"Kain na tayoooo~" nagkatinginan ang magkakasintahan sa sala ng bahay nila Tyler ng marinig nila ito galing sa kusina. Mula nung mabugbog niya si Ray ay di na pinayagan ng mommy niya na magcondo siya. Kaya naman wala na siyang nagawa kundi ang sumunod. Swerte naman siya dahil wala ang dad niya dahil kasalukuyan itong may inaayos sa Australia. Mula din ng makalabas na siyang hospital, dalawang araw na ang nakakaraan ay lagi na rin sa bahay nila ang mga kaibigan niya at pati na rin mga kasintahan nila.
"Oy guys, kain na raw" pawisang saad ni Erjo sakanila.
"D-diba gutom ka Caster? Sabi mo yan kanina" binalingan nila ng tingin si Caster na ngayon naman ay napapalunok na lang ng sariling laway.
"Kain na guys!!!!!" Napaigtad ang lahat sa pagsigaw ni Tyler. Para naman silang bibitayin. Nanginginig ang mga kamay at tuhod nila.
"H-hey, Ty. What's lunch?" Pinilit ni Erjo na gawing kaswal ang boses niya ngunit di rin naitago ang pagkaka-utal nito
"Nilagang itlog" para namang nakahinga ng maluwag ang mga ito sa isinagot nito. Dahil sa wakas ay may matino nang nailuto si Tyler para sa kanila.
"And my special dish--" natigilan silang lahat na dapat ay papasok ng kusina. Hinintay nilang magsalita si Tyler.
"--sinigang na manok ^__^" tila nawalan ng kulay ang magbabarkada sa narinig. Nababaliw na ngang talaga ang kaibigan nila
Wala na silang nagawa kundi ang pumasok na't umupo sa mesa. Ayaw naman nilang saktan si Tyler dahil nasaktan na nga ito sa biglaang pag-alis ni Maeie.
"M-mmm! A-ang sarap! Eww" pilit ang boses ni Naiumi ng matikman ang luto ni Tyler. Hindi kasi bumagay ang manok sa sinigang. Habang ang nilagang itlog naman ay medyo malansa pa at walang lasa.
"K-kaya Ty! A-ang sarap" ngumiti ng pilit si Marianne sa naka-puppy eyes na si Tyler.
"Talaga! Yes! Mukhang namamaster ko na! Osige kuha pa kayo maliligo lang ako" pagkalabas ni Tyler sa kusina ay siya namang pag-inom nila ng tubig at ang iba pa't halos maduwal duwal pa.
"Bakit ba natin kailangang maparusahan ng ganito?" mangiyak-ngiyak na saad ni Janelle.
"Grabe, mabubulok na ang tiyan ko kakakain sa mga luto niya" hinimas ni Jerry ang tiyan niya.
"Know what guys? Bat di na lang natin siya ipasyal? Hindi yung dito na lang tayo lagi sa bahay nila" suhestiyon ni Naiumi. Napaayos naman silang lahat ng upo at napaisip.
"Sige. Ngayon na ba?" Tanong ni Erjo na mukhang sang-ayon kay Naiumi.
"Oo ngayon na. Para naman masikatan na ng araw ang kaibigan niyo" sabi ni Marianne at muling uminom ng tubig.
"Iligpit na natin to. Kunyare naubos na natin" agad silang tumayo at inayos na ang kanilang pinagkainan.
"Ty!!! Dalian mo diyan at mamamasyal tayo!" Sigaw ni Erjo na agad namang narinig ni Tyler kung kaya't nagmadali na siyang isuot ang kanyang T-shirt. Paglabas niya ay bumungad sakanya ang nagkakantyawan na mga kaibigan niya at ang mga babae na nagtatawanan.
"Parang tanga si Ty. Nangingiting mag-isa" napailing pa si Caster habang sinasabi niya yun.
"Tara na nga. Porke may mga date lang kayo" sabi ni Erjo at hinila na si Tyler palabas ng bahay nila. Samantala, napasimangot naman si Marianne. Pwede naman ako eh. Sabi niya sa sarili. Hinila na rin siya ni Jyle at lumabas na.

BINABASA MO ANG
Enemies In love
Teen FictionDalawang grupo ang hindi magkasundo. Laging nagbabangayan sa tuwing nagkakatapatan. Walang matinong pag-uusap at puro sigawan lang. Ngunit..... Dito nga lang ba iikot ang istorya ng buhay nila? Mag-aaway away lang ba sila hanggang magsawa sila? O...