EPISODE 7

292K 1.7K 52
                                    

Bernard's P.O.V.

"Ang tigas talaga ng ulo ni Maggie," pagmamaktol ni Mike, "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa babaeng 'yun. Kumuha nga ng apartment, parati namang wala. Hindi na namin alam kung saan-saan na nagsususuot. Buti naman at mukhang hindi na niya dine-date ang tarantadong Victor na 'yon! Ang problema ko naman ngayon ay kung sino ang bago niya ngayon."

Binisita niya ako ngayon sa bar. Umiinom siya ng beer. I stopped after my first bottle. Hindi naman kasi talaga ako pala-inom lalo na at alam kong magmamaneho ako pauwi.

Hindi pa namin nasasabi ni Maggie sa kahit kanino ang aming relasyon. Nangako kasi ako sa kanya na hindi muna namin sasabihin kay Mike. Natatakot kasi siya na makialam si Mike sa amin, na posibleng ikasira pa ng relasyon namin. Hindi naman ako takot kay Mike. Kung tumutol man kasi siya ay ipaglalaban ko pa rin si Maggie. Para sa babaeng mahal ko, babanggain ko kahit sino. Kahit pa ang best friend ko.

Bakit naman kasi ako matatakot kung malinis naman ang intensyon ko. Handa ko siyang panagutan kahit anong oras. Si Maggie lang naman ang inaalala ko. Gusto ko munang sundin kung ano ang kanyang gusto.

"Bakit ba ang higpit mo sa kanya? We were thirteen nung magka-girlfriend ka at ang girlfriend mo dati ay twelve years old. She's a twenty-five year-old woman. Don't you think alam na niya ang ginagawa niya?" Kalmado ako kahit napapatawa. Ayoko kasing makahalata siya.

"I just don't want her to end up with the wrong guy." Nakakunot ang noo niya habang iniinom ang serbesa.

"Describe the wrong guy." O yes, I want to know what's in your mind.

Sinulyapan niya ako.

"Someone like me," malamig niyang sagot, eventually.

Napabuntong hininga ako. O well, at least he knows and admits his flaws.

Paranoia. 'Yun ang nakikita kong problema ni Mike. Paranoia na makatagpo ang kanyang baby sister ng isang ring g*go na katulad niya.

"Describe the right guy then," nakangisi kong tanong. Trying to keep my calm.

Napansin kong natigilan siya. Sumulyap sa akin bago sinaid ang natitira pang laman ng ng bote niya.

"Someone like you."

Katahimikan.

Napansin ko ang pagkaaburido niya. Kumakalabog man ang dibdib ko sa tuwa, pinipilit ko pa ring maging plain para hindi siya makahalata.

"Pero alam ko na hindi mo naman type ang kapatid ko," biglang utas niya, "Dahil kung type mo siya, matagal mo na sana siyang pinormahan, 'di ba? Ang katulad mo ang gusto ko para sa kapatid ko. Responsable, maalaga at matino. Para naman matahimik na ang kalooban ko. Kahit parati kaming nag-aaway nun, mahal ko 'yun. Ayokong siya ang sumambot sa karma ko." Ginulo niya ang kanyang buhok.

Si Maggie? Hindi ko type? Kung alam ko lang na gusto na ako ni Maggie noon pa at approve naman pala ako sa mokong na Mike na ito ay matagal ko na sana siyang iniuwi.

"Nanghihinayang ako sa iyo, pare," dugtong niya, "You are a good catch pero palpak ka namang pumili ng babae. May dine-date ka bang bago?" Tatawa-tawa siya.

Tumango ako. Natutukso man akong umamin dahil sa natuklasan ko ay naalala ko naman ang bilin ni Maggie. Ayoko siyang pangunahan. Takot akong magalit sa akin ang mahal ko.

S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon