EPISODE 28

186K 1K 13
                                    

Bernard's P.O.V.

Ayoko lang naman na ma-stress si Maggie kaya inilihim ko ang tungkol kay Melanie. Nahihirapan siya sa kanyang pagbubuntis kaya't ayoko nang dagdagan pa ang mga pasanin niya. Nagtatampo siya sa akin ngayon but I have to keep her out of this. Ayoko siyang madamay dahil wala naman siyang kinalaman sa nakaraan ko.

"Natunugan siguro na big-time ka na ngayon kaya sinusubukan kang huthutan. Ganyan naman ang mga babae, mukhang pera."

Classic Jonathan Romero. Galit sa gold diggers. My motherf-cker slash woman hater business partner turned out like this after being broken apart by his gold digging ex. I have decided na uminom ng konti with him sa bar. Pamsamantalang pantanggal man lang ng tensyon.

"Hindi lahat ng babae mukhang pera," sagot ko.

"Siguro nga. Pero lahat ng ex mo mukhang pera."

True. Sigh.

"At ikaw naman," dagdag niya, "Tanga. Ano? Pumayag ba na magpa-DNA test?"

"Oo."

"Nako pare, iyo nga 'yon. Malakas ang loob eh. Anong gagawin mo kung iyo nga?"

"I'll take responsibility."

"Teka, ano ba? Lalaki o babae?"

"Babae."

"Ilang taon na?"

"Five."

"Na-meet mo na?"

"Sa litrato lang." Ipinakita ko ang litrato.

"Hindi mo kamukha," anya habang nakatingin sa picture, "Cute 'yan, pangit ka!"

"Tado!"

"Ano ba ang estado ng ex mo na 'yan? Single o Double?" Sabay halakhak.

Abogado ba itong kausap ko o kurimaw?

"Single. Three kids. Apparently, the eldest is mine."

"Maganda ba 'yan?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Wala talagang patawad ang isang 'to.

"Wala akong naging girlfriend na pangit," sagot ko. "Teka, teka. Kilala mo si Melanie, hindi ba? Dinadala ko siya dito noon?"

"Sorry pare, 'yung mga kinakalikot ko nga hindi ko na maalala, 'yung mga ex mo pa kaya?"

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Halakhak demonyo pa talaga ang walang modong ito. Tsk. Tsk. Tsk. Malala na talaga ang tama.

"Alam mo, Jon," sabi ko, "Tawa ko na lang kung isang araw ay may isang batalyong bata ang kakatok sa bahay mo at magpapakilalang anak mo lahat."

"Dyan ako lamang sa iyo, pare," sagot niya agad, "Hindi ako nagpupunla. Nakasupot lahat kaya sigurado akong wala ni isa. Ikaw ang humanda dahil lahat yata tinaniman mo."

Napalunok ako. He's right.

"Ubos lahat ang pinaghirapan mo, pare. Dahil lahat 'yon ay pamamanahan mo," pananakot nito.

"At least mapupunta sa mga anak ko," resbak ko, "Eh ikaw? Dahil wala ka ni isa, kapag natigok ka mamaya, lahat ng assets mo mapupunta lang sa gobyerno."

Natahimik siya. Huling-huli ko naman na napatingin ito kay Abby, doing flair bartending, habang pinapalakpakan siya ng mga customers. Napanganga ang mokong nang inihagis ni Abby ang dalawang bote ng alak at swabeng-swabe na sinambot, pinaikot-ikot at pinagulong-gulong sa mga palad niya bago isinalin ang alak sa mga baso ng mag-asawang customers. Kitang-kita ko rin ang paglingon, pagkunot at pamimilipit ng leeg niya sa pagsipat sa mga lalaking fans nito.

"I love you, Abby," sabi ng isang lalaki.

"Abby, will you marry me!" sabi naman nung isa.

"You are so effing hot, Abigail Santos!" sigaw nung isa.

"Lasingin mo ako, Abby! Then take me home! I am all yours to keep," sabi naman ng isa bago sumipol pa ng malakas.

Hindi ko mapigilan ang pagtawa ko dahil sa asim ng pagmumukha ni Jon ngayon.

"Anong nakakatawa?" Nakakunot na pagbaling niya sa akin.

"Eh bakit kasi sambakol ang mukha mo? Nagseselos ka, ano?"

"Tsss. Whatever asshole! Whatever!"

Tumawa ulit ako. Lalo itong nainis.

"Bernard." Isang malamig na tinig mula sa likod ko. Napalingon kami ni Jon.

Si Melanie.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Can we talk?" aniya. Sumalyap kay Jon at pagkatapos ay tumingin ulit sa akin, "In private."

[ITUTULOY]

S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon