EPISODE 46

142K 1K 30
                                    

Maggie's P.O.V.

Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, ipinagbubuntis ko pa lang si Andre. Pero heto, dalawang buwan na lang, magwa-one year-old na siya.

Naiiyak tuloy ako. Ang bilis kasi niyang lumaki. Parang kailan lang, buhat-buhat lang namin siya. Ngayon, medyo tumatakbo na. Ang likot. Ang sabi ng mama, ganun daw talaga kapag batang lalake. Pero mas mabuti na raw 'yung malikot kesa matamlay. Kapag matamlay raw kasi ang bata, there might be something wrong, health wise.

Ito kayang pangalawa namin sa sinapupunan ko? Magiging kasing healthy rin kaya siya ni Andre? Sana naman. Wala naman sigurong magulang na maghahangad na maging sakitin ang sarili niyang anak. Excited na akong malaman ang gender niya. Ngayon kasi ang schedule namin ni Bernard para sa ultrasound. Oo mga friends... buntis na naman ako.

Ay!

Grabe naman kayo? Bakit hindi man lang kayo na-shock?!

Nakaka-offend naman kayo. Hmp.

"Lalaki po!" sabi ng technician.

Ulit?!

Parang batang nagtatalon si Bernard. Cool lang naman ako habang natatawang pinagmamasdan siya. Okay lang naman sa akin, alin man sa lalake o babae. Ang apprehension ko lang ngayon ay ang sakit ng panganganak. Kaya ko kayang ulitin ang normal birth? Naku! Kailangang kayanin ko, natatakot kasi ako kung bibiyakin ako.

"Kung natatakot ka, imaginin mo na lang ang takot ni Abby, 'no," sabi ni Laura, asawa ni Art na isa sa mga kabarkada ni Bernand. Nakasalubong ko kasi siya sa supermarket. "Kita mo kung gaano siya kaliit tapos kambal pa ang dinadala niya."

Oo nga pala. Buntis din si Abby. Ahead lang ako ng ilang linggo. Kami pa ngang dalawa ni Laura ang unang nakaalam.

"Kambal?!" Wow! Ibang klase din pala si Jonathan. Nakadalawa agad!

"Oo," nakangiting sagot ni Laura.

"Alam na ba nila ang gender?"

"Oo. Babae't Lalaki. Fraternal twins daw."

What?! Babae't Lalaki sa iisang iri?!

"Naku! Baka ma-C section siya."

"'Yun daw ang gusto ni Jon para hindi na mahirapan si Abby. Pero mukhang ayaw raw ni Abby. Alam mo ba kung anong sinabi niyang dahilan?" natatawang kwento ni Laura.

"Ano?"

"Para raw may dahilan siya para murahin si Jonathan habang nanganganak! Ewan ko ba sa babaeng 'yun, nahawa na yata sa asawa niyang may gapak sa ulo."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Napatawa ako. Oh well, kanya-kanyang trip lang naman 'yan eh. Hindi rin nagtagal at naghiwalay na rin kami ni Laura.

"O, bakit nakasimangot ka?" bungad ko kay Bernard. Kadarating lang niya galing trabaho.

"Bad news."

"Bad news?! Bakit? Anong nangyari?"

"Ayoko na sanang sabihin sa iyo pero baka magalit ka naman kung sa iba mo pa malalaman."

S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon