Third Party's P.O.V.
Wala na yatang natitirang buong kagamitan sa salas na iyon. Ang lahat ay tila binasag na ni Mike. Tahimik lang sa isang tabi si Melanie, umiiktad sa nakakagulat na tunog ng kanyang pagbabasag. Ganun din naman ang kanyang apat na alipores. Ang mga lalaking mukhang walang gagawing mabuti.
"P-tang inang Romero 'yan, pakialamero!" hiyaw niya bago ibinato ng kahulihulihang vase.
Nanggagalaiti siya sa galit. Naunsyami kasi ang plano niyang pagpalitin ang mga specimens for DNA testing. Nasayang lang daw kasi ang kanyang mga pinaghirapan. Kasama na ang kanyang mga ginamit na tao.
"Boss, kung gusto niyo, resbakan natin!" sabi nung isang alipores.
"Pero paano?" tanong ng isa.
Napaisip si Mike.
Reresbakan?
Paano nga ba niya gagantihan ang isang Atty. Jonathan Romero na isang makapangyarihan tao?
Target his soft spot.
"Narinig ko sa mga katropa ko na naloloko ang t-nginang 'yon ngayon sa isang babaeng nagtatrabaho doon sa law firm ni Attorney Santiago," sabi nito sa kanyang mga alipores. "Hanapin niyo kung sino si Abigail Santos doon. Kapag nakasiguro na kayo kung sino ang babaeng iyon, i-report niyo sa akin. Siya ang gagamitin natin laban sa bastardong Romero na 'yan!"
Umalis ang dalawa upang sundin ang iniuutos niya. Natira naman ang dalawa pa para bumuntot sa kanya kung saan man siya pupunta.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Melanie sa kanya.
"Anong karapatan mong tanungin ako? Asawa ba kita?" maangas na bira sa kanya ni Mike.
"P-pero paano na ako at itong bahay ko na winasak mo?"
"Hindi na kita kailangan, Melanie! Bahala ka na sa buhay mo!"
"P-pero paano ang napag-usapan natin?"
"Napag-usapan? Ang usapan natin, aakitin mo si Bernard. Naakit mo ba? Hindi naman, 'di ba? Kung meron man sa ating dalawa ang unang hindi tumupad sa usapan, ikaw na 'yun. Kaya't amanos na tayo!"
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
"Papaano na ang mga anak ko? Ang anak mo?"
"Nabuhay naman kayo ng wala ako dati, hindi ba? Eh 'di ganun na lang ulit. And besides, ayaw ko na rin namang makita ang pagmumukha mo!"
Sabay layas. Hindi naman makagalaw si Melanie sa mga pangyayari. Magkahalong galit kay Mike, pag-aalala sa may sakit na anak at pagkahabag sa kanyang sarili ang nararamdaman niya ngayon.
Mike left her with no choice.
Kailangan na niyang kumapit sa patalim.
*****
"Anong kailangan mo?" naiiritang tanong sa kanya ni Bernard matapos siyang pagbuksan nito ng pinto nang maglakas loob na siyang puntahan na ito.
"Pwede ko ba kayong makausap? K-kayong mag-asawa." Nag-uumpisa nang mangilid ang kanyang mga luha.
Ayaw sanang pumayag ni Bernard pero pumayag si Maggie kaya't kalauna'y pinatuloy rin siya ng mga ito.
BINABASA MO ANG
S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]
HumorKatropa Series Book 5 [Completed] Language: Filipino Saan nga ba matatagpuan ang recipe ng luto ng Diyos? Ano nga ba ang mga sangkap nito at gaano katagal lutuin? Sinu-sino ang mga pwedeng tumikim? Sino-sino ang nakatikim kahit na hindi pa 'yun pwe...