Erjo's POV
Napasimangot ako ng tinanong ni Adrian yung about sa pangliligaw ni Tyler kay Maeie. Pero napangiti rin ako ng sabihin ni Maeie na wala pang sinasabi si Tyler sakanya. Nakahinga ako ng maluwag
"Bakit mo kasi pinayagan" sabi ni Jerry sa tabi ko.
"Makulit eh" napasentido ako.
"Tsk. Tsk. Pano ba yan? Binalewala niya yung rule mo, Anong gagawin mo?" Sabi naman ni Caster. I just shrugged.
"Bakit mo pa kasi pinayagan..." Pag-uulit niya ng sinabi niya kanina
"Yan tuloy, nasasaktan ka"
Agad ko siyang nilingon.
Pinagsasasabi niya!?
"Masyado kang nagpapahalata" sabay tampal sa mukha ko.
Naiumi's POV
"What the heck, Maeie!??" Tinignan niya ako. Over naman kung mamula ang babaeng ito. Nakakagigil
"Wag mong lalapitan si Alien! Wag ka ng magpapahatak sakanya!" Pangaral ko sakanya. Sandali siyang napaisip saka tumango. Napailing na lang ako't nagtungo sa locker ko. Malayo pa lang ay may nakita na akong isang lalaking nakatayo sa tapat ng locker ko. Kinabahan ako.
Patakbo kong binagtas ang daan palapit sa locker ko at agad na hinigit sa kwelyo ang lalaking nasa tapat nito. Pansin ko ang paghulog ng tatlong bulaklak sa sahig at isang sulat. Nagtataka ko siyang tinignan
"Na-napag-utusan lang! M-maawa ka!" Nanginginig na sambit nito.
"H-hindi tayo t-talo noh! Mas m-maganda pa rin ako sayo!" Agad ko siyang nabitawan at napaupo naman siya sa sahig.
"S-sino ang nag-utos sayo?"
"Pasensya ka na girl pero di pwedeng sabihin. Babush!" Tatalikod na siya ng sipain ko ang likod niya kaya napasubsob ito sa sahig.
"S-sino!?!?!?!?!" Bago ko pa siya masipa ulit, may nagtakip na sa aking mata saka may pinaamoy sakin. N-nakakahilo!
"You'll know it soon, babe" sabi ng isang tao na di ko kilala
Nievea's POV
"Luh kayo! Si Naiumi!?" Tanong ko sakanila. Isa isa silang nagkibit balikat. Nagpunta ako sa locker and there I saw her.
"Naiumi!!!!!" Tumakbo ako papunta sakanya at inilagay ang kanyang ulo sa lap ko.
Tinapik tapik ko siya sa pisngi ngunit di pa rin siya nagigising. Eh di ko naman siya kayang buhatin ( ̄へ ̄)
"What happened to her!?" Napatingin ako kay Jeffrey. Agad niyang binuhat si Naiumi, bridal style.
May naramdaman akong tao sa likod ko. Nilingon ko siya pero patalikod na siya. Nakakuyom ang magkabila niyang kamay at nakayuko ang ulo. Pero bago siya tumalikod, nakita ko ang mukha niya. Nakapagtataka? Bakit ganyan ang itsura niya?
"Jerry?"
~•~
Pagkalapit ko sakanila ay agad kong sinabi ang nangyari kanina. Ngayon, naiwan akong nakatulala. Nakatulala kay Jhon Rei. Yung dimples niya kasi. Nang-aakit.
BINABASA MO ANG
Enemies In love
Teen FictionDalawang grupo ang hindi magkasundo. Laging nagbabangayan sa tuwing nagkakatapatan. Walang matinong pag-uusap at puro sigawan lang. Ngunit..... Dito nga lang ba iikot ang istorya ng buhay nila? Mag-aaway away lang ba sila hanggang magsawa sila? O...