#21: Rey Abonito

144 8 4
                                    

Choice #21: Rey Abonito

                Nakaupo ako sa loob ng classroom ni Sir Murcia habang pinaglalaruan ang telepono kong nakapatong sa ibabaw ng mesa. Walang ibang tao ngayon dito dahil nasa flag ceremony silang lahat. Hindi ako sumama sa kanila, kahit na kailangan, dahil hindi ako mapakali sa kahihintay sa susunod na pagtawag ng boses. Maaga pa pero iba’t ibang pakiramdam na ang naghahalo-halo sa dibidb ko. Kinakabahan ako, dahil makukumpleto na ang bente-unong pangalan; pero nasasabik akong marinig ang problemang tinatago ni Rey. Natatakot ako dahil pagkatapos nang araw na ito, kailangan ko nang pumili kung sino sa kanila ang papatayin ko. Pero natutuwa ako’t napapangiti dahil mukhang alam ko na kung sinong pipiliin ko. Mababawasan na ang mga epal sa mundo.

                Nag-ring ang telepono.

                “Ito na ang huling araw, Dominic.” Panimula ng boses. “Handa ka na ba?”

                Bahagya akong napangiti. “Handang-handa.”

                “Mukhang kilala mo na kung sino ang susunod, ah.”

                “Oo naman. Ito na siguro ang pampalubag-loob ko sa lahat-lahat ng mga nangyayari sa’kin ngayon: ang malaman kung anong problema’t kahinaan n’yang Rey na ‘yan.”

                Tumawa ang boses. “Ganyan ba talaga kalaki ang galit mo sa kanya?”

                “Hindi lang ganito. Kung tutuusin, mas malaki pa dito.”

                “Ano nga bang nagawa sa’yo ng Rey na ‘yun at sobrang laki ng galit mo sa kanya?”

                “Hindi mo na kailangang malaman.” May tono ng pagkainip sa boses ko. “Simulan mo na ang pagkekwento.”

                “Oo nga naman. Hindi ko na kailangang malaman.”  Tumawa s’ya. “Dahil hindi naman s’ya ang pinakahuling pamimilian.”

                Natulala ako. Napahinto sa paggalaw ang ibang parte ng katawan ko, ngunit biglaan naman ang pagbilis ng tibok ng aking puso. “A-anong ibig mong sabihin?”

                “Magdiwang ka na, Dominic Romualdez.” Muli s’yang tumawa. “Ikaw ang ika-bente uno.”

                Nagsimula s’yang magkwento.

                Nakaupo si Dominic sa loob ng isang maliit at mainit na silid nang gabing ‘yon. Ito ang pinakaunang beses na nakapasok s’ya sa ganitong uri ng kwarto. Pinagmasdan n’ya ang paligid; may isang electric fan sa pader na hindi gumagana, pahabang bumbilya sa kisame na mukhang nasunog noon, may maliit na banyo sa bandang kanan, gawa sa kahoy ang pintong palabas ng silid at may isang maliit na mesa sa bandang kaliwa ng kama kung saan s’ya nakaupo. Hinimas n’ya ang kama. Matigas ito at magaspang, may dalawang unan na mukhang ilang linggo nang hindi nalalabhan, at kobrekama na may mga puting mantsa.

                Bumukas ang pintong gawa sa kahoy saka pumasok ang babaeng kanina pa n’ya hinihintay. Si Regine; na nakilala n’ya lang sa bus kanina habang pauwi s’ya galing sa school. Ngumiti ito sa kanya, at bagamat may pag-aalinlangan, ay pinilit din n’yang ngumiti.

                Nagsalita ang babae. “Lights on o lights off?”

                 “Ikaw,” Napalunok s’ya. “kung anong gusto mo.”

                Nadagdagan ng anghang ang ngiti ng babae. “Anong gusto ko?” Saka ito lumapit at umupo sa tabi n’ya. “Ito ang gusto ko.” Tinulak s’ya nito pahiga sa kama saka s’ya hinalikan. At sa mga oras na ‘yun, hindi na n’ya naisip ang tama at mali. Hanggang natuto s’yang gumanti sa halik ng babae.

Ang Mga PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon