Janelle's POV
"Ang sakit talaga" inabot ko ang likod ni Tyler at hinimas himas yun. Napasubsob naman siya sa dining table nila at bahagyang yumugyog ang balikat niya. Niyakap ko siya.
"Jan, sorry.... Sorry sa mga sinabi ko sayo" sabi niya sakin. Ngumiti ako at tinapik tapik ang balikat niya.
"Okay lang yun. Totoo naman eh" walang pag-aalinlangang sabi ko. Nalungkot naman ako sa isipan ko dahil wala na kami ni Ray. Balik landi ba ulit ako? Siya lang naman ang dahilan kung bakit ako nagbago eh.
"Tangina" mura ni Tyler kaya sinapak ko siya
"Fu---" itinaas ko ang kamay ko para masapak siya ulit pero di na niya itinuloy ang sasabihin niya. Tinignan niya naman ako nang may pagkainis sa mukha niya
"C'mon Ty! Two weeks na ang nakalilipas oh! Di ka pa rin nakakamove on?!!" Tanong ko sakanya. Inirapan niya lang ako at sumubsob ulit sa mesa.
"Bakit, di mo ba minahal si Ray?" Tanong niya. Natigilan naman ako dun. I get his point. Minahal niya ngang talaga ang babaeng yun. Dahil kung hindi, hindi siya magkakaganito. Kung ano ano nga pinag-gagagawa sa buhay niya eh! Pinapunta pa ako dito sa bahay nila para tulungang hanapin si Tyler! Eh yun pala, sa dog house natulog! Edi dito na lang ako natulog! Madaling araw pa yun ah. Grabe lang. Tapos ang aga-aga, umiinom siya ng soft drinks, katwiran niya
"Bawal pa akong uminom ng alak, kaya soft drinks na lang"
Ayun, pinagalitan nila tita at tito.
Baka daw kasi magkasakit siya dahil dun. Tapos kahapon lang, sinunog niya yung cellphone niya. Kinagabihan, hinahanap niya sakin. Tanga lang? Tuwang tuwa pa nga siya habang sinusunog niya yun eh, tapos ngangawa ngawa siya."Pasok ka na bukas ah, marami ka ng nakaligtaan na lessons at bungal bungal na rin ang records mo sa quizzes, activities at projects. Wag mong sirain ang kinabukasan mo dahil sa babaeng yun" sabi ko at tumayo na. Di niya ako inimik kaya umalis na ako. Simula kasi nung araw na yun ay di na siya pumasok. Pati rin si Ray, three days din siya sa hospital dahil sa pambubugbog sakanya ni Tyler. Di muna siya pinapasok kasi di pa completely na magaling yung mga sugat niya. Tapos nung pumasok na siya nung nakaraang araw, ako naman ang hindi pumasok. Bitter ako eh.
Pagpasok ko nang school ay isa isang pingot ang sumalubong sakin.
"Hoy Ken! Di porket pumasok ang ex mo, aabsent ka na!"- Marianne
"Kaya nga! Wag mo ngang pabayaan ang studies mo dahil sa ex mo!"- Nievea
"Di naman siya kawalan eh! Napakawalang kwenta ng ex mo!"- Naiumi
"Ex, ex, ex!!!! Punyetang ex yan! Tigil tigilan niyo ako sa kaka-ex niyo ah! Gusto niyong ma-X mga mukha niyo!?" Sigaw ko naman sa tatlo. Nakakainis huh. Kailangan talagang ipamukha sakin!?
"Speaking of ex" i glared at Maeie. Tinuro naman niya ang pinto ng classroom. Ang usual heartbreaker face ni Ray ang unang tumambad samin. Siguro balik na naman siya sa dati. At ako? Baka ganun din. Haaay, you really did it, Ray. You metaphorically breaks my heart.
Napatingin siya sa gawi at biglang natulala. Iniiwas ko kaagad ang tingin ko sakanya. Kinuha ko ang cellphone ko at agad ti-next si Jed. One of my flings
To: Jed
Hey Jed! Wanna go out?
I stared at my phone at hinintay siyang magreply. I smirked as I received his text in just a minute.
BINABASA MO ANG
Enemies In love
Teen FictionDalawang grupo ang hindi magkasundo. Laging nagbabangayan sa tuwing nagkakatapatan. Walang matinong pag-uusap at puro sigawan lang. Ngunit..... Dito nga lang ba iikot ang istorya ng buhay nila? Mag-aaway away lang ba sila hanggang magsawa sila? O...