Bernard's P.O.V.
God! Miss na miss ko na ang Maggie ko. Tatlong araw lang na nalayo ako sa kanya pero pakiramdam ko parang tatlong taon na. Hindi na ako sanay ng wala siya. Kadugtong na siya ng buhay ko, na gusto kong kasama sa tuwina.
On the way na ako ngayon pauwi nang naka-receive ako ng text mula kay Mike.
Mike: Pwede ba tayong mag-usap? Will you text or call me kung saan tayo pwedeng magkita?
Huh? Ano ito? Sinabi na kaya ni Maggie sa pamilya niya ang tungkol sa amin? Pero teka, ang usapan namin kaming dalawa mismo ang magsasabi ah.
Nasa speed dial ko naman si Mike at may bluetooth headset ako kaya pwede ko siyang tawagan habang nagda-drive.
I dialed his speed dial number. Sumagot naman siya kaagad.
"Pare, what's up? I got your text," bungad ko.
"Pauwi ka na ba?"
"Oo, malapit na ako. May problema ba?"
"Hihintayin kita sa bar mo. Alas-otso." Ibinaba na niya ang tawag bago pa ako nakapagsalita ulit.
May problema kaya? Para kasing nanginginig ang boses niya.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
Umuwi muna ako sa condo. Wala si Maggie. Sinabi naman kasi niya sa akin na d'on muna siya sa parents niya hanggang bukas. In-unload ko ang mga bagahe ko, nagbihis at nag-shower muna bago ako dumiretso sa bar.
"What's up, pare?" bungad ko kay Mike na mukhang aburidong naka-upo sa bar counter.
May hawak siyang isang basong scotch. Umupo ako sa high chair sa tabi niya.
Itsura pa lang niya ay parang nalugi na. Namumugto ang mga mata at mukhang may tama na ng alak. Matagal siyang nanahimik. Nakatitig lang sa medyo isinasayaw-sayaw niyang baso ng scotch.
"Kailangan ko ng tulong mo," malamig niyang sambit. Hindi nakatingin sa akin.
"Saan naman?"
"Kailangan kong hanapin si Claire."
"Bakit? Anong plano mo?"
"Anong klaseng tanong 'yan? Alam mo na ang sitwasyon, 'di ba?" Sumulyap lang siya at iritableng umiwas ulit ng tingin. Iniiwasan yata niyang makita ko ang mugtong mata niya.
"Alam ko ang sitwasyon. Ang intensyon mo, hindi," sagot ko.
Natahimik siya sandali.
"Kailangan ko siyang makausap."
"Bakit?"
"Kailangan ko siyang panagutan, 'di ba?"
"Kailangan mo? Bakit, mahal mo na?"
Hindi siya nakapagsalita agad. Imbes, ay umiinom siya ng scotch, ibinaba ang baso at sinabunutan niya ang sarili niya. Nakatuon ang magkabilang siko niya sa counter.
"Nakakarma na yata ako, pare," utas niya, "At tulad ng kinatatakutan ko, mukhang si Maggie ang parating nagbabayad sa mga kalokohan ko."
Huh?
"Puro g*go ang nagiging nobyo niya dahil g*go rin ako. Ngayon naman ay may bumuntis sa kanya dahil may binuntis din ako. P-tang ina. Bakit ba kasi napakasama kong tao?!" Hinilamos niya ng magkabilang kamay ang kanyang mukha.
Buntis? Buntis na ang mahal ko? Yes! Ang saya ko. Pero... hindi ko pwedeng ipahalata kay Mike ang tuwang nararamdaman ko.
"Gusto mong kausapin si Claire, for what?" sagot ko. "Pakakasalan mo ba siya dahil lang sa kalagayan niya? I know she's pregnant, pare. Pero you must at least care for her to marry her and I don't see that from you."
"Tutulungan mo ba ako o hindi?" naiiritang bulalas niya.
"Depende kung ano ang intensyon mo. Tapatin mo nga ako? Ano bang plano mo? Akala ko ba hindi mo naman mahal 'yung tao."
"Dammit," pubulong niyang balikwas.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Nagsinungaling ako, alright? Hindi totoong hindi ko siya gusto, okay? Ang totoo, gusto ko siya pero natakot ako sa nararamdaman ko sa kanya dahil ayoko sa kanya."
"Gusto mo pero ayaw mo sa kanya? May mas lalabo pa ba sa pinagsasabi mo?"
"Ayoko sa kanya dahil nasa kanya na ang lahat ng pinakaayaw ko sa isang babae—makulit, selosa, dudera, at stalker. "
"Makulit na papaano?"
"Makulit, 'yung text ng text at tawag ng tawag para lang alamin kung nasaan ako. Kaya nga nung maglaon ay pinalitan ko na ang number ko at tinaguan ko na. Nakaka-bwisit na eh."
"Alam mo ba na hindi magkakaganyan ang mga babae kung hindi mo binibigyan ng dahilan?" hirit ko. "Tingnan mo ito ha. Bakit kinukulit ka niya kung nasaan ka na? Nag-aabala ka man lang ba na sabihin sa kanya na, 'Honey, nandito na ako sa trabaho,' o 'di kaya naman ay, 'Mahal, nasa bahay na ako.' Hindi mo man lang ba naisip na baka nag-aalala lang siya kaya siya ganun?"
Tahimik lang si Mike. Parang napapaisip.
"Bakit kaya siya naging selosa, dudera at stalker?" dugtong ko, "Hindi kaya dahil binibigyan mo rin siya ng dahilan noon? Paprangkahin na kita bilang matalik mong kaibigan, Mike. Masyado ka kasing chickboy eh. Masyado kang pabling. Natural, magkakaganun nga si Claire. Nai-insecure 'yung tao kasi hindi mo rin siya binibigyan ng assurance na siya lang ang nag-iisa dyan sa puso mo. Ikaw ang may kasalanan kung bakit ganun siya, pare."
Tumatango-tango lang si Mike. Mukha namang nagsi-sink in sa kanya ang paliwanag ko. I hope.
"I really need to see her."
"Hindi mo pa sinasabi sa akin kung ano ang intensyon mo, pare. Kung wala ka rin lang balak na panagutan at pakasalan siya, mabuti pang pabayaan mo na lang siya. Baka lalo mo lang siya masaktan kung—"
"Kung ano man ang intensyon ko, gusto kong sa kanya ko na muna sabihin 'yun. I really, really need to see her. Please help me find her. Please. I beg you, pare. Please naman." Basag na ang boses niya at namumula na ang mga mata. He's weeping.
[ITUTULOY]
BINABASA MO ANG
S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]
ComédieKatropa Series Book 5 [Completed] Language: Filipino Saan nga ba matatagpuan ang recipe ng luto ng Diyos? Ano nga ba ang mga sangkap nito at gaano katagal lutuin? Sinu-sino ang mga pwedeng tumikim? Sino-sino ang nakatikim kahit na hindi pa 'yun pwe...