EPISODE 4

312K 2.2K 51
                                    

Bernard's P.O.V.

Argh! Bakit ba kasi ito ang pinag-uusapan namin? Hindi pa man din nabubura sa imahinasyon ko ang pina-wax niyang ano, napunta pa talaga sa sex ang usapan namin. Ito pa naman ang weakness ko. Mahilig ako. Hindi ko itinanggi 'yun sa simula pa lang ng kwentong ito. Mahilig is actually an understatement dahil mas tamang sabihin na "Mahilig na mahilig" talaga ako.

But don't get me wrong. Kahit ganun ako, hindi naman ako nakikipagtalik kung kani-kanino. I don't do casual sex or one night stands. Takot ako sa Sexually Transmitted Diseases, o 'yung tinatawag ding STD. Mahilig akong mangalabit pero sa mga babaeng mahal ko lang.

"Pasensya ka na, kuya," anya, "Alam kong naiilang ka na sa pinag-uusapan natin. Wala naman kasi akong ibang nakakausap tungkol dito. Pasensya na rin sa mga nasabi ko kanina, lalo na nung nasa kotse mo tayo, alam ko nagulat ka. Pasensya na, frustrated lang kasi ako dun sa ex ko. Twenty-five years old na kasi ako. Kaya feeling ko, napapag-iwanan na ako ng panahon dahil sa paghihigpit sa akin ni Kuya. Lahat ng mga kabarkada ko, may mga asawa na, 'yung iba may mga anak na. Samantalang ako, eto. Tatanda na yata akong dalaga."

"Hindi pa naman matanda ang twenty-five, Mags," sagot ko, "At alalahanin mo, mas matanda ako sa 'yo." Humihigop na ako ngayon ng mainit na kapeng inihain niya.

"Iba naman kasi sa inyong mga lalaki," sagot niya, "Wala kayong expiration date. Hindi katulad naming mga babae na kapag nag-menopause na kami, wala na. Hindi na kami pwedeng magkaanak. Ano kaya, kuya, kung magpabuntis na lang ako?"

Kung kanina ay gamuntik na, ngayon, ay tuluyan ko nang naibuga ang aking iniinom.

Nakita ko siyang kumuha ng paper towel, at pinunasan ang braso ko, pati na rin ang lamesang natapunan ng iniinom kong kape.

Kinilabutan ako nang dumampi ang kamay niya sa braso ko habang napapatingin ako sa kanyang makinis na braso. Alam ko nao-on na ako dahil attracted naman talaga ako sa kanya noon pa man pero kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil si Maggie ito. Ang nakababatang kapatid ng best friend ko.

"Pasensya na ulit, kuya," sabi niya habang umuupo na ulit sa pwesto niya kanina. Kung saan ay bigla na lamang siyang sumubsob at humagulhol.

Nataranta ako kaya't nilapitan ko siya. Nag-aalinlangan man ay hinaplos ko ang likod niya para pakalmahin siya.

"I'm so pathetic, kuya. I can't believe I allowed you to see how pathetic I am."

"No, you're not. I am," napabuntong hininga kong pag-amin sa kanya.

Nakita ko sa gilid ng aking kanang mata ang pagbalikwas niya para tingnan ako. Nakatingala siya sa akin habang pinupunasan ang kanyang luha.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

"How can you say that?" Humikibi siya. Ang cute niya. Ang ganda niya kahit na umiiyak.

Sumandal muna ako sa lamesa, naghalukipkip, bago ko inumpisahang ilahad sa kanya ang tunay na istorya sa mga naging relasyon ko. Ipinaliwanag ko sa kanya kung paanong ako ang mas pathetic at hindi siya. Hindi siya nagpagamit sa kahit sinong mga nakarelasyon niya, pero ako? Nagpagamit ako ng paulit-ulit at wala pa rin akong kadala-dala. Totoo, naluluha na ako sa sitwasyon ko. Akala ko huhusgahan niya ako o sesermunan, kaya't laking gulat ko nang tumayo siya para yakapin ako. Mahigpit na yakap. Niyakap ko naman siya pabalik.

Shit! Seryoso ang pinag-uusapan namin pero bakit tinayuan ako? Shit! Sana hindi niya mapasin kahit nakadikit na ang kumpare ko sa bandang tiyan niya.

Shit namang libog ito! Panira sa moment. Kung bakit naman kasi ang bango-bango at ang lambot ng seksing katawan niya. Nakapangingilabot ang paghaplos niya sa likod ko at naknang—tuksong-tukso na talaga akong halikan ang kaliwang bahagi ng leeg niya habang nakahilig ang baba niya sa kanang balikat ko.

Mukha namang hindi niya napansin ang tigas na tigas kong katropa. Ganun yata talaga siya ka-naive, and I am more attracted to her now because of that.

"Kuya," sambit niya habang nakayakap pa rin sa akin.

"Hmmm?" Hindi ako makagalaw.

"Hindi mo ba ako type?"

Huh?

What, where, when? Oh men! Hindi ko siya type, when?

Parang tumigil ang paghinga ko. Hindi makapagsalita. Marahil ay napansin niya na hindi ako nakasagot kaya't tumunghay na siya para magkaharap ang aming mga mukha.

Ipinatong niya ang kanyang kamay sa aking dibdib samantalang nakahawak pa rin ako sa kanyang bewang. Tiningnan niya ako sa mga mata. Tiningnan ko rin naman siya at ang mapupungay niyang mga mata.

"Ako kasi, matagal na kitang gusto. Ang kaso hindi mo naman ako pinapansin. Pangit ba ako sa paningin mo? Hindi ba ako pasado sa standards mo?"

Napalunok ako. She's freaking attracted to me, too, and I can't freaking believe it!

"Natahimik ka? Ibig sabihin ba nyan hindi mo talaga alam?" dagdag niya, "So, ang ibig bang sabihin, niloloko lang ako ni Kuya na sinabi na niya sa iyo na may gusto ko sa iyo?"

Ha? Mike never told me anything!

Napa-iling lang ako. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko.

"Hmp!" Bahagya niyang tinapik ang aking dibdib." Bwisit talaga ang kuya ko na 'yun, pang-blackmail kasi niya 'yun kapag may gusto siyang iutos sa akin noon. Nakuuu! Kapag nakita ko 'yun, babatukan ko talaga 'yun."

Napangiti ako. Ang cute niya. Napaka-inosente. Napakaganda. Napakabango. Napaka-sexy. Argh!

"So ano, kuya, hindi mo ba talaga ako type? Sige na, para maka-move on na ako kung hindi talaga. Okay lang naman. Sanay na naman ako ng inaayawan. Gusto ko lang namang—"

Hinalikan ko na siya sa labi.

Hindi ko na matiis eh. Ang pula-pula at ang pipintog. Alam kong medyo nagulat siya pero unti-unti rin naman niyang ginantihan ang aking mga halik. Hindi naman kasi ako magaling magsalita ng tungkol sa mga ganitong bagay. Being a hypersexual person, mas magaling ako sa physical expression. Kaya sa ganitong paraan na lang. Sa ganitong paraan ko na lang ipaparamdam sa kanya kung gaano ko siya kagusto.

[ITUTULOY]

S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon