Kristine Maeie's Pov
"Andiyan na sila"
Dali dali akong lumabas at binuksan ang pintuan. Binuksan ko rin ang gate namin at nagsipasukan ang limang kotse sa garahe namin. Lumabas naman silang lima.
"Tara na!"
"Ha? Saan?"- Janelle
"Duh?! Sa mall! Anong kakainin natin dito? Bato?" Nagkamot naman sila sa ulo nila. Napairap na lang ako.
Pumunta ako sa kotse ko.
"Bilis! Sakay na!" Tumakbo sila papasok sa kotse ko.
Sumakay na ako at umupo sa driver's seat. Si Nievea naman ay sa passenger seat and the rest, sa likod.
"Sound trip!!!!" Sigaw nilang lima. I-non ko ang phone ko at kinonect sa speaker sa pamamagitan ng Bluetooth.
"Connection successful"
Sabi ng babae sa speaker.
Np: Passenger seat
Sinabayan nila ang pagkanta habang may hawak na cellphone si Naiumi. Mga adik.
Mall
Lumabas kami sa kotse at agad na pumasok sa mall.
"Tara sa supermarket, yun lang naman ang pinunta natin dito eh"
Pumunta kami sa supermarket at kumuha ng isang cart.
"Mas prefer ko ang cookies kesa sa mga junk foods. So, we better go to the cookies section" si Nievea ang nagtutulak ng cart. Nag volunteer eh.
"Ano ba yan!" Rinig na rinig namin ang sigaw niya.
"Di ka ba nag-iingat?!"
Oh my, that's the other side of Nievea.
"Wala ka bang tenga?! Sabi ko di ka ba nag-iingat?!" Mas lalong lumakas yung boses niya.
"S-sorry" yumuko yung babae na nakabangga sa cart namin at tumalikod paalis.
Lumapit si Marianne sakanya
"Tinakot mo naman masyado" natatawang sabi ni Marianne. Umirap naman si Nievea.

BINABASA MO ANG
Enemies In love
Teen FictionDalawang grupo ang hindi magkasundo. Laging nagbabangayan sa tuwing nagkakatapatan. Walang matinong pag-uusap at puro sigawan lang. Ngunit..... Dito nga lang ba iikot ang istorya ng buhay nila? Mag-aaway away lang ba sila hanggang magsawa sila? O...