EPISODE 18

220K 1.5K 87
                                    

Bernard's P.O.V.

Hindi ko muna kinompronta si Maggie tungkol sa mga nadiskubre ko mula kay Mike. Gusto ko munang makiramdam at personal na obserbahan ang kanyang ikinikilos. Para na rin first hand kong malaman kung ano ba talaga ang dinaramdam at inaalala niya.

Una kong nadiskubre na nagseselos pala siya sa mga memories namin ni Cristelle. Nahuli ko kasi siyang umiiyak habang paulit-ulit na binubuklat ang mga lumang photo albums namin ni Cristelle.

Binabasa rin niya ng paulit-ulit ang mga nakasulat sa likod ng mga litrato. Nagawa kong hulihin siya sa ginagawa niyang iyon nang minsang bumangon siya ng hatinggabi sa pag-aakala niyang tulog na ako.

Sumasakit ang kalooban ko habang pinagmamasdan siya. Alam ko kasing nasasaktan siya. At ngayon nga ay bigla kong naisip na wala pa nga pala kaming litrato na magkasama.

Damn! How can I neglect something like that?

Pangalawa kong nadiskubre ay kung gaano niya ako kamahal. Madalas ko siyang mahuli na nakatitig lang sa mga litrato kong naka-frame. Napapangiti siya habang tine-trace ng mga daliri niya ang mukha ko sa litrato. Ang sweet niya. Siya na ang pinaka-sincerely sweet sa lahat ng mga babaeng dumating sa buhay ko. 'Yung iba kasi, sweet lang kunyari sa akin dahil may kailangan.

Mahal na mahal niya talaga ako. Hindi ko mapigilan ang hindi mapaluha dahil wala pang nagmahal sa akin ng katulad ng sa kanya. Siya ang matagal kong hiniling sa Diyos. At ngayong ibinigay na siya sa akin, para naman akong tanga na makaligtaan ang mga bagay na mahalaga para sa aming relasyon. Naisip ko rin bigla, magkasama nga kami dito sa bahay pero ni isang litrato niyang naka-frame ay wala.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

I unknowingly made her feel unimportant. A mere visitor in our house. Dahil siguro dito, kaya naiisip niya, na basta-basta ko lang siyang papalitan at paaalisin sa buhay ko. How more insensitive could I be?

I need to do something about this as soon as possible. Hindi ko na kasi kaya na makita siyang ganito. Mahal na mahal ko siya but now I realized how I failed to show her how much. Puro libog ko lang ang inatupag ko, nakaligtaan ko na, hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ko siya minahal.

"A-anong ginagawa mo?" tanong niya sa akin nang makita niyang inilalagay ko sa box ang mga lumang photo albums namin ni Cristelle—kasama na ang iba pang mga knick-knacks sa condo.

Kagagaling lang niya sa trabaho. Usually siya ang nauunang umuwi pero sinadya ko talagang umuwi ng mas maaga ngayon.

"Ah, ibinubukod ko lang 'yung mga kailangan nang i-dispose. I will have all these shredded and burned para hindi na natin bitbitin pa sa paglilipat sa dream house natin soon."

"B-but these are your photos with..."

Hindi niya madugtungan. Ayaw niya sigurong malaman ko na kilala niya si Cristelle.

"With my ex, yes! The more it should be burned. Mamaya niyan makita pa ito ng mga anak natin at isipin pa nila na may mahal akong iba bukod sa mommy nila. Nauna ko lang na naging girlfriend ito oy, pero ang mommy nila ang pinakamamahal ko sa lahat. Walang pwedeng pumantay sa mommy nila," nakangiti kong pagpapaliwanag sa kanya. "Huwag kang manghinayang dito. Gagawa tayo ng mga bagong memories. Bumili na nga ako ng bagong camera at maraming photo albums para sa atin at sa uumipasahan nating pamilya."

Nakita kong nangingilid ang mga luha niya na may halong bahagyang ngiti. Pero hindi ko ipinahalatang napansin ko iyon hanggang sa niyakap na niya ako ng mahigpit. Ginantihan ko naman ang mga yakap niyang iyon.

"Paano kung dumating siya ulit at ma-realize mo na siya talaga ang mahal mo? Sayang naman ang mga alaala niyo." tanong niya habang nakasubsob sa dibdib ko.

Sa wakas. Nailusot din niya ang gusto niyang malaman sa akin. Just as I wanted.

"Ang totoo nyan," sagot ko, "Dumating na siya ulit. Gusto niyang makipagbalikan. Pero sa pagbabalik niya ay noon ko rin nasiguro na wala na talaga akong nararamdaman para sa kanya. Mahal na mahal kita, Maggie. Nauna lang siya sa iyo sa buhay ko, 'yun lang ang lamang niya. Pero ni wala pa sa kalahati ng pagmamahal ko sa iyo ngayon ang pagmamahal ko sa kanya noon. Huwag na huwag mong pagseselosan ang kahit sino sa mga nakarelasyon ko dahil ni isa sa kanila ay walang papantay sa iyo sa puso ko. Ikaw ang nagmamay-ari sa akin. Ikaw ang magdadala ng pangalan ko. Ikaw lang ang natatanging ina ng lahat ng magiging mga anak ko. Ikaw lang ang gusto kong makapareha habang-buhay. Hindi man naging ideal ang pag-uumpisa ng ating relasyon. Hindi man ito nag-umpisa sa ideal na ligawan muna, ay ipinapangako ko naman sa iyo na liligawan kita habang-buhay. Susuyuin kita sa bawat araw. At itatangi kita sa bawat oras ng aking buhay. Maging ang huling hininga ko, Mahal ko, ay iaalay ko para sa iyo."

At narinig ko na ang paghagulhol niya na sinamahan ng lalong paghigpit ng kanyang mga yakap. Kinuha ko ang kanyang mukha, ikinulong ang kanyang mga pisngi sa aking mga palad at saka hinagkan ang kanyang mga labi.

Damn! I love this woman. Ang sweet niyang magselos.

[ITUTULOY]

S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon