"Teka guys, Sssh-- may paparating, Quieeet"
"Guys, hindi ko na ata kaya to :( "
"Ano kaba Carla, huwag kang maingay dyan, sshh "
"Mamamatay na ata ako dito. 'Di ko na kaya Guys... "
"Carlaaa! Saan ka pupunta! Haaays "
"JP, sundan mo si Carla, Pabalikin mo sya dito or kapag wala na kami dito dun nalang sa bahay daali. "
"Okay sige sige"
"Ingat kuys. At ikaw Amanda, Dito kana lang"
"Feeling ko din aatakahin nako dito Jerome -_- "
"Hindi yan, Nandito ako so you'll be safe. Dont worry"
"Salamat. But wait, nawala na yung yapak? Baka naman guni-guni mo lang yun? "
"Hmm. Siguro nga? "
"Bumalik na kaya tayo dun sa bahay, Baka andun sila Ramon at inaantay na tayo. Feeling ko kasi mas safe tayo kahit papaano kapag nandun tayo sa bahay"
"Okay sige. Dito ka lang sa likod ko, Follow me"
-------
"Nasaan naba tayo Ramon? Bumalik nalang kaya tayo dun sa bahay? "
"Gusto ko 'man Vio pero diba nakita nyo namang 'di na tayo safe? Isa pa baka nasa loob yung killer, Inaantay tayo bumalik at baka sabay-sabay nya tayo patayin"
"Eh paano naman kapag andun sila Kuys at inaantay tayo? Since yun lang naman ang alam nating bahay dito? "
"Hmm. May point ka PJ, but sure naba talaga tayo dito? Guys, remember wala nang replay at 'Cut ito. Unlike sa ginagawa nating Movie na pwedeng mag 'cut pero ito ay totoo na, So dapat always tayong alert at handa. "
"Yap. Haaay! I Love Guys, basta kaya natin 'to, Sana pagbalik natin dun sa bahay andun din sila Amanda at safe :( "
"Magtiwala nalang tayo Wilmar, Oh! Tara na guys, Tumingin-tingin kayo sa paligid ah. Alert is a must! Huwag tayong papalamon sa kaba at takot"
"Right! Humanda kang Killer ka! "
------
Lyn's P.O.V
Kahit malamig ay pinilit ko paring maglakad at hanapin ang mga kasama ko. Wala na akong pake kung mahuhuli ako nang killer, Ang mahalaga masabihan ko sila na hindi na kami ligtas dito at kailangan ng lisanin ang lugar na ito.
Nakakabingi ang sobrang tahimik ng paligid, mga huni ng gamu-gamo at sipol ng malamig na hangin ang naririnig nang aking mga tainga.
Kailangan maging maingat ako at maging handa sa posibleng pag-atake ng killer, Pero sa totoo lang, Mahirap maglakad at hanapin ang mga kasama dahil nadin sa kadiliman ng paligid.
Pero dahil kailangan kong maging matapang ay pilit kong nilalabanan ang takot ko sa dilim, I have no choice. Naiwan ko sa set namin ang cp ko na magsilbi sanang liwanag sa dinadaanan ko.
Sa mahigit kalahating oras kong paglalakad ay nakaramdam ako ng pagod at panghihina. Dala narin siguro ng sugat sa aking leeg, Pero hindi dapat ako tumigil sa paghahanap sa kanila.
Nagpatuloy ako sa paglalakad sa kabila ng mga problema, iniisip ko nalang ang mga pwede kong gawin kapag nakaalis kami dito.
Pilit kong pinapalakas ang aking loob para labanan ang takot. Haay! Ahh! Araaay! Ano to? Dugo? Sa tyan ko? Dala ng pagod ay hindi ko napansing may bagay na sinaksak sa aking katawan, may sumaksak sa aking katawan mula sa aking likuran na naging sanhi ng unti-unti kong panghihina, pagtumba at kamatayan!
BINABASA MO ANG
C I. R. C. U. S
Mistério / SuspenseA simple, mystery, thrilled and Fanfiction story together in this unordinary story of 9 students who went to a place to shoot a video film for their Upcoming 3rd Inter-University Film Making Contest. But a mysterious happen during their actual shoo...