"Nievea called me and she told what's happening that's why I immediately came back here, and this!? Ito ang madadatnan ko?!" Galit siya. I know. Sa mukha at sa boses. Napayuko na lang ako at hinayaang pumatak ang luha ko.
"Tell me what happened, Ken" malamig na tanong niya sakin. Inangat ko ang tingin ko sakanya at tinignan si Louie na masama ang tingin sakin habang hawak hawak naman siya ni Tyler sa bewang upang pigilan sa pagsugod sakin.
"That girl kissed my boyfriend!" Turo ko kay Louie. Pansin ko ang pagluwag ng kapit ni Tyler sa bewang niya at siya naman ay nanigas sa kinatatayuan.
"N-no, hindi totoo yan!" Sigaw niya. I laughed in frustration.
"Don't lie, Louie! I saw it!" Sigaw ko sakanya. Hinarap niya naman si Tyler. Hurt is all over his face pero his eyes are telling that he's mad.
"T-ty, n-no.. S-she's lying. Don't believe her, p-please" pagmamakaawa ni Louie. Napangisi ako. Karma nga naman.
But my smirk slowly faded as he turned his gaze on me. Kinabahan ako.
"Wag mong igagaya ang girlfriend ko sa kalokohan mo, Nelle. Di siya katulad mong malandi!" Nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi niya.
"Don't pass the blame on her! Alam naman nating lahat dito na malandi ka!" Sigaw niya. Sasampalin ko pa lang sana siya nang maunahan na ako ni Maeie. Namumula na siya sa galit. Nanginginig din ang kamay niyang pinangsampal kay Tyler at tinignan siya sa mata
"Ganun ba talaga pagkakakilala mo sa pinsan mo?" Kalmado ngunit may halong galit sa tanong niya. Hinawakan ko na ang braso niya. Mainit yun.
"Ganun mo na ba kilala si Louie para ipagtanggol mo siya ng ganyan?" Walang umiimik samin. Tahimik ang lahat at si Maeie lang ang nagsasalita.
"Hindi, diba? Kita mo naman na simula nang makilala ni Jan si Ray, nagbago na siya. Di na siya kasing landi ng nakilala mo noon. Bakit ganyan ka makapagsalita? Feeling mo, napakabait ng girlfriend mo" binalingan ko ng tingin si Louie at masama ang tingin niya kay Maeie tapos nakakapit siya kay Tyler. Napairap ako sa kawalan at hinimas himas ang likod ni Maeie para naman kahit papaano ay kumalma rin siya.
"Ano? Di mo siya ipagtatanggol?" Natatawang tanong ni Maeie pero mababakas mo dun ang sarkastiko sa boses niya. Hinila ko siya pero parang wala lang sakanya yun. Hinawakan naman ako ni Jyle at umiling siya. Binitawan ko na ang kamay ni Maeie at lumapit sakanya.
"Jyle...." Tawag ko sa pangalan niya. She stared at me blankly before she nodded. Lumapit siya kay Maeie.
"Stop It, Maeie. You're just wasting your time here" saglit niyang tinignan ang kamay ni Jyle sa braso niya at binalingan ng tingin ang dalawa.
"Stop ruining us, Maeie" sabi ni Louie sakanya. Ngumisi naman si Maeie at tinignan mula ulo hanggang paa si Louie.
"You're the one who ruined everything"
Maeie's POV
"Wag ka munang pumasok" sabi sakin ni mommy at nilapatan ako ng isa pang makapal na kumot. Suminghot ako at tumango saka tumagilid ng higa. Narinig ko siyang bumuntong hininga at hinimas ang ulo ko. Napapikit na lang ako at niyakap ng mahigpit ang unan ko.
"Ako na rin muna bahala sa café mo" tumango ako at suminghot ulit. Umalis na siya at ako naman ay sinubukang matulog ulit pero di ko na magawa. Napaupo na lang ako habang sapo-sapo ang noo ko. Bigla ay nakaramdam ako ng isang presensya ng tao kaya agad akong napalingon sa pintuan.

BINABASA MO ANG
Enemies In love
Teen FictionDalawang grupo ang hindi magkasundo. Laging nagbabangayan sa tuwing nagkakatapatan. Walang matinong pag-uusap at puro sigawan lang. Ngunit..... Dito nga lang ba iikot ang istorya ng buhay nila? Mag-aaway away lang ba sila hanggang magsawa sila? O...