Maggie's P.O.V.
"Ano? Tutulungan niyo ba ako o hindi?" pag-angal sa amin ng kuya kong ungas. Mukhang haggard na haggard na ang walanghiya. Kasalanan niya, g*go siya eh.
"Ang kapal mo rin namang mag-demand, kuya! Nakalimutan mo na ba ang mga atraso mo sa akin, kay Bernard at pati na rin kay Andre?" Nanggigigil ako habang hinahaplos naman ni Bernard ang likuran ko para mapakalma ako. Pero wa epek 'yun, gusto ko na kasi talagang sapakin ang kapatid ko. "Kung ako lang ang winalanghiya mo, mapapatawad pa siguro kita, pero 'yung anak ko, na pamangkin mo na walang kamuwang-muwang eh tinarantado mong walanghiya ka! At plano mo pa pa lang sirain ang pagsasama namin ni Bernard? Napakawalanghiya mo, hayup ka!"
Sinampal ko siya. Sinampal ko na talaga siya sa panggigigil. Hindi naman siya kumibo. Inawat naman ako ni Bernard.
"Eto ang tatandaan mo, Miguel. Oo, si Miguel ka na lang sa akin ngayon. Wala kang maaasahang tulong sa amin ni Bernard. Alam mo kung bakit, ha?" Sinuntok ko ang braso niya. Napangiwi lang siya pero hindi naman kumibo. "Isa kang mapanganib na tao, mas bagay sa iyo ang mabulok sa bilangguan!"
Wala man lang reaksyon ang walanghiya kaya't mas lalo akong nainis.
"Tayo na, Bernard." Sabay hila ko sa asawa ko na bitbit naman ang car seat na kinalalagyan ni Andre. "At baka makapatay lang ako rito." Nagpakatianod naman ito sa akin.
"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Bernard habang nagmamaneho.
Umiling ako. Nanginginig pa rin kasi ako sa galit.
"Ipangako mo sa akin, Bernard..." matigas na sabi ko habang nakatingin lang sa daan, "Na hinding-hindi mo tutulungan si Kuya na makalaya. Wala na akong tiwala sa kanya. Kapag nakalaya siya, hindi na naman ako matatahimik. Parati na naman akong mag-aalala sa kaligtasan natin. Napakawalanghiya niya. Alam mo? Matutuwa siguro ako kung madidiskubre kong hindi ko siya tunay na kapatid."
Napatawa si Bernard.
"Pangako," nakangiting sagot niya.
Syet. Ayan na naman 'yung ngiti niyang nakakapagpabago ng mood ko.
"Kumusta na kaya ang ate Claire?"
Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakabalita sa kanya. Mukhang nag-iba na siya ng numero ng cellphone kaya't hindi ko siya ma-contact. Kahit na ipinagdidiinan ni Kuya na hindi naman daw niya anak 'yung anak ni Ate Claire, hindi ako naniniwala. Mas naniniwala pa akong sinabi lang 'yun ni Kuya para makaiwas siya sa responsibilidad, na katulad ng pagtalikod niya sa responsibilidad niya sa anak nila ni Melanie.
Hindi ko talaga alam kung saan nakuha ni Kuya ang kasamaan sa sistema niya. Imposibleng sa dugo dahil ang babait naman ng mga magulang namin. Hindi kaya sinasaniban lang siya ng masamang espiritu?
"Ipa-exorcise kaya natin si Kuya!" bulalas ko kay Bernard habang nanananghalian kami. Umiinom si Bernard ng tubig nang sinabi ko 'yun kaya naman gamuntik na niyang maibuga ang iniinom niyang tubig sa mukha ko.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
"Alam mo, baby?" aniya, "Bawal na! Bawal nang tumambay dito sa bahay at makipagkuwentuhan sa iyo sina Benj at Luke!"
Mahilig kasing tumambay dito sa aming bagong bahay ang dalawa sa barkada ni Bernard na sina Luke at Benjamin. Parati nitong kasama ang mga girlfriends nila. Malaki kasi ang swimming pool namin at merong visitor's entertainment lounge kung saan pwede silang tumambay para mag-billiards, mag-inuman, mag-darts, mag-pingpong, at kung anu-ano pa. At kapag tumatambay sila dito, hindi maiwasang napapasali ako sa kuwentuhan nila. 'Yun bang mga kwentuhang may kinalaman sa mga mga kababalaghan.
BINABASA MO ANG
S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]
HumorKatropa Series Book 5 [Completed] Language: Filipino Saan nga ba matatagpuan ang recipe ng luto ng Diyos? Ano nga ba ang mga sangkap nito at gaano katagal lutuin? Sinu-sino ang mga pwedeng tumikim? Sino-sino ang nakatikim kahit na hindi pa 'yun pwe...