Chapter 52: Letters

58 2 1
                                    

"Naku, ineng. Umalis sila. Nagtungo ata sa café mo e" sabi ng yaya nila Naiumi. Napatango na lang ako at muling sumakay sa motor ko.

Sa pangalawang pagkakataon, sinuway ko ulit si kuya. Pero wala na akong pake dun. Basta ang alam ko lang, maghihiganti ako. A life they took, a life that I'll get. Its a win-win situation.

Nang makarating ako sa café ko ay agad kong ipinarada ang motor ko. Inayos ko rin ang cap na suot ko bago huminga ng malalim.

Kamusta na kaya sila?

Third person's POV

Masayang nagtatawanan ang labing isang kabataan sa iisang lamesa. Nagkakantyawan sila't nag-aasaran.

"Grabe ah! Ginawa mo yun, Mark!? Hanep!" Di makapaniwalang saad ni Caster sabay hagalpak ng tawa. Napahampas pa siya sa lamesa at sinabayan naman siya ng mga kaibigan.

"Wala eh, ambagal nilang maglakad" nakangising sabi ni Mark at humalukipkip.

"Kaya mo sila hinawi, ganun?" Taas kilay na tanong ni Naiumi

"Kasalanan na nila yun, maglalampungan na nga lang, sa kalsada pa. Pahiya sila eh" natatawang sagot ni Mark kay Naiumi. Napatawa na lang ulit sila.

"Almost lunch na guys, tara sa Jollibee?" Aya ni Katly. Nagsitanguan naman sila. Inayos na nila ang mga gamit sa café at pansamantalang isasara muna ito saka nila ito bubuksang muli pagsapit ng hapon.

Pagkabukas ni Marianne sa left side ng pintuan ay siya ring pagbukas ng right side ng pintuan.

Nagkatitigan sila at ng babaeng papasok pa lang.

"Maeie..."

Maeie's POV

Napalunok ako ng laway. Ewan ko ba pero naiiyak ako. I missed them so much! Di pa man ako nakakabawi sa pagkagulat ay agad na aking sinunggaban ng yakap nila Katly.

"Miss na miss ka namin!" Iyak niya sa balikat ko. Three weeks lang kaming di nagkita kita, pero kung makaasta sila ay parang ilang dekada ang lumipas. Napailing ako at mas hinigpitan pa ang yakap. Nakiyakap na rin ang iba kung kaya naman halos kalahating oras din kami sa labas ng café ko. Kumalas na sila ng yakap at tumikhim si Katly saka nginuso si Tyler na nakatulala sakin.

"Iiwan na muna namin kayo" nakangiting saad ni Krizzle saka ako tinapik sa balikat. Tumango naman ako. Tinignan ko si Tyler na nakatingin pa rin sakin. Teka, ano bang gagawin ko? Yayakapin ko rin ba siya o hindi?

"U-uh, hi! Kamusta?" Masigla kong bati sakanya. Aish! Ang bobo mo Ae! Anong kamusta? Tsss!

"O-okay lang...." Nanginginig niyang sabi. Ngumiti ako ng Napaka-awkward. Nag-isip ako ng pwedeng sasabihin. Ano pa nga ba? May girlfriend na kaya ulit siya?

"A-ano, may---"

Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong niyakap, ng sobrang higpit.

"T-teka lang!" Natataranta kong sabi. Magpupumiglas sana ako ngunit narinig ko ang paghikbi niya.

Eh? Umiiyak siya?

"Tyler, bakit ka umiiyak?" tanong ko pero isiniksik niya lang ang mukha niya sa leeg ko. Hinayaan ko na lang siya at niyakap pabalik.

Baka may problema lang ito

Ilang minuto rin kami sa ganung posisyon ng kumalas siya ng yakap. Namumula ang buong mukha niya, ilong, tenga at pati ang dalawang mata. Sa nakikita ko, pakiramdam ko ay maiiyak na rin ako.

Enemies In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon