Maggie's P.O.V.
Wala nang ibang ginawa si Kuya kung hindi ang magreklamo. Nagsimula iyon matapos kong sabihin sa kanila na baka ma-late ng konti ang tatay ng anak ko. Kasama naman talaga sa plano na male-late si Bernard. Mabuti na lang at very patient talaga ang mga magulang namin at si Ate Claire.
"Masyado namang paimportante ang Pontio Pilatong 'yan? Saan mo ba nakilala 'yan?"
Wala talagang kupas ang kuya kong ungas.
"Bakit ba ang dami mong reklamo?" singhal ko.
"Ipinahamak mo ako. Naturingan kitang kadugo! Paano kung g*guhin ako ng tarantadong 'yon? Naisip mo man lang ba ang magiging kalagayan namin ni Claire at ng anak namin?" bulong niya sa akin. Hindi naman narinig iyon ng aming mga magulang.
"Mabuti naman at naiisip mo na sila ngayon. It's about time to grow up, 'no?" bulong ko pabalik.
Sa bandang likuran ni Kuya ang direksyon na papasukan ni Bernard. Mayamaya nga'y naaninag ko na siyang parating.
Syet, ang guwapo niya lalo in his gray suit. Huminto siya sa mismong likuran ni Kuya, nakaharap siya sa mga magulang ko na nginitian niya ear to ear.
"Bernard, ikaw na ba 'yan?" pagbati ni Mama.
Napalingon naman si Kuya sa kanya.
"Opo. Kumusta po?" Hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya.
"Mabuti naman kami," sagot ni Mama, "Hinihintay lang namin ang nobyo nitong si Maggie. Aba! Napakaguwapong bata mo na noon pero mas lalo ka yatang gumwapo ngayon ah."
"'Di naman po. Inspired lang po siguro." Napansin ko ang pamumula ng mukha niya.
"O pare, nandito ka rin pala. Anong ginagawa mo dito?" pagbati ni Kuya sa kanya.
Tumayo ito sa kinauupuan at tumabi kay Bernard. Nginitian lang naman siya ni Bernard.
"Balita ko dito kay Mike big-time ka na," si Papa sabay tayo at abot ng kamay kay Bernard para kamayan. Kinamayan naman siya ni Bernard.
"Hindi naman po." Namumula pa rin siya. Pinipilit na huwag na munang sumulyap sa akin.
"Sus, pa-humble lang 'yan, papa," pang-eepal ni Kuya, "Big-time na talaga ang bespren kong 'to. Nakita niyo naman ang porma niya ngayon, pormang milyunaryo na. Samo't sari na ang mga pinapasok nitong negosyo. Lahat patok." Sabay halakhak.
Nagkatawanan ang lahat.
"Teka," Nagpalinga-linga si Kuya, "May ka-date ka ba dito?" tanong niya kay Bernard.
"Oo. Ang girlfriend ko at ang family niya," nakangiti niyang sagot.
"Eh nasan ba ang mystery girlfriend mo na 'yan at nang makilatis," lumilinga-linga pa rin si Kuya.
Noon na sumulyap sa akin si Bernard at ngumiti. Napatingin naman sa titigan namin sina ate Claire at ang parents ko habang si Kuya ay nanghahaba at namimilipit pa rin ang leeg sa paglinga-linga.
Inginuso ko na kay Bernard ang upuan sa gitna namin ni Mama. Agad naman na siyang lumapit at umupo roon. Naiwang nakatayo ang kuya kong ungas. Natigil lang ang paglinga niya ng mapansin niyang wala na si Bernard sa tabi niya.
"O, akala ko ba may ka-date ka dito?" sabi niya kay Bernard sabay upo na rin.
"Meron nga," nakangisi niyang sagot. "Um-order na po ba kayo?" biglang pagbaling niya sa parents ko na parang medyo napanganga at natulala sa kanya.
Sumulyap ako kay kuya na natigilan din. Pinipigilan ko ang pagbungisngis ko dahil nakakatawa talaga ang mga reaksyon nila. Lahat sila ay gulat. Parang mga lutang.
"Eh nasaan?" nakakunot na tanong ni Kuya.
Sumulyap sa akin si Bernard at doon na kami nagkangitian at magkasabay na tiningnan si Kuya.
Tumikhim ako para kunin ang atensyon ng lahat. Ikinalat ko ang tingin ko kina papa, mama, ate Claire at kuya na pawang mga nakanganga sa pagtataka.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
"Hindi ko sure kung kailangan ko pa siyang ipakilala pero for the sake of formality which is the real intention of this gathering. I will do it. Pa," Tumingin ako kay papa. "Ma," Tumingin ako kay mama. "Ate at Kuya," Salitan kong sinulyapan ang dalawa. "I would like to introduce to you, the father of my child, my fiancé, Bernard Alonzo."
Katahimikan.
"Namp*ta ka, ikaw ang bumuntis sa kapatid ko?!" nakangising pagbasag ni Kuya Mike sa katahimikan.
Pabiro niyang dinuro si Bernard across the table. Hindi na naman namin napigilan ang pagtawa.
"Mga walangya kayo," dagdag niya, "Pinagplanuhan niyo ito, ano?!" Salitan niya kaming tiningnan. "G*go ka, pare," pagbaling niya kay Bernard, "Kung hindi mo lang kami inilibre ng tanghalian kanina, babangasan talaga kita. Langya kayo, tinakot niyo pa ako sa taenang kontrata kuno?!" Sabay halakhak.
Our dinner went well. Wala namang problema ang mga magulang ko kay Bernard. Ang totoo, botong-boto pa nga ang mga ito sa kanya. Binigyan nila kami ng blessing to have a simple wedding sa susunod na buwan. Bagama't we suggested na double wedding na lang with kuya and ate Claire, but those two decided to wait until their child is born. Mukhang nagma-mature na nga yata ang kuya ko ah. Hindi kasi siya pumayag na si Bernard ang sasagot sa wedding nila. Gusto raw niyang pagsikapan ang sariling kasal.
Ows? Talaga lang ha?
[ITUTULOY]
BINABASA MO ANG
S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]
HumorKatropa Series Book 5 [Completed] Language: Filipino Saan nga ba matatagpuan ang recipe ng luto ng Diyos? Ano nga ba ang mga sangkap nito at gaano katagal lutuin? Sinu-sino ang mga pwedeng tumikim? Sino-sino ang nakatikim kahit na hindi pa 'yun pwe...