CIRCUS IV: 4x4 p.2

10 1 0
                                    

Ramon's P.O.V

Isa na namang nakakakilabot ang aming nasaksihan, Ang tuluyan ngang pagkamatay ni Lyn. Haay! Kitang-kita ko ang labis na panlulumo ni PJ, kahit din naman ako since napalapit nadin sa'min si Lynneth.

Wala kaming magagawa kung 'di iwan si Lyn at bumalik sa aming tinutuluyang bahay. Wala pa sa kalahati nang aming nilalakad mula sa bangkay ni Lyn ay ramdam ko na ang labis na pagkalumo ng aking mga kasama.

'Yun bang pakiramdam na "Bahala na si Batman" sa pwedeng mangyari samin dito. Bahala na kung umatake ang Killer at may mamatay sa amin dito.

Pero ako buo padin ang isip ko na dapat hindi kami panghinaan ng loob at hindi dapat malamon ng takot at pagkalungkot.

Sa wakas, matapos ang mahigit 45 minutes siguro na lakad, takbo ay narating narin namin ang ilaw na nagliliwanag mula sa bahay.
Sinusubukan naming kumatok muna kung sakaling may tao nga sa bahay.

Took! Took! Took!

"Walang sumasagot Ramon, baka naman walang tao sa loob? "

"Shh. Pakinggan niyo, may mga naririnig ba kayong ingay mula sa loob? "

"Parang wala naman Ramon, tuluyan na nga 'tong naabandona, Nakakatakot namin kasi talaga mag-stay dito kaso wala tayong choice"

"Sige, subukan mo ulet kumatok Wilmar"

Toook! Toook! Took!

"Mukhang negative Guys. Wait, hindi naman naka-lock ang pinto eh. Bubuksan ko na ba?"

"Sige buksan mo na, Get ready Guys! Maghanda kayo baka nasa loob ang Killer".

(Pagkabukas ng pinto)

---------

"Oh ano guys, bubuksan ko na ang pinto ah? "

"Sige Amanda, buksan mo na! Para malamin natin kung sino ba 'yang kumakataok!  "

(Pagkabukas ng pinto)

---------

"Negative! Wala sina Amanda dito sa loob, So nasaan sila? "

---------

"Its negative! Wala namang tao sa labas, So sino ang kumakatok? "

"Dont tell me Amanda, Yung killer ba yun? "

"Amanda! Sarado mo na! Baka umatake ang killer! "

C I. R.  C.   U.    STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon