"Okay, that's enough. Next is.....
...... Fire and Red"
Tumayo ang dalawa at agad na nagtungo sa fighting arena. Sa sobrang atat makipaglaban ni Fire ay siya ang unang umatake. Nasipa niya ito sa kanang pisngi ngunit pagkasipa niya rito ay nasuntok na ni Red si Fire sa tiyan. Pareho silang bagsak ngunit dali daling tumayo si Fire para sugudin ulit si Red. Habang sinasangga lahat ni Red ang mga atake ni Fire, nag-uusap naman ang magkaibang grupo.
"That girl is aggressive"- Black
"Yeah. She seems like, she wants to end Red's life or something"- Green
"Look at him, wala siyang ibang ginagawa kundi ang sanggain lahat ng tira niya"- White
"He can't even find a way to hit her"- Gray
"He's tired"- Black
Tinignan nilang anim si Red na mukhang nanghihina na.
"What do you think, girls?" - Lucif
"Di man lang siya makatira" - Evy
"Yeah. Poor him"- Heilen.
Agad na napaupo si Red sa pagod. Di niya napansin ang pag-round house kick ni Fire sakanya kaya tumilapon siya. Hirap man ay pinilit pa ring tumayo at nagawa niya naman. Pinahid niya ang dugo sa labi niya habang humihingal. Napatulala naman si Fire dun
Damn! He's so f****** gorgeous!
Agad naman siyang umiling. Lumapit siya kay Red at sisipain sana ng mahawakan ni Red ang paa niya. Iwinasiwas niya ito kaya tumama ang katawan niya sa sahig.
"Why you----!!!!" Susunggaban sana niya si Red pero nakaiwas ito at tinuhod ang likuran niya. Napamura ng malakas si Fire at namilipit sa sakit. Agad nasipa pababa ni Red si Fire sa likod kaya napasubsob ito sa sahig. Narinig niya ang pagsipol ni Red na ngayon ay nakatingin na sa may bandang pang-upo niya.
"Favorite niyo talaga ang black, ano?" Tila napunta lahat ng dugo ni Fire sa mukha niya matapos marinig yun. Agad siyang tumayo at walang tigil na pinagsisisipa si Red sa iba't ibang parte ng katawan nito. Sa huling sipa nito ay pinuntirya niya ang 'iniingatan' ni Red saka ito bumagsak sa sahig. Tumalikod naman agad si Fire na pulang pula pa rin at mabibigat ang hininga niya ng lisanin ang fighting arena.
"The next is Heilen versus Green!" Ginood luck ng lima si Heilen. Samantala, isa isang tinapik sa balikat si Green ng mga kasama.
"Galingan mo pre, naka two lose na tayo" tango lang ang isinagot ni Green at di pinahalata ang niyerbos. Natatakot man ay pinilit niya pa ring magpakatatag.
"Aren't you going to attack me?" Tanong ni Heilen. Nanatili lang na nakatayo si Green na parang pinapahiwatig niya na 'hindi' ang sagot sa tanong niya.
"Tsk. Fine" Tamad na nilapitan ni Heilen si Green saka pinaulanan ng suntok. Nakaiwas naman si Green at napabuntong hininga. Ngunit tila nangilabot ito ng makaramdam ng presensya ng tao sa likod niya
"P-paanong???? Napunta siya sa likod ko?" Tanong niya sa sarili. Ngunit bago pa siya makalingon ay nasipa na siya at napatilapon sa sahig. Inapakan ni Heilen ang leeg ni Green saka napangisi. Hinigit nito ang kwelyo niya saka inupper cut punch, napahiga naman ulit si Green sa sahig. Habol niya ang hininga niya at ng silipin niya si Heilen na papalapit sakanya ay agad itong napatayo kahit na masakit pa ang katawan sa pagkakabagsak. Sinipa siya ulit ni Heilen pero nasangga niya ito sa pag-ekis ng dalawang braso. Nakakuha siya ng tiyempo at hinawakan niya ang kamay ni Heilen saka iwinasiwas at binali iyon. Napahiyaw sa sakit si Heilen at napaluhod sa sahig. Sinipa naman ang likod niya pagkatapos. Di maipaliwanag ang nararamdaman naman ngayon ni Gray, pakiramdam niya ay nasasaktan siya sa kalagayan ngayon ni Heilen. Bakit? Tanong niya sa sarili kaya wala sa huwisyong sinenyasan si George na patunugin ang bell hudyat na tapos na ang laban. Natigil naman si Green sa pag-suntok kay Heilen ng marinig yun. Si Heilen naman na unconscious ay binuhat ni Gray palayo sa Fighting arena. Nagtaka ang lahat ngunit walang nagtangkang lumapit sakanila. Maging ang DAG ay hinayaan ito sa ginagawa. Bago pa ito makalabas ay humarap itong muli kay George.

BINABASA MO ANG
Enemies In love
Teen FictionDalawang grupo ang hindi magkasundo. Laging nagbabangayan sa tuwing nagkakatapatan. Walang matinong pag-uusap at puro sigawan lang. Ngunit..... Dito nga lang ba iikot ang istorya ng buhay nila? Mag-aaway away lang ba sila hanggang magsawa sila? O...