Naiumi's POV
"Sabihin mo na sa kambal ang totoong nararamdaman mo bago pa mahuli ang lahat" napalingon ako kay Marianne. Ilang beses niya bang kailangan na sabihin sakin yan?
"Naghahanap pa ako ng tamang tiyempo" sagot ko sakanya.
"Mahirap ang umasa, Naiumi. Isipin mo na lang kung ikaw ang nasa kalagayan nila. Example kayo ni Maeie, nag-aagawan sa isang lalaki. I-expect mo na masisira ang relasyon niyong mag-pinsan dahil dun. At ganun ang nangyayari sa kambal ngayon. Nasira ang relasyon nila dahil sayo. Pumili ka na habang maaga pa. Or it's either na wala kang pipiliin sakanila para di masaktan yung isa kung sakali man na si Jerry yung pinili mo. Pero ikaw naman yung masasaktan" di ako nakaimik sa sinabi niya.
"Pili ka. Ikaw ang makakasakit, o ikaw ang masasaktan, choice mo yan. Pero wag mong masyadong isipin ang kasiyahan ng iba. Wag mong i-sacrifice ang happiness mo para lang sa ikasasaya ng iba. Piliin mo kung ano yung tama para sayo" tinapik niya ang balikat ko atsaka pumasok na ng classroom. Inulit ulit ko sa isip ko yung mga sinabi niya. Ang hirap namang pumili. Wag na lang kaya? Pero ako naman yung masasaktan. Hayst. Mas mahirap pa ito kesa sa problem solving sa math at pag-identify ng mga stars and planet tsaka living things sa science.
"Naiumi please? Sige na naman oh" napapikit ako ng mariin ng marinig ang boses ni Jeffrey. Papunta ako ngayon sa library upang ibalik ang librong hiniram ko kahapon.
"Jeff, no" sabi ko. Inaaya niya kasi akong magdate bukas. Wala kasing pasok. Hangga't maaari, iiwas muna ako. Dapat pag-isipan ko muna kung tama ba ang magiging desisyon ko.
"Please???" Napalingon ako sakanya. Di ba siya titigil?
"No. Busy ako bukas" sabi ko na lang at agad na tumakbo palayo sakanya. Nang makarating na ako sa library ay agad akong pumasok. Sa isang table, namataan ko dun si Jerry. Kinakaway niya ang kamay niya. Nang makita niya ako ay agad siyang napangiti. Di ko naman napansin na nakalapit na siya sakin.
"Hey" kaswal na bati niya sakin. Iniwas ko ang tingin at hindi siya pinansin. "Psst. Naiumi nasa harap mo na ako~" di ko parin siya pinapansin at nagmatigas na at nagkunwaring nagbabasa nang paborito kong novel.
"Naiumi ko..pansinin mo naman ako~" Inis kong nilagay ang bookmark sa libro at padabog na sinara iyon. "Hindi mo ba alam na bawal ang mag-ingay dito?" Tanong ko at tinaasan siya nang kilay.
"Alam. Pero alam mo bang ang cute mo habang nakataas kilay mo?" Natigilan ako. Inismiran ko na lang siya at kinuha ang gamit ko at umalis na sa library.
"Sandaleee!!" Tuloy-tuloy lang ako sa pag-lakad palayo sa kaniya. Hangga't maaari,kailangan ko na munang kumain,gutom na ako eh.
"Kakain ka na ba? Gusto mo samahan na kita?" Hinarap ko siya nang naiinis.
"Pwede ba,Collado?"
"Ano? Maging sa'yo? Sige! Aylabyuuu~" sinapak ko siya nang matigil na ang kahibangan niya. "Ouch! Ganyan ka na ba mag-aylabyutu?!" inirapan ko siya at huminga nang malalim.
"Kalma lang. Baka masinghot mo na ako niyan! Hehe" sinamaan ko na siya nang tingin at hindi na lang itinuloy ang sasabihin. Wala akong mapapalang matino sa lalaking naka-katol na ito.

BINABASA MO ANG
Enemies In love
Teen FictionDalawang grupo ang hindi magkasundo. Laging nagbabangayan sa tuwing nagkakatapatan. Walang matinong pag-uusap at puro sigawan lang. Ngunit..... Dito nga lang ba iikot ang istorya ng buhay nila? Mag-aaway away lang ba sila hanggang magsawa sila? O...