Bernard's P.O.V.
"Maggie," umiiyak na ungot ni Mike sa kapatid niya.
Halos hindi ko na siya makilala. Dinalaw namin siya ngayon sa ospital. Sobra man ang sama ng loob ko sa kanya, eh hindi ko naman maiwasang maawa sa kalagayan niya.
Basag-basag ang mukha niya. May twelve stitches siya sa kanang kilay. Sobrang nangitim na ang kanyang buong mukha sa dami ng pasa at galos. Naka-cast ang kanyang kanang kamay at ang kaliwang binti. Ayon sa imbestigador na tumututok sa kaso niya, siyam na preso raw ang pinagtulong-tulungan siyang binugbog. Isa sa siyam na iyon ang diumano'y pinuno na siyang umabusong seksual sa kanya.
"Huwag kang mag-alala, kuya. Lalaban tayo," humahagulhol na sinabi sa kanya ni Maggie.
"B-Bernard," mahinang pagtawag naman niya sa akin. Iniaabot niya ang kanyang kaliwang kamay.
"Bayaw," mahinang sagot ko kasabay ng pag-abot ko sa kanyang kamay.
Ilang segundo lang ay parehas na kaming nag-iiyakan.
"Patawarin mo ako." Basag na basag ang boses niya. Tumango lang naman ako. "Pakisabi rin kina Jon, Jason at sa buong tropa, I'm sorry sa lahat-lahat."
Bukod kasi sa akin ay malaki rin ang kasalanan niya kay Jon. Dahil ito sa pagtatangka niya ng masama noon sa kasintahan nitong si Abby. May mga maliliit din naman siyang kasalanan kay Jason at sa iba pa naming katropa throughout the years. Iyon marahil ang inihihingi niya ng patawad ngayon.
"Huwag ka mag-alala, bayaw, I will let them know," sagot ko. Wala pa kasing nakakaalam sa barkada kung ano ang nangyari sa kanya.
"Sana naman kapag nalusutan mo na ito ay magbabait ka na!" humihikbing utas ni Maggie sa kapatid.
Hindi umimik si Mike. Nagtuluy-tuloy lang ang pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi rin kasi siya gaanong makapagsalita. Namamaga kasi ang bibig niya. Hindi rin siya gaanong makagalaw dahil sa mga casts at samo't saring injuries na tinamo niya.
"Gustuhin ko mang sabihin na mabuti nga sa kanya. I am not going to do that," seryosong sagot sa akin ni Jon nang sa wakas ay nagkaroon na ako ng pagkakataon na pagtipunin ang tropa. "Sapat na sa akin na inaamin na niya ang mga kasalanan niya." Tumango-tango lang naman ang iba pa naming mga katropa. "May abogado na ba siya?"
"Bakit, magpiprisinta ka?" nakangising biro ko kay Jon. "Merong abogado ang biyenan ko na medyo tumutulong-tulong sa kaso. Pero since high profile case ito, we would really want to have somebody na kasing tindi ng isang Attorney Jonathan Romero."
"I haven't practiced criminal law in ages,"sagot nito.
"Like that is a problem?" pagsingit ni Art, "Sa galing ng utak at diskarte mo, I know you can handle this, pare. You haven't been practicing pero meron kang background at magandang track record before you went corporate. Since nag-resign ka na rin naman sa corporate practice, why not make this one as your comeback?"
"Gustuhin ko man pero marami akong inaasikaso ngayon, mga pare," sagot ni Jon. "Nagpapagaling pa si Abby kaya gusto kong sa kanya muna ako mag-focus. Nag-resign ako dahil gusto kong magkaroon ako ng oras sa personal kong buhay at mga negosyo. Kaya pasensya na kung hindi ako maka-oo dito. Pero hindi man ako pwede, meron naman akong mairerekumenda sa inyo. Si Tito Vince! Bukod kay papa, 'yun ang kilala kong matinik. 'Yun ang mabigat ang background. Siya ang lapitan niyo, Bernard." Dinukot niya ang wallet niya at may kinuhang business card. "O, eto ang business card niya." Inabot ko naman iyon. "Tawagan mo siya. Tell him na barkada kita. Don't worry, aabisuhan ko na siya para alam na niya."
BINABASA MO ANG
S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]
HumorKatropa Series Book 5 [Completed] Language: Filipino Saan nga ba matatagpuan ang recipe ng luto ng Diyos? Ano nga ba ang mga sangkap nito at gaano katagal lutuin? Sinu-sino ang mga pwedeng tumikim? Sino-sino ang nakatikim kahit na hindi pa 'yun pwe...