Maeie's POV
Napangiti ako habang pinagmamasdan si Ken at Ray na masayang naglalambingan sa may round table. Tahimik naman akong nakaupo sa malaking sanga ng Acacia. Ikinuyakoy ko ang paa ko at napapikit saka napangiti. Sana ganito na lang, yung walang Tyler at Mark na gumugulo. Yung ako lang at ang mundo.
"Maeie!!!!" Nagulat naman ako sa taong biglang tumawag sa pangalan ko. Tulad kagabi, nawalan ako ng balanse. Nagtilian naman sa kaba ang mga school mates ko at nahulog hindi sa sahig kundi sa dalawang braso. Napangiti ako ng maalala yung kagabi. Parang naulit lang, pero ang kaibahan, hindi si Mark ang nakasalo sakin
"Ano bang ginagawa mo dun, ha!? Paano kung hindi kita nasalo!? Edi nagkaputol putol na mga buto mo! Di mo ba alam kung gaano kataas ang inakyat mong puno!? Tangina Maeie! Lagi mo na lang ako pinapakaba!" Bulyaw niya. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi saka napayuko.
Nakarinig naman ako ng pag-click ng camera kaya napunta ang atensyon ko dun.
"Sakin ka tumingin, Maeie" ma-awtoridad na utos niya sakin. Binalik ko naman ang tingin ko sakanya at tinitigan siya sa mata.
"Tyler!?" Napalingon naman ako sa nagtawag kay Tyler, si Mark. Galit na galit siyang lumapit samin. Tinignan siya ni Tyler habang buhat buhat pa rin ako. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa dami ng estudyanteng nanunuod sa amin, pansin ko rin ang iilang kumukuha ng video samin. Napayuko na lang ako.
"Let her down, Ty. Napag-usapan na natin 'to" mariin niyang sinabi kay Tyler.
"No, hanggang hawak ko siya, di mo siya makukuha" sabi din ni Tyler sakanya.
"Haha! Nagbibiro ka ba? Ty, may girlfriend ka na at best friend niya ang buhat buhat mo ngayon, sa tingin mo di siya magagalit kapag nakarating sakanya ito?"- Mark
"Wala kang pake"
"Tol, usapan ay usapan. Akin na si Maeie, akin siya"
"Hindi mo siya pagmamay-ari, Mark"
"And so to you, Tyler"
Bago pa sila magkasakitan ay ako na mismo ang bumaba sa pagkakabuhat sakin ni Tyler at walang imik na nilisan ang lugar na iyon, pero bago yun, lumingon ako kay Tyler at nginitian siya.
"Thanks for catching me" nagtilian ang mga estudyante dun na para bang may nakakakilig sa sinabi ko. Napailing ako at nilingon ulit siya
"Literally" saka umalis.
What's your plan, Ty? Pinapaasa mo ba ako? Well, congrats! You've just brought my heart to the higher level of expectations.
~•~
"Uwi na ako, bye" paalam ko sa mga kaibigan ko. Dali-dali kong inayos ang mga libro ko upang mailagay sa locker ko. Pagkaayos ay agad kong nilisan ang classroom. Pagkatapos mailagay sa locker ang apat kong libro, bigla na lang may humila sakin at kasabay nun ay ang pagtulak niya sakin sa locker dahilan para mapasandal naman ako dun. Kunyare ay di ko siya napansin kahit na nagawa niya akong isandal sa locker ko. Di naman malapit ang mukha niya sakin kaya nakadaan ako sa gilid niya na nagawa ko naman ng walang kahirap hirap.
BINABASA MO ANG
Enemies In love
JugendliteraturDalawang grupo ang hindi magkasundo. Laging nagbabangayan sa tuwing nagkakatapatan. Walang matinong pag-uusap at puro sigawan lang. Ngunit..... Dito nga lang ba iikot ang istorya ng buhay nila? Mag-aaway away lang ba sila hanggang magsawa sila? O...