#7: Earl Baretto

270 6 4
                                    

Choice #7: Earl Baretto

She calls me baby,

then she won't call me.

Says she adores me,

and then ignores me.

Jenny, what's the problem?”

Tahimik akong nakaupo habang nakapatong ang aking baba sa mesa. Nagkukulitan ang mga kaklase ko, tulad ng palagi nilang ginagawa. Ngunit may kakaiba ngayong araw. May napagtripan sila.

First you say you won't,

then you say you will.

You keep me hanging on

and we're not moving on.

We’re standing still, Jenny!

You've got me on my knees.

Jenny, it's killing me.”

Si Earl. Nasaktuhan lang na Jenny ang pangalan ng pinaka-huli n'yang ex-girlfriend. Ang pagkakarinig ko, dalawa o tatlong buwan na silang hiwalay. Hindi ko lang alam kung paano nahalungkat ng mga kaklase ko ang tungkol dito. Nakikinig ako, kahit hindi naman ako tsismoso. Hindi ko lang talaga maiwasang makinig lalo na't pinupuno ng mga boses nila itong buong classroom. Pero kahit anong pilit nila kay Earl, hindi s’ya nagkekwento. Ewan ko, pero mukhang affected pa rin s’ya hanggang ngayon.

Pero ang isang bagay na maganda sa kanya, nakikisakay s’ya.

“Nag-GM nga s’ya kanina, e.”

Nagsigawan naman ang mga haliparot. Halos mangisay ‘yung iba na hindi ko maintindihan kung kinikilig ba, o natatawa, o natatae.

“Kring! Kring!”

Tumakbo ako palabas.

“Nasusunog ang mga gamu-gamo sapagkat lumalapit sila sa maliwanag na ningas ng lampara.” Panimula ng boses. “Namamatay sila.”

“Ha? Ano'ng ibig mong sabihin?”

“Ngunit kung walang ningas ang lampara, maaapektuhan ba nito ang mga gamu-gamo?”

“Hindi. Dahil walang makakasunog sa kanila.” Hindi ko maintindihan pero umaaasa ako. “At hindi tayo naaapektuhan ng isang bagay na wala sa paligid natin.”

Nagpakawala s'ya ng isang maiksing tawa. “Sigurado ka?”

“Ewan. Ewan ko.” Nilipat ko ang telepono sa kabilang tenga. “May kinalaman ba 'to sa susunod na pamimilian?”

“Oo.” Isa nanamang maiksing tawa. “Si Earl Baretto.”

Lumaki si Earl sa isang simpleng buhay sa probinsya. Bagamat simple, ay masaya s'ya dahil ang lugar na ito ang humubog sa kanya. Ang lugar na ito ang naglagay ng mga alaalang itinatago n'ya sa kanyang utak. Ang mga ilog kung saan sila naliligo ng kanyang mga kabigan, at ang mga bundok na ilang ulit na nilang inakyat. Lahat ng alaala sa probinsyang ito ay kanyang pinahahalagahan.

Lalo na't dito n'ya nakilala ang babaeng nagbigay-kahulugan sa mga alaalang ito.

Si Jenny.

Bata pa lang si Earl nang makilala n'ya si Jenny sa simbahang kanilang sinasambahan. Magkakilala ang pamilya at mga kaibigan nila. Kaya't hindi sila nahirapang mapalapit sa isa't isa. Ngunit masyadong napalapit si Earl.

Mas matanda ng isang taon si Jenny kumpara sa kanya. Ngunit hindi ito naging hadlang. Aminado s'yang puro pisikal na katangian nito ang dahilan nkung bakit n'ya ito nagustuhan ngunit habang tumatagal ay lumalalim ang lahat; ang pagkakaintindihan, ang pagnanais, ang damdamin. Ngunit hindi ito sapat lalo na't isa lamang sa dalawa ang lumalalim. At lahat ng hindi pantay, ay hindi sapat.

Ang Mga PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon