Bernard's P.OV.
Kapansin-pansin ang pananamlay ni Maggie lately. Kapag tinatanong ko naman siya, sabi niya, okay lang siya.
Dumalang na rin ang aming pagtatalik. Inisip ko na lang, dala lang siguro iyon ng pagdadalang-tao niya. Okay lang naman sa akin. Naiintindihan ko naman na hindi talaga madali ang magbuntis. Kaya ko namang magtiis. Mahal ko siya at ayokong nahihirapan siya.
Parati ko siyang nadadatnan sa bahay na mugto ang mga mata? Nang humingi ako ng opinyon sa aking mga empleyadong dumaan sa pagbubuntis, ang sabi nila, natural lang daw sa nagbubuntis ang minsanang pagiging emotional. Pero kung minsanan lang 'yun, katulad ng sinasabi nila, bakit parang araw-araw naman yata ay umiiyak siya? Ayoko siyang umiiyak. Gusto kong parating masaya ang mahal ko.
"Babe, gusto mo bang mag-out of town tayo this coming weekend? Punta tayo sa Tagaytay," paglalambing ko sa kanya.
Niyakap ko siya sa likuran bago ko ibinaon ang mukha ko sa kanyang kaliwang leeg. Hindi siya umiimik. Itinuloy lang niya ang paggagayat ng veggies. She's cooking our dinner.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
Ang swerte-swerte ko talaga sa kanya. Sana nga lang, alam ko kung papaano siya mapapasaya ngayon. Nami-miss ko na kasi ang halakhak niya at ang mga kapilyahan niya. Para kasing, nagbago siya lately.
"Babe? Are you alright?" Hinawakan ko ang kanyang magkabilang braso at saka ko siya iginiyang paharap sa akin.
Nang maiharap ko siya ay doon ko na nadiskubreng umiiyak pala siya. Tikom ang bibig niya pero walang tigil ang pagbuhos ng luha niya.
"Babe?" tanong ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit. "Bakit, babe? Bakit ka umiiyak? Anong nangyayari sa iyo? May masakit ba sa iyo? Masama ba ang pakiramdam mo? Tell me, please?"
Hindi siya nagsasalita. Natataranta sa pagpupunas ng mga luha niya. Shit! Hindi ko man alam kung bakit siya umiiyak ay parang dinudurog naman puso ko.
"Parang awa mo na, babe, sabihin mo sa akin ang dinaramdam mo. Please?"
"W-wala, baby. Ayos lang ako. Ganito lang siguro talaga ang nagbubuntis." Pilit na pilit ang ngiti niya. Tapos ay ipinagpatuloy na niya ang paggagayat na parang wala lang
I don't know why but I am beginning to suspect that her crying frenzy these past few weeks has nothing to do with her pregnancy. Something is terribly wrong and I am itching to find out for myself.
*****
"Naging iyakin ba si Claire ever since she got pregnant?" tanong ko kay Mike, nang muli siyang napadaan sa opisina.
"No," nakakunot niyang sagot. "Bakit mo naman naitanong? Bakit, buntis na rin ba si Cristelle?" Ayun na naman ang ngiting aso niya habang tumataas-baba ang kilay niya.
"What the f-ck are you talking about?"
"Bakit? Hindi ba't nagkabalikan na kayo? Hindi ba siya 'yung sinasabi mong pakakasalan mo na?"
"What?! Hell no! Saan mo naman napulot ang ideyang iyan?"
"Kunwari pa ito! Eh hindi ba nadatnan ko kayo nito ilang linggo na ang nakakaraan? Ano kayo? Nagtitigan lang? Knowing you, sa kalibugan mo? I heavily doubt it, pare." Umiiling-iling niyang pang-aasar.
"We are not back together, and never again. I am done with her. And I made it clear to her that same day."
"Ows," anya, "Eh bakit sabi ni Maggie, hindi mo raw sinagot ang ilang tawag niya that same day I found you with Cristelle here? Tinawagan ka raw niya para sunduin sila ni Claire dahil medyo na-late ako sa t*nginang traffic sa EDSA pero hindi ka raw sumasagot. Kaya nga nasabi ko sa kanya na baka busy ka lang dahil nakita ko kayo dito sa opisina mo ni Cristelle. Nasabi ko pa ngang nagkabalikan na kayo ng one and only true love mo." Humalakhak ito. "Hindi nga maipinta ang pagmumukha ni Margarita! Grabe, parang iiyak na. Classic! May crush kasi 'yun sa 'yo. Kundangan ba naman kasing nagpabuntis siya sa kung sinong pontio pilato, kaya hayan, lalo na siyang nawalan ng pag-asa sa 'yo. Alam mo bang—"
"You said what to Maggie!?" iritable kong pagputol sa ranting ni Mike.
Nagulat siya sa reaction ko.
"N-na you were with Cristelle kaya you can't be bothered the day she tried to call you?" Bakas sa mukha niya ang pagtataka sa inasal ko.
Binggo!
That explains everything. My poor baby Maggie. She got it all wrong and she's being burdened by this stupid misunderstanding, for so many weeks now.
Shit!
Parang gusto ko tuloy suntukin si Mike ngayon.
"I want to make it clear to you once and for all, Mike. Wala na kami ni Cristelle at hinding-hindi na magiging kami ulit. Meron na akong mahal na iba at tulad ng sinabi ko sa iyo dati, ito na ang huli kong mamahalin dahil siya na nga ang pinakamamahal ko sa lahat. Siya ang pakakasalan ko at nag-iisang magiging ina ng lahat ng magiging anak ko. Makikilala mo rin siya balang araw at kapag nakilala mo na siya, maiintindihan mo rin kung bakit gusto kitang sapakin ngayon."
[ITUTULOY]
BINABASA MO ANG
S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]
HumorKatropa Series Book 5 [Completed] Language: Filipino Saan nga ba matatagpuan ang recipe ng luto ng Diyos? Ano nga ba ang mga sangkap nito at gaano katagal lutuin? Sinu-sino ang mga pwedeng tumikim? Sino-sino ang nakatikim kahit na hindi pa 'yun pwe...