Bernard's P.O.V.
Shit!
Manganganak na? Manganganak na ang misis ko?!
Sa sobrang pagkataranta ko ay hindi ako makagalaw. Lalo akong nataranta nang hindi ko mabunot ang aking Patotoy sa kanyang Panini.
Anak ng nahihilong tipaklong, anong gagawin ko?!
"B-Bernard! M-mangaganak na ako, dalahin mo na ako sa ospital!"
Oo, mahal ko, alam ko!
Sinubukan ko ulit na bunutin.
Argh!
Bakit ba kasi hindi ko mabunot?
Tumingin ako sa kanan. Wala akong makitang sagot.
Tumingin ako sa kaliwa. Wala akong makitang paraan.
Tumingin ako sa ibaba. Oh shit, I'm stuck!
Tumingin ako sa itaas at nagdasal. Diyos ko! Diyos kong galit sa malilibog, tulungan niyo po ako! Hindi ko po mabunot ang ano ko!
"B-Bernard, ano ba?!" sigaw ni Maggie na mangiyak-ngiyak na sa sakit. "Bubunutin mo ba 'yang patola mo o kailangan pa kitang tadyakan?! Araayy ko! Humihilab na ang tiyan koooo! Aaah!" Umiiyak na siya.
Shit! Shit! Shit! Hayun! Nasipat ko ang cellphone ko sa may bedside table. Pero paano ba ako pupunta d'on sa kundisyon ko ngayon?
"M-Maggie," sabi ko kay Maggie. "M-mahal, paki-abot mo nga 'yung cellphone ko sa kanang side table?!"
"Ha?" Sumisinghot-singhot na siya sa pag-iyak. "Teka, sandali..." She stretched her long arm diagonally and, yes! She got it!
Ibinigay niya ito sa akin.
Pero teka, s-sino ba ang matatawagan ko? Si Mike? No way!
Shit, alangan namang ambulansya? Para ano? Para madatnan kami ng mga paramediko na ganito? Ayoko, nakakahiya!
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
Argh! Bahala na.
Dialing somebody with my eyes closed...
"Hello?" sabi noong nasa kabilang linya.
"Hello, s-sino ito?" tanong ko.
"Tarantado ka ba?! Ikaw ang tumawag sa akin, tapos ako pa tatanungin mo kung sino ako?"
Boses pa lang at kasungitan, alam ko nang si Jonathan.
"P-pareng Jon, si Bernard ito."
"Oo alam ko! Ang hindi ko alam eh kung bakit tinawagan mo ang number ko tapos ako pa ang tatanungin mo kung sino ako. O, bakit ba napatawag ka?"
"N-nasaan ka ba, pare?"
"Sino ka ba? Misis ba kita at kailangan mo pang alamin kung nasaan ako? Nandito ako sa bahay ko, saan pa? Bakit ba?"
BINABASA MO ANG
S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]
हास्य-विनोदKatropa Series Book 5 [Completed] Language: Filipino Saan nga ba matatagpuan ang recipe ng luto ng Diyos? Ano nga ba ang mga sangkap nito at gaano katagal lutuin? Sinu-sino ang mga pwedeng tumikim? Sino-sino ang nakatikim kahit na hindi pa 'yun pwe...