Maggie's P.O.V.
Kung may gusto man akong makausap ngayong gabi, si Kuya Bernard na 'yun. Mabuti na lang at dun sa bar niya nagawi ang walanghiya kong boyfriend. No, wait! Ex-boyfriend pala. Kung hindi, baka hindi ko na alam ang gagawin ko.
Best friend ng kuya Mike ko si Kuya Bernard. Nagsimula ang pagkakaibigan nila simula pa sa pagkabata, magkapitbahay kasi kami dati. Lumipat na lang siya ng lugar nang inampon siya ng kanyang mga lola sa ibang lugar. Matapos 'yun ng traumatic na nangyari sa kanyang pamilya.
Kawawa noon si Kuya Bernard. Daig pa niya ang naulila sa murang edad na sampu. Matapos kasing mamatay ang kanyang mama at makulong ang kanyang papa ay ang lola na lamang niya ang nag-aruga sa kanya.
Umiyak ako noong umalis siya. Paano kasi, kahit sila ang mag-best frends ng bwisit kong kuya ay naging close rin ako sa kanya. Mabait kasi siya. 'Di hamak na mas mabait sa kuya kong bugnutin, basagulero, babaero, at lahat-lahat na. Minsanan na lang kaming magkita simula noon bagama't palagi pa rin silang nagkikita ni Kuya dahil magkaklase sila simula elementarya hanggang kolehiyo. Sa ibang eskwelahan kasi ako pumasok. Nagkikita na lang kami kapag may okasyon sa bahay o kaya naman kapag pinupuntahan niya si Kuya.
"Ang sarap naman nito, ikaw ba ang nagluto?"
Nilantakan talaga niya agad ang baked mac matapos kong painitin ito sa microwave.
"Oo. Mabuti naman at nagustuhan mo. Anong gusto mong inumin bukod sa kape? Gusto mo ba ng softdrinks, orange juice, iced tea?"
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
"Isang basong tubig na lang, Mags." Halos mabulunan siya. Punong-puno ang bibig.
Nilagyan ko ng iced cube ang isang baso, sinalinan ng distilled water at saka inilapag 'yon sa tabi ng kanyang plato.
"Ano ka ba naman, kuya, ilang buwan ka bang hindi kumakain? Dahan-dahan lang, baka mabulunan ka na niyan eh," sabi ko habang umuupo ako sa tapat niya para kumain din.
"Ang sarap kasi, Mags, homemade pa. Hindi ko na maalala kung kailan ako nakakain ng homemade. Si Lola pa yata ang nagluto nun."
Limang taon ng patay ang lola ni Kuya Bernard ah. Ganun na katagal?
"Bakit? Sa dinami-dami ng girlfriends mo, ni isa man lang ba, ay walang nagluto para sa iyo?"
Sinulyapan niya ako. Hayup lang, ang guwapo niya lang talaga! Lalo na kapag nakatingin siya sa akin. Ang totoo, crush ko na siya noon pa. Pantasya ko na siya noon pa. Kaya lang, mukhang hindi naman niya ako type. Hindi naman kasi siya nagparamdam na gusto na rin niya ako kahit kaunti lang. Wala lang siguro akong dating sa kanya.
Nakakainis.
Lalo na noong mga panahon na parati akong inaasar ni Kuya. Alam kasi ni Kuya Mike na may crush ako kay kuya Bernard. "Dream on sis, hindi siya mahilig sa panget." 'Yun ang laging panunukso sa akin ng bwisit kong kuya. Ang bait niya, ano? Ang sarap lang bigwasan.
Napabuntong hininga si Kuya Bernard, umiling, bago itinuloy ulit ang pagkain.
"Ikaw ba, palagi mong ipinagluluto ang mga naging boyfriends mo?"
"Hindi naman parati. Kapag may chance lang."
Nakita kong tumigil siya sa pagkain, nginitian ako habang nakatitig sa akin.
"Ang swerte naman nila."
"I don't think they feel that way. If they did, they shouldn't have left me, right?" Sumubo ako.
"Ilan na ba ang mga walang kasing tanga na pinakawalan ka, at bakit naman?"
"Tatlo. Lahat ipinagpalit ako sa ibang babae dahil sa—"
Nag-aalinlangan akong sabihin sa kanya. Baka madulas na naman kasi ako, katulad kanina sa kotse niya. Alam ko. Ramdam ko na dahil d'on sa mga nasabi ko kaya bigla siyang napapreno kanina.
"Sa?" nakakunot niyang pag-abang sa susunod kong sasabihin.
"Huwag na, kuya, diyahe. Nadulas na nga ako sa kadaldalan ko kanina. Nakakahiya naman sa 'yo."
"I don't mind. Dahil saan ba? You can tell me."
Matagal akong napaisip. Nagkatitigan na rin kami.
"Dahil sa sex. Hindi pa ako handang makipag-sex noon, kaya ipinagpapalit nila akong lahat d'on sa pwede."
Gosh! Nakakahiya ako. Hindi kasi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin. Nakatulala.
"Gaano ba talaga kahalaga ang sex sa inyong mga lalake, na para bang doon na umiikot ang mundo niyo? Ganun ba talaga kasarap?"
Umiinom siya nang binasag ko ang katahimikan kaya naman gamuntik na niyang maibuga ang tubig na iniinom niya. Napansin ko ang pagkaaburido niya. Namumula ang buong mukha.
"Well, I don't know with other men," sagot niya matapos mahimasmasan. "I can only speak for myself. Sex is good. Well, very good, most especially if you do it for the right reasons—"
"Such as?" pagputol ko sa nagle-labor niyang pagpapaliwanag.
"Such as the expression of love to the person you care about. For me, ewan ko sa iba, it's more like the physical manifestation of what you really feel inside. And because it physically feels amazingly ecstatic, it could be addicting once you've experienced your first—"
Sumulyap siya sa akin na parang nag-aalinlangan.
"First what? First experience?"
"No."
"Then what? First what?"
"First orgasm, climax, your first sexual satisfaction or whatever you want to call it. I am not sure if you know what I mean. But you see, sex is sex, but not all act of sex resort to satisfaction. Kaya I wouldn't say your addiction starts on the very first time you had sex, but rather on the first time, you got truly satisfied doing it."
Well, I know what orgasm or climax mean. I just don't know how it feels. But of course, I wouldn't tell him that. If he's smart enough, which I know he is, he'll probably remember that I accidentally told him, I am a virgin. Of course, I know sex must be good but I have no idea how good and addicting it really is.
[ITUTULOY]
BINABASA MO ANG
S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]
HumorKatropa Series Book 5 [Completed] Language: Filipino Saan nga ba matatagpuan ang recipe ng luto ng Diyos? Ano nga ba ang mga sangkap nito at gaano katagal lutuin? Sinu-sino ang mga pwedeng tumikim? Sino-sino ang nakatikim kahit na hindi pa 'yun pwe...