EPISODE 35

184K 1.1K 47
                                    

Bernard's P.O.V.

Tumingin ako sa relo ko. Naku, alas-onse y medya na pala! Nagpaalam naman ako kay Maggie na nagkayayaan lang ang tropa pero sa kabila noon ay nag-aalala pa rin ako na pabayaan lang siyang nag-iisa sa condo. Lalo na sa kalagayan niya ngayon.

Ang kagandahan sa asawa ko, hindi siya kagaya ng ibang mga babae na makulit. Hindi siya 'yung tipong text ng text o tawag ng tawag. Iba siya. Sa kanya, for as long as nagpaalam ako sa kanya kung saan ako pupunta, hindi niya ako kinukulit. Naghihintay na lang siya ng tawag o text ko.

Kinuha ko ang phone ko at nag-text. Ang hirap kasi kung tatawag ako dahil kasalukuyang nagkakantahan pa ang mga sintunadong katropa ko.

Ako: Hello babe, how r u? Uuwi na rin ako. Magpapaalam lang ako sa tropa.

Message sent.

Pagtunghay ko ng mukha ko ay nakatingin sa akin si Jon. Nakangisi pa ang walanghiya.

"Pinapauwi ka na ba ni Commander?"

"Hindi naman, kinukumusta ko lang siya. Ako ang nag-aalala dahil kabuwanan na niya."

Tiningnan ulit ako ni Jon na parang may gusto talaga siyang sabihin sa akin.

"Spit it out, Jon," nakangisi kong tanong.

"Alam mo na naman na niligawan ko si Maggie noon, hindi ba?"

Tumango ako. Napangiti siya.

"Eto ang detalye," anya. "Hindi ko naman kasi alam na kapatid pala niya si Mike," pangungumpisal nito. "She was just introduced to me by one of my staff, so hindi ko alam noong una. Pero nung malaman ko, inihinto ko kaagad. I just can't stand that asshole even for a sec. Ang maging bayaw pa kaya? I just thought I want to tell you, para lang klaro once and for all."

"I appreciate that, pare."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Nag-beep ang cellphone ko. May nag-text. 1 message received.

Maggie: Ok lang ako dito, baby. Mag-enjoy ka lang dyan. Love u.

Me: No, babe. Uuwi na ako. I love u 2.

Message sent.

"Ah, eh, mga pare," pagtawag ko sa atensyon nilang lahat. "Mauuna na ako. Kabuwanan na kasi ni Maggie, ayoko siyang iwanan mag-isa ng ganitong ka-late. Salamat talaga sa lahat ng ginawa ninyo para sa akin. Balang araw makakabawi rin ako sa inyo."

Naghiyawan sila na parang kinakantyawan ako.

"'Yun nga ba o under de saya ka lang?" pagbibiro ni Luke. Muli silang naghiyawan.

"Hindi ganun si Maggie. Okay nga lang sa kanya na mag-stay ako, ako 'yung nag-aalala."

"Mauna na rin ako," pagsingit ni Art. "Sabay na tayo, Bernard." Tumayo na siya at inayos ang sarili.

"O, mga pare, uuwi na raw ang mga TAKUSA!" humahalakhak na pangangantyaw ni Benj. "Ang mga takot sa asawa!"

Nagtawanan lahat pati kami ni Art. Mga luko-luko talaga ang mga katropa kong ito. Ang lakas mang-alaska.

S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon