*29: Reflection
Tinext ni Rey ang mga kaklase namin na malamang ay alam na rin ang balita tungkol sa nanay ni Sydney. Hiningi n’ya ang kumpletong address ng bahay nito upang mapuntahan namin ito at magawa ang mga napag-planuhan. Pinilit kong ubusin ang aking kinakain dahil bagamat kagabi pa ako hindi kumakain, ay wala rin naman akong gana. At ayokong maging sanhi ng pagkapalpak ng planong ito. Nakatanggap ng reply si Rey galing sa number ni Earl, nakasaad doon ang kumpletong address na tinitirhan ni Sydney. Eksakto namang natapos akong kumain, kaya’t hindi na kami nag-aksaya pa ng oras, agad naming pinuntahan ang binigay na address. Agad din naman kaming nakarating doon.
“Sigurado ka bang tama ang address na ‘yan?” Tanong ko habang nililibot ang tingin sa paligid. Isa itong madilim at liblib na kalsada, na ang tanging liwanag na makikita sa paligd ay nagmumula sa mga kahel na ilaw sa itaas ng mga poste.
‘Sinunod lang natin ‘tong binigay ni Earl.”
“Sigurado ka bang si Earl ‘yan?”
Napahinto s’ya’t nag-isip. Maya-maya’y umupo s’ya sa tabing kalsada saka isinubsob ang mukha sa palad. Nilapitan ko s’ya.
“Bakit? Ano’ng problema?”
“Mula sa unregistered number ang text na natanggap ko; nagpapakilalang si Earl. Hindi ko man lang naisip na baka hindi talaga s’ya ‘yun; na baka parte nanaman ‘to ng plano ng boses.” Huminga s’ya nang malalim. “Kasalanan ko ‘to, e. Marami na sigurong tumatakbo sa isip ko kaya hindi ko ‘yun naisip agad.”
Gusto ko s’yang sisihin at pagsabihan, pero alam kong hindi ito ang tamang panahon para mag-away kami. At isa pa, kasalanan ko din naman kung bakit s’ya nadadamay sa ganitong klase ng kaguluhan. “Halika na. Umalis na tayo habang maaga pa.”
Tumango s’ya’t mabilis na tumayo. Maglalakad na kami paalis nang biglang may humintong sasakyan sa aming harapan, saka bumaba ang dalawang armadong pulis; nakatutok sa’min ang hawak nilang baril. Naglakad sila papalapit sa amin.
“Sumama na kayo sa’min. H’wag n’yo nang pahabain pa ‘to.”
Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong gagawin; o kung may dapat pa ba akong gawin. Nakatutok sa amin ang dalawang baril na anumang oras ay maaaring pumutok at magpatigil sa pagtibok nitong puso kong gustong tumakbo palayo. Gusto ko nang sumuko upang matapos na ang lahat ng ito; ngunit natatakot ako para sa mga mahal ko sa buhay. Ganu’n din sa mga minamahal ni Rey. Masyado nang marami ang mga sinakripisyo ko para sa larong ito, at hindi ko hahayaang mauwi lang sa wala ang lahat ng ‘yon. Pero wala na akong magagawa, dahil nandito na ako sa punto kung saan wala na akong pamimilian; wala na akong karapatang pumili. At unti-unti nang namamatay ang aking pag-asa; wala na akong maramdaman. Hanggang sa mapansin ko ang isang mahinang pagtapak sa aking kaliwang paa. Pasimple ko itong tiningnan at nakitang tinatapakan ako ni Rey. Agad kong naintindihan kung anong gusto n’yang sabihin.
“Sige, barilin n’yo kami.” Paghahamon n’ya. “Matapang lang naman kayo dahil may baril kayo, ‘diba? Kaya, sige na! Patayin n’yo na kami.”
“H’wag mo kaming hamunin, bata.”
“Isa.” Nagsimulang magbilang si Rey, habang mas lumalapit ang dalawang pulis.
BINABASA MO ANG
Ang Mga Pangalan
Mystery / ThrillerMay isang tumatawag. May isang tinatawagan. May isang mamamatay sa bente-unong pangalan.