EPISODE 29

184K 979 23
                                    

Bernard's P.O.V.

Hindi ko alam kung bakit gusto niya na sa labas pa ng bar kami mag-usap.

"Anong kailangan mo?" malamig kong tanong.

Imbis na sumagot ay ipinulupot niya ang mga braso niya sa akin at siniil niya ako ng halik.

*Click-FLASH! Click-FLASH!*

Shit. Sunud-sunod. May lalaking hindi ko maaninag ang mukha na walang patumanggang kinuhanan kami ng mga litrato.

Mabilis ang mga pangyayari. Naitulak ko si Melanie sa sobrang pagkagulat.

"What the f-ck?" Nagpabali-balik ang tingin ko kay Melanie at sa photographer. Kapwa sila nakangisi.

"Salamat, Kiko. Makakaalis ka na," utos ni Melanie sa photographer na umalis din kaagad.

"Anong ibig sabihin nito, Melanie?"

"Simple lang," nakangisi nitong sagot sa akin. "Do what I say or I will ruin your life."

"Why are you doing this?"

"Malalaman mo rin," sagot niya, "Sa ngayon. Gusto kong sumama ka sa akin."

Napaatras ako. I know she is up to something at alam kong hindi ko ito magugustuhan.

"I am not going anywhere with you, Melanie," paninindigan ko, "Sabihin mo na ngayon ang kailangan mong sabihin. Ano bang kailangan mo? Pera ba? Magkano?!"

Nairita ako nang humalakhak lang ito na parang nakakaloko.

"Ang kailangan ko?" Lumapit siya. "Ikaw." Bigla niyang dinakma ang harapan ko. Nagulat ako kaya't naitulak ko siya papalayo. Nginisian lang niya ako, "Kung magkano?" Tumalim ang tingin niya sa akin, "Lahat ng meron ka."

What is this shit?

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

"Matagal na tayong tapos, Melanie. Matagal na akong naka-move on. Ikaw ang nang-iwan sa akin noon pero bakit ikaw pa ang may ganang guluhin ako ngayon? Now, I am beginning to doubt kung anak ko ba talaga ang sinasabi mong anak ko. How dare you use your child to get what you want! Gawin mo na kung ano ang plano mong gawin para sirain ako. But you are not going to have me and everything I worked hard for."

Patalikod na ako nang...

"Naaalala mo pa ba ito?" aniya sabay pakita ng kanyang cellphone na may nagpe-play na video.

Shit. May video siya ang pagtatalik namin noon? Amba kong aagawin ito nang bigla niya itong binawi at itanago ulit sa likurang bulsa ng kanyang pantalon. "As you can see, hindi naman nagbago ang katawan ko. At hindi rin nagbago ang itsura mo. Walang date ang video na ito. Pwede ko namang palabasin sa asawa mo na kailan lang natin ginawa ito. Actually, isa lang ito sa videos natin. Marami pang iba. Iba-ibang posisyon. Iba-ibang anggulo. I'm sure na ma-e-entertain ang asawa mo kapag napanood niya ang mga ito." Sabay halakhak.

Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng aking dugo sa utak ko. Hindi ko akalain na ganito kasang-sang ang pagkatao ng babaeng dati kong minahal.

[ITUTULOY]

S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon