#8: Weng Agustina

267 9 6
                                    

Choice #8: Weng Agustina

           Kaninang umaga pa umuulan at hindi pa tumitigil kahit tanghali na. Nakakatamad kumilos at alam kong nararamdaman din ‘yun ng iba kong mga kaklase. Ewan ko ba kung bakit malaki ang nagiging epekto ng ulan sa emosyon ng isang tao. Kaya hindi na ‘ko nagtataka kung bakit sa poetry, madalas gamitin ang ulan bilang simbolo ng kalungkutan.

Napalingon ako nang mapansin ko sa sulok ng mga mata ko ang pagpasok ni Earl sa pintuan. Namamaga ang mga mata n'ya na parang magdamag s'yang umiyak. Naalala ko, sinabi n'ya nga pala kahapon na nag-GM si Jenny. Hindi kaya nagkausap sila kahapon kaya s'ya umiyak? Ewan ko. Hindi ko man alam kung gaano kabigat ang pinagdadaanan n'ya ngayon, pero alam kong nahihirapan s'ya.

Kasunod namang pumasok siWeng at walang imik na dumiretso sa kanyang upuan. Tinatamad akong buhatin ang ulo ko mula sa pagkakapatong nito sa mesa kaya’t hindi ko agad napansin na umiiyak s’ya. Tag-iyak ba talaga ngayon?

Nilapitan s’ya ng mga babae kong kaklase, at tinanong kung anong nangyari. Nanatili akong nakaupo sa kinalulugaran ko. Tumunog ang telepono.

Mukhang nararamdaman ko na kung sino’ng susunod kaya’t naglakad ako palabas ng classroom upang makipag-usap sa boses.

“Kring! Kring!”

“Naiintindihan mo na ba ang kwento ng gamu-gamo?” Sinimulan n'ya ang usapan.

“Oo.” Tumingin ako sa paligid upang matiyak na walang makakarinig. “Bakit?”

Tumawa s'ya pero halatang pinilit lang. “Sigurado ka?”

“Oo naman.” Nakakunot ang mga noo ko. “Ano bang meron sa gamu-gamo? May kinalaman nanaman ba 'to sa susunod na pamimilian?”

“Oo.”

“Sino?”

At tulad nang inaasahan ko, agad n'yang binanggit ang pangalan.

“Weng Agustina.”

Ang pagiging makulit at palabiro ni Weng ang unang nakikita ng mga taong kanyang nakakasalamuha. Mabilis na nababakas ng iba ang kasiyahan sa matinis ngunit malakas n'yang boses. At bagamat masakit makapagsalita kung minsan, ay hindi kinaiinisan dahil sa madalas na pagngiti at masayahing katangian. At ang mga ngiting ito ay nagwiwika kung gaano s'ya kasaya at kakuntento sa buhay n'ya.

Ngunit mali.

Dahil sa likod ng mga ngiting ito ay nagtatago ang kalungkutan. At ang pangungulila sa isang taong mamahalin n'ya at magmamahal sa kanya, at magpapatunay sa salitang “Habangbuhay”.

Matagal na n'ya itong pinapangarap. Na isang araw, darating sa kanyang buhay ang isang lalaking magtuturo sa kanya kung paano umiibig; kung paano maniwala sa tinatawag nilang 'magic'. Isang lalaking magpapatunay na maging s'ya ay may karapatang maging tunay na masaya; na hindi s'ya habambuhay aasa. Isang lalaking magpapakita sa kanya kung paano mahulog at malunod at matulog sa makisig na balikat. At itong lalaking ito ang magbibigay ng dahilan upang suotin n'ya ang isang tunay na ngiti.

Dito dumating si Noah.

Nakilala n'ya si Noah sa Campus Ministry ng unibersidad na kanyang pinag-aaralan. Mas matanda ito sa kanya ng ilang taon. Mabait at maka-Diyos; makisig at masiyahin.

“Bago ka lang ba dito?” Pagbati nito sa kanya.

“Opo.” Nahihiya n'yang sagot. “Bakit po?”

“Ngayon lang kasi kita nakita, e.”

“Edi bago lang rin po kayo?”

“Ha? Matagal na 'ko dito.” May pagtataka sa kanyang pananalita. “Bakit?”

Ang Mga PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon