CIRCUS VII: Die Later p.3

0 0 0
                                    

Ram's POV
Natatakot ako dito minsan sa mga naiisip na plano ni Amanda eh. Yung pusa ba naman ang gawin naming way o sundan para makalabas dito? Malay ba naman ng isang pusa na naliligaw kami. Pero sabi ko nga, Matalino si Amanda ede siya na haha. Tama naman siya na sundan namin yung pusa, salamat at nakalabas na kami.

"Oh ayos lang kayo guys? "-Wilmar

"Oo, 'di bale nang mag-mukhang gusgusin at amoy patay na daga, ang mahalaga nakalabas tayo"-Carla

"Oo nga, Saan na pala tayo? Paano natin hahanapin sina Jerome? Eh pare-pareho tayong walang alam sa lugar na 'to. "-Ram

"Hanap nalang muna tayo ng bahay kung meron man o kaya hanapin natin ang main road baka sakaling may mga sasakyan pang dumadaan sa gantong oras". -Amanda

"Oo sige tara, kesa naman andito tayo sa gubat, eh baka may mga wild animals pa dito baka malapa pa tayo. "-Wilmar

Nagsimula na silang maglakad hanggang sa makita nila ang main road. Habang naglalakad ay may nakita silang flashlight at agad naman nilang kinuha ito.

"Ngayon mo talaga maa-appreciate yung sinag ng buwan. Kasi kung hindi dahil sa buwan, eh wala na talaga tayo makita pa. Mabuti at maliwanag ang buwan ngayong gabi. Yung flashlight pala na kanino?. "-Amanda

"Nasa akin Amanda, chineck ko yung flaslight ang lakas pa ng sinag niya at mukhang hindi pa nagtagal dito yung nakaiwan kasi mukhang bago pa itong "eveready" na battery, pati yung plastic na case nasama pa sa loob ng flashlight.  "-Wilmar

"So ibig sabihin may dumaan na dito, at posibleng andito padin sila sa gubat". -Ram

"Baka sina Jerome na yun? Or si Violet diba? Baka nakatakas na sila at susunod nadin tayo guys. "-Carla

"Sana nga Cars, magtiwala lang tayo. Basta mag-iingat lang tayo at huwag maghiwa-hiwalay. "-Wilmar

C I. R.  C.   U.    STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon