngis niya sa lahat ng pagkaing nasa lamesa. Mukhang natuwa rin naman si Claire, pangiti-ngiti rin kasi ito.
"Ang sarap talaga ng may best friend na galante," nakangisi niyang sinabi kay Claire bago kumindat sa akin. "Ano ba ang okasyon at inimbitahan mo kami?"
"Wala naman, naghahanap lang ng makakausap. Inimbitahan ko rin nga si Maggie pero mukhang busy siya." Ugh! Sana kumagat ang mokong na ito sa plano namin.
"Ah oo, kagagaling nga lang niya sa bahay kanina at inimbitahan din kami for dinner mamayang alas-otso doon sa Trala-La hotel. Ipapakilala na raw niya ang tarantadong nakadisgrasya sa kanya. Mukhang bigatin, may pa-hotel-hotel pa. Ang yabang."
Yes! Kumagat.
"Paano mo nasabing tarantado? Alam mo na ba kung sino?"
"Hindi ko na kailangang alamin kung sino siya para masabi ko kung tarantado siya o hindi. Malinaw pa sa sikat ng araw na tarantado siya! Alam mo bang hindi raw niya pakakasalan ang kapatid ko kung hindi ko pakakasalan si Claire? Ano ba ang pakialam niya sa buhay ko na pot*ngena niya?! Magpapakasal din naman kami ni Claire kapag naka-ipon na kami ng sapat na panggastos. Bakit ba siya nakikisawsaw, eh hindi ko naman siya ka-close? Alam mo kapag nagkaharap kami noon mamaya, paduduguin ko talaga ang pagmumukha nun eh."
Ouch. So hindi pala kami close? (Laughtrip) Ang hirap magpigil sa pagtawa. But I have to pull this off and I will pull this off.
"At eto pa, may pinapirmahan siya—" Parang napa-isip siya.
"Ano na naman ba ang pinirmahan mo na hindi mo binasa?" nakangisi kong tanong.
"Oh shit," aniya, "Ano nga ba 'yun?" Nakatingin siya sa itaas na sa pakiwari bang sa kisame niya idinikit ang post-it reminder niya.
Heto na ang umpisa ng pagti-trip!
"Hala! Paano pala kung Deed of Sale 'yon ng kotse mo or Deed of Donation ng lahat ng pera mo?" napapatawa kong pananakot sa kanya. "Ikaw na rin ang nagsabing tarantado 'yung magiging bayaw mo, paano kung mas malala pa doon ang nakasaad? Paano kung kasama pati katawan at kaluluwa mo? Asawa at pati na rin ang magiging anak ninyo."
Nanlaki ang mga mata niya. Napanganga na rin siya.
"H-hindi naman siguro ako ipapahamak ni Maggie," ninenerbyos niyang utas.
Yes! Tinatalaban na ng takot ang ungas!
Nakita ko siyang nag-dial bago niya inilagay ang cellphone niya sa kanyang kanang tenga.
"Hello, Maggie?" aniya sa kausap niya sa cellphone. "P-pwede ko bang malaman kung ano ang pinirmahan ko kanina?" Pinagmamasdan ko siya. Pinipigilan ko pa rin ang pagtawa. Sumulyap din ako kay Claire na mukha ring nag-aalala.
Sorry, Claire. Kailangan lang naming turuan ng leksyon ang litsak mong nobyo.
Mayamaya pa'y nakita kong nanlaki na ang kanyang mga mata, at pagkatapos ay tulala niyang pinatay ang kanyang cellphone.
Nasabi na siguro ni Maggie. Yes! Success! (Laughtrip)
"Anong sabi ni Maggie?" tanong ni Claire.
"It was a Contract of Adhesion," nakatulala niyang sagot.
Nakahalukipkip ako habang pinipigilan pa rin ang pagtawa. Ang hirap. Lalo na at nakakatawa talaga ang hilatsa ng pagmumukha niya ngayon.
"Ano 'yun?" tanong ni Claire.
"Well," pagmamarunong ko na kasama sa plano. "Adhesion Contract is a standard form contract, drafted by one stronger party and signed by the weaker party, who must adhere to the contract without the power to negotiate or modify the terms of the contract. These are commonly used for matters involving insurance, leases, deeds, mortgages, and automobile purchases. These kind of contract isn't usually fair, kaya nga before signing an adhesion contract, it is imperative that you read it over carefully, as all the information and rules have been written by the more powerful party, and you might not like it."
Tinitigan lang ako ng dalawa.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
"Hindi ko akalain na ipapahamak ako ni Maggie ng ganito," nanlulumo niyang sinabi. "Akalain mong may gana pa akong takutin na kung hindi raw ako sisipot mamaya para kilalanin siya, to kiss his ass, ay ie-enforce raw niya kaagad ang kontrata against my Audi, na pinagpaguran ko ng ilang taon. P-tang ina niya kung sino man siya! Kung bakit ba naman hindi na lang ikaw ang bumuntis sa kapatid ko para wala na akong inaalalang ganito! Hindi naman mas hamak na maganda si Margarita sa lahat ng naging nobya mo ah. Ano bang inaayaw-ayaw mo sa kapatid ko? Hindi naman kita pinagbawalang pumorma ah?"
Hindi na ako umimik. Baka kasi mabuking pa ako.
Thank you, Mike, dahil boto ka sa akin. Totoong si Maggie nga ang pinaka-sa lahat, kaya nga siya ang pakakasalan ko, 'di ba? Huwag kang mag-alala. Malapit nang matapos ang paghihirap mo. Kailangan lang kasi naming makaganti sa iyo. Kailangan din lang talaga, para matuto ka na ring maging responsable sa buhay mo. Lalong-lalo na sa lahat ng pinipirmahan mo.
[ITUTULOY]
BINABASA MO ANG
S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]
ComédieKatropa Series Book 5 [Completed] Language: Filipino Saan nga ba matatagpuan ang recipe ng luto ng Diyos? Ano nga ba ang mga sangkap nito at gaano katagal lutuin? Sinu-sino ang mga pwedeng tumikim? Sino-sino ang nakatikim kahit na hindi pa 'yun pwe...