Bernard's P.O.V.
Makaraan ang bente minutos ay naaninag kong nagtungo na si Abby sa bar counter at nagsimula nang magbigay ng inumin sa mga customers. Ah! Maganda naman pala talaga si Abby. Petite pero mukhang manika sa ganda. Ngayon ko pa lang talaga siya nakita nang medyo mas maliwanag, hindi naman kasi ako ang nag-hire sa kanya, si Jon.
"Jon!" tawag ko nang mamataan ko siyang papadaan.
Walastik. Parang walang nangyari. Mukha pa rin kasi siyang fresh. Iba na talaga ang sanay sa quicky!
"O mga pare, what's up?" Lumapit siya sa table namin at kinamayan kami ni Mike.
Nahalata ko naman kaagad na may something noong dumaan ang sulyap niya kay Maggie. Hindi kasi gan'on ang hagod ng sulyap niya kay Claire.
"Kamusta ka na, pare?" nakangising tanong ni Mike, "Walanghiya ka pa rin ba?"
"Walanghiyang-walanghiya pa rin ako, pare," nakangiting sagot ni Jon kay Mike. Ibang klase ring mag-plastikan ang dalawang 'to. Kung maka-pare sa isa't isa, akala mo ay naging close."Sa sobrang kawalanghiyaan ko, wala ng wa-walanghiya pa sa akin."
Naghalakhakan kaming tatlo
"Oo nga pala, Jon, eto nga pala si Claire, girlfriend ni Mike. At eto naman si Maggie, ang aking future wife." Diniretso ko na. Kanina pa kasi tingin ng tingin sa Maggie ko eh.
"Aba, kita mo nga naman. Best friends kayo ngayon ni Mike. Future mag bayaw na rin pala?" Sport naman siya.
"Pero Bernard," pagsingit ni Mike, "Alam mo ba na ang walanghiyang ito ay pumorma rin noon kay Maggie?" Nakatingin siya sa akin.
Oh yes. I was told. Sumulyap ako kay Maggie na ngumiti naman sa akin pabalik. Nakita ko rin ang pagbungisngis ni Jon kay Mike.
"Pero alam mo ba ang sinabi ko sa kanya?" dugsong ni Mike, "Ang sabi ko, lubayan mo ang kapatid kong p-tang ina ka! Kung walanghiya ka, walanghiya rin ako. Kung gusto mo, ako na lang ang tiranin mo sa wetpaks g*go!" Sabay halakhak.
Nagtawanan kaming tatlo habang napapailing lang ang dalawang babae. Pasensya na lang ang aming mga reyna. Ganito talaga kapag nagsama-sama ang mga adik sa sex.
"Huwag kang mag-alala, Bernard," pagbaling ni Jon sa akin, "Sa takot kong gapangin at tiranin ako sa pwet ng p*taenang Miguel na ito, hindi ko na itinuloy."
At muling naghalakhakan lang kaming tatlo.
"'Yun ba ang bagong bartender na na-hire mo?" Ngumuso ako sa kinaroroonan ni Abby habang nakatitig kay Jon.
"Oo, 'di ba? Ipinakilala ko sila sa 'yo two weeks ago? Tatlo sila, 'yung dalawa nag-quit na. Etong si Abby na lang ang natira."
Siguro nga. Pero hindi ko na matandaan. Marahil ay sa dami na rin ng inaasikaso ko.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
"Law student itong si Abby. She got this job para pandagdag daw sa gastos niya sa eskwela. May isa pa siyang trabaho. Legal Assistant siya dun sa firm ng uncle ko, kina Atty. Santiago. She's awesome though." Nilingon niya ito. Nakita na nagtama ang kanilang mga mata.
Hindi naman pala basta-basta itong si Abby. To become a law student, you should at least be a college graduate. Pareho naman pala sila ng linya kaya compatible. Nagkatinginan kami ni Maggie. Parehas naming pinipigilan ang pagtawa.
"O ba't di mo ligawan 'yan para pumirmi ka ng kuneho ka," panunukso ko kay Jon, "Tutal, magkapareho naman pala kayo ng linya."
"Hindi rin kami magkapareho. Criminal Law ang ipe-pursue niya," sagot niya.
"O 'di mas maganda," pagsingit ni Mike, "Tuluyan mo na 'yan, maganda naman eh. Para may abogado ka na kapag nakulong ka sa sobrang kawalanghiyaan mo!"
Nagtawanan ulit kami. Masaya naman kaming tatlo kahit alam kong nagpaplastikan lang ang dalawang katropa kong ito. At least, civil naman sila kaysa naman sa magsapakan sila na tulad ng marahil ay tunay nilang nararamdaman sa isa't isa.
Hindi rin nagtagal ay umalis na rin si Jon, may iba pa raw kasi siyang lalakarin. Okay lang naman sa akin 'yun. Ganun lang naman kami lately. After our small talks at kumustahan, sisibat na rin ulit. Palagay ko, nag-drop by lang talaga ang kunehong si Jon para maka-score kay Abby.
[ITUTULOY]
BINABASA MO ANG
S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]
HumorKatropa Series Book 5 [Completed] Language: Filipino Saan nga ba matatagpuan ang recipe ng luto ng Diyos? Ano nga ba ang mga sangkap nito at gaano katagal lutuin? Sinu-sino ang mga pwedeng tumikim? Sino-sino ang nakatikim kahit na hindi pa 'yun pwe...