Maggie's P.O.V.
Ang sarap talagang batukan ng kuya kong hangal. Minsan na nga lang kami magkita, talagang sa bangayan lang nauuwi.
Nandito ako ngayon sa bahay ng parents ko. Anibersaryo kasi nila ngayon kaya't naimbitahan kaming magkapatid sa isang maliit na pangpamilyang salu-salo. Ngayon sana namin planong kausapin ni Bernard ang mga magulang ko tungkol sa relasyon namin at sa plano naming pagpapakasal. Ang kaso, may biglaan siyang out of town engagement for three days para sa bago niyang pinapasok na business venture. Ikatlong araw na niya ngayon doon kaya bukas pa siya babalik.
"Ilang beses akong pumunta sa apartment mo, wala ka naman d'on. Saan ka ba nagpupupunta? Aba, hatinggabi na wala ka pa rin, minsan naghintay ako doon hanggang alas-tres, hindi ka naman umuwi." Nakangising aso pa talaga itong kuya ko.
Aba ang tarantadong ito, may plano pa yatang ipahamak ako.
Kahit kailan talaga bwisit sa buhay ko ang kapatid kong ito. Kailangan ba talagang dito pa niya ako tanungin, sa harap ng mga magulang namin? Napasulyap tuloy ako sa parents ko na kapwa kunot-noong nakatingin sa akin.
"Nandun ako, hindi lang ako lumalabas ng bahay," palusot ko.
"Sinong niloko mo? Ang tagal kong kumatok at nag-doorbell, wala namang sumasagot."
"Sinasadya kong hindi ka sagutin dahil bubwisitin mo rin lang naman ako," pagdadahilan ko.
Ang hirap magsinungaling. Naiinis na talaga ako. Pahamak kasi talaga ang bwisit na kapatid ko. Kaya't napag-isipan ko na kailangan kong resbakan ito.
"Eh paano naman ikaw, kuya, nasabi mo na ba kina papa at mama na may apo na sila?"
Nakita kong namilog ang mga mata niya habang ang mga magulang naman namin ay napangangang bumaling ng tingin sa kanya.
(Laughtrip) Yes! Mamatay siya ngayon sa inis.
"Paano mo—" Parang gustong itanong ni Kuya sa akin kung paano ko nalaman. Ops. Medyo sablay yata ako. Tanging si Bernard nga lang pala ang nakakaalam ng tungkol kay ate Claire. What to do? What to do?
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
"I know her personally!" palusot ko.
Totoo naman eh, nagka-usap naman talaga kami personally bago siya umalis. Pero 'yun lang 'yun, kaya... bahala na si Batman!
Nangungusap ang expressions ni Kuya sa akin, na parang bang he's wondering how Claire and I could have known each other personally.
"A-anong apo?" nagtatakang tanong ni Mama.
"Hay naku, ma. Bakit hindi niyo na lang tanungin ang magaling niyong anak na sobra kung makapagbantay sa akin. Siya naman pala itong dapat bantayan." Na sinundan ng pagdila ko kay kuya.
"May dapat ba kaming malaman, Miguel?" Miguel ang tunay na pangalan ni Kuya. Matalim ang tingin ng papa sa kanya habang siya naman ay biglang parang tumiklop.
"He got somebody pregnant pero ayaw niyang panagutan." Nakita ko ang nagbabagang titig sa akin ni Kuya Mike. Dinedma ko lang naman ito. "Kaya hayun, nagpakalayo-layo na lang siya, dala-dala ang apo ninyo sa kanyang sinapupunan. Kawawa talaga si Claire." Umiiling-iling pa talaga ako for dramatic effects. "Nagdudusa siya ngayon dahil lang nagtiwala siya sa isang walang kwentang lalaki!" Diniinan ko ang tatlong huling salita habang pinandidilatan ko siya ng mga mata. Ginulo lang niya ang kanyang buhok bago yumuko.
"Miguel?! Magsasalita ka ba o hindi? Ano ito?" galit na tanong ni Papa.
"Anong gusto niyong sabihin ko?" Sambakol ang mukha ni Kuya.
"Totoo ba 'yun? Nakadisgrasya ka ba?" Matalim ang bawat salita ni Papa.
Hindi sumagot si Kuya. Yumuko lang ulit. Doon na napikon si Papa. Kitang-kita sa mukha niya ang panggigigil kay kuya.
"Saan ba nakatira ang Claire na ito, pupuntahan natin." Nayayamot na baling ni Papa sa akin.
"Nasa malayo na po siya, hindi ko po alam kung saan," pagtatakip ko. "Wala naman po siyang balak maghabol kaya umalis na lang siya at hindi na raw siya babalik pa. Ang sa akin lang po naman, eh just so you know, na may apo na po kayo kay kuya." Nagulat ako sa expression ni Kuya na parang ngayon lang niya narinig na lumayo na ng tuluyan si Claire.
Habang nagsasalita ako ay hindi ko kaagad napansin na nakatingin pala si Mama sa aking singsing.
"Anong ibig sabihin niyan, Margarita?" tanong ni Mama.
Napatingin din sa akin sina papa at kuya. Halos magkasabay na kumunot ang mga kilay nila. Napalunok ako. Teka. Parang nahihilo rin yata ako.
Hindi ko lang talaga masyadong iniinda pero ilang araw na talagang masama ang pakiramdam ko lalo na kapag umaga. Nasusuka ako. Kumakalabog ang dibdib ko dahil sa mga titig ng pamilya ko. At dahil yata doon ay nagdidilim na rin sa nerbyos ang nanlalabo nang paningin ko.
Oh syet na malagkit, masusuka na naman ako...
"Awwwrkkkkk." Patakbo kong tinungo ang pinakamalapit na bathroom sink sa bahay. Ang sama-sama ng pakiramdam ko pero wala naman akong sakit. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin ng bathroom.
Hindi kaya? Hindi kaya...
"Buntis ka ba?"
Napatalon ako sa boses sa likuran ko. Si Kuya pala. Nakatayo siya sa may pinto ng bathroom. Hindi ko naman kasi isinara. Nakasimangot siya. Medyo malamlam ang kanyang mga mata.
Tumunghay ako at inayos ang sarili ko.
"Eh ano naman sa iyo kung buntis nga ako." Inaayos ko ang buhok ko at sinulyapan na lamang si Kuya sa reflection niya sa salamin. "May binuntis ka nga pero wala ka namang pakialam, 'di ba?"
Hinawakan niya ang kanang braso ko at tinitigan ako ng matalim.
"Sino ang ama niyan?"
Hmmm. Maaaring buntis nga ako pero hindi naman ako nag-aalala dahil alam kong hindi naman ako tatakbuhan ng tatay nito. Pero dahil pilya ako, eto na nga po ang resbak ko.
"Hindi na mahalaga, kuya dahil kaya ko namang buhayin ang anak ko nang mag-isa," relax na relax kong sinabi.
Nakita kong namula ang mukha ni Kuya pati na rin ang mga mata niya. Parang iiyak na talaga ang itsura niya.
Mayamaya pa'y bigla na lang siyang tumalikod, sinuntok ang pinto ng bathroom bago humagibis paalis.
[ITUTULOY]
BINABASA MO ANG
S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]
HumorKatropa Series Book 5 [Completed] Language: Filipino Saan nga ba matatagpuan ang recipe ng luto ng Diyos? Ano nga ba ang mga sangkap nito at gaano katagal lutuin? Sinu-sino ang mga pwedeng tumikim? Sino-sino ang nakatikim kahit na hindi pa 'yun pwe...