Third Person's P.O.V.
"Napakadali talagang takutin ni Melanie," humahalakhak na sambit ni Mike sa kanyang kainuman. "Kaya nga siya ang napili ko sa misyong ito. Siya kasi ang pinakatanga at uto-uto."
"Bakit? Ano bang sinabi mo?" tanong ni Apollo, isa sa mga tauhan niyang medyo tipsy na.
"Siya lang ang nag-assume pero wala naman akong deretchahang inamin na pinatay ko nga 'yung mga dating syota ni Bernard."
"Ano? Mamatay tao ka na rin?"
"Tanga! Masamang tao ako, inaamin ko 'yan, pero hindi ako mamatay tao!"
"Eh paano kung isuplong ka niya sa mga pulis dahil sa kanyang maling akala?"
"Oh, e 'di siya na lang ang magmukhang tanga! Eh ano ba ang mahahanap ng mga pulis? Samantalang lahat naman ng ex ni Bernard ay buhay pa."
"Akala ko ba matalik kayong magkaibigan ni Bernard? Bakit siya pa ang naisipan mong gawan ng kabalbalan?"
Natahimik si Mike.
"I hate him."
"Bespren mo, hate mo, bakit?"
"Nasa kanya na lahat ang gusto kong maging ako."
Uminom siya ng isang lagok ng serbesa.
"Bata pa lang kami, lapitin na siya ng karangyaan," paglalahad niya, "Ang yaman kasi ng pamilya niya kaya lahat ng mamahaling bagay, meron siya. Kahit para sa sarili kong magulang, siya ang bida at pinupuri. Madalas pa sa hindi na ikinukumpara ako sa kanya. Siya na ang mas magaling, ang mas matalino, ang mas guwapo, mas mabait kaya naman lahat ng mga babaeng nagugustuhan ko ay sa kanya nagkakagusto. Noong may nangyaring trahedya sa kanyang pamilya, ang sabi ko sa sarili ko, sa wakas mas lamang na ako sa kanya. Pero hindi pa rin pala."
Uminom ulit ng isang lagok.
"Kung bakit naman kasi napakailap sa akin ng swerte. Kaya nga nang maglaon, ang sinabi ko sa sarili ko, kung ayaw ibigay ng Diyos sa akin ang kahit kalahati man lang ng meron si Bernard, kukuhanin ko na lang ang mga gusto ko sa kanya, nang hindi niya namamalayan."
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
Nagbuntong hininga siya.
"I slept with his girlfriends and stole his stuff. Hoping na babagsak din siya at ako naman ang aangat. But darn luck always favors him dahil habang kinukuhanan ko siya ay mas lalo siyang nagkakaroon. Habang hinihila ko siya paibaba, lalo siyang umaangat. Ito pa ngang huli ay nadagit pa niya ang kapatid ko nang hindi ko namamalayan. T-ngina niya! Bakit ba palagi na lang siya ang bida?"
"Big-time na siya ngayon kaya big-time na rin ang gimmick mo? Ayos! Basta ba huwag mo lang kalilimutan ang parte ko."
"Basta ba gagawin mo ang inuutos ko, walang problema."
"Asan na nga pala si Claire?"
"Ewan ko, bahala siya sa buhay niya."
"Eh paano na ang anak niyo?"
"T-ngina niya. Hindi ko anak 'yun! Kung hindi ko pa kakalkalin ang totoo, hindi siya aamin. Anak niya iyon sa naka-one night stand niya na may asawa. Hindi ko matiis ang pagmumukha niya! Gin*go ako ng harap-harapan! Kaya hayun, nilayasan ko. Baka kasi mapatay ko lang siya. Sa sakit ng ginawa niya sa ego ko, pinaniwala ko na lang silang lahat na may kinakasama na akong bagong binuntis ko."
"Meron ba?"
"Wala. Isa lang ang anak ko na sigurado kong akin. 'Yung anak namin ni Melanie."
"Hindi ba may mga anak pang iba si Melanie?"
"Oo, may dalawa siyang ampon. 'Yung sa amin lang ang anak niya talaga."
"So, kayo na ba ngayon?"
"Ngayon lang. Kailangan ko kasi siya laban kay Bernard. Kami kasing dalawa noon ang may pinakamaraming kabalbalang ginawa sa likod niya," natatawang lahad ni Mike, "And besides, kailangan din niya ng pera. May malalang sakit 'yung isang ampon niya."
[ITUTULOY]
BINABASA MO ANG
S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]
HumorKatropa Series Book 5 [Completed] Language: Filipino Saan nga ba matatagpuan ang recipe ng luto ng Diyos? Ano nga ba ang mga sangkap nito at gaano katagal lutuin? Sinu-sino ang mga pwedeng tumikim? Sino-sino ang nakatikim kahit na hindi pa 'yun pwe...