Maeie's POV
"Okay" sabi ko. Ngumiti naman siya at agad akong niyakap. Agad naman akong kumalas sa pagkakayakap niya at naiilang na tinignan ko siya.
"And one more thing" nilingon ko siya.
"Let's act that we're a couple. A sweet couple" napalunok ako sa request niya. Pwede ko naman siyang tanggihan, diba? Nilingon ko ang mga kaibigan ko.
Si Marianne at Mark, pinipicturan at iniinterview. Halata sa mukha nila ang pagkainis at pandidiri sa isa't isa. Si Nievea at Caster, naghahabulan. May hawak na cotton candy si Caster habang hinahabol siya ni Nievea na sumisigaw at tinatawag ang pangalan niya. Si Ray at Nelle naman, ayun naglalambingan na naman sa may stall ng ramen. Si Naiumi ay parang may tinataguan, yung Collado brothers na naman siguro. Then there's Jyle, tulala at parang nakakita ng multo habang ang isang daliri ay nasa labi niya at si Adrian na namumula habang nagbubunot ng damo. Si Jhon Rei naman, ayun nangungulit na naman ng mga babaeng dumadaan sa harap niya. May sari-sarili silang mundo. Ayaw ko silang istorbohin.
Hinarap ko si Tyler. Dapat ko bang pagbigyan ang lalaking ito? Sige na nga. Wawa naman eh. Pero paano naman kaya si Louie? Tiyak magagalit yun. Pero yaan na nga. Pagkakataon ko na ito. This is my chance. Just this day. Just one day.
"Libre mo ah?" Tanong ko sakanya nang nakangiti. Inalis ko muna sa puso't isipan ko ang mga salitang binitawan niya sakin. Lahat ng sakit. Lahat ng hinanakit ko sakanya. Ngayong araw lang naman. Pagkatapos nito, balik ulit sa dati
"Sure! Uhm...." Nagkamot siya sa ulo at itinaas ang kanyang kamay. Nagdadalawang isip siya kung aakbayan niya ba ako o hindi. Pero sa huli, ako na mismo ang lumapit sakanya at hinayaan na maakbayan niya.
"Where do you wanna go first?" Nilingon niya ako at tinignan ko siya. Magkalapit ang mukha naming dalawa. Iniwas ko ang paningin ko at nagsalita.
"Uhm, kain muna tayo. Ginutom ako dahil kanina" sabi ko na lang. Sheeeep! Nakaakbay siya sakin
>//////////////< whooooo! Act normal Maeie, act normal not abnormal! Argh! Stupid Maeie! Stupid! How am I supposed to calm down if he's here beside me!? Will I let my feelings show off? Phew! Nakakawala ng katinuan sa isip ang lalaking ito."Maeie, okay lang ba sayo kung sa labas na lang tayo ng school? Puno na kasi lahat ng stalls dito" he suddenly said. Nilingon ko siya at nakatingin din siya sakin. He smiled. That smile that made me fall even harder.
"Sure. As long as you're with me" bulong ko except sa 'sure'. Nangunot ang noo niya.
"What?" I smiled saka ako umiling. Pagkalabas namin ng school ay lumapit siya kay manong guard na nasa guard house sa may gate.
"Manong, pwede po bang makahiram ng payong?" Dinig kong sabi ni Tyler sa guard. Inabot naman nito ang isang payong agad na lumapit sakin. Pinindot niya ito sa may hawakan at kusa na itong bumuklat. Ipinayong niya ito sakin saka inakbayan ulit ako.
"Di ba tayo pwedeng maging sweet, kahit ngayon lang?" tanong niya na nakapagpainit ng mukha ko. Yumuko ako.
"U-uhm, sige..." Nauutal na sabi ko. He let out a sigh then isinara ang payong at isinabit sa sabitan ng mga payong sa gilid ng Yellow Cab.
"Okay na yung one whole pizza saka iced coffee" sabi ko nang tanungin niya ako kung ano ang gusto kong kainin, tumango siya at nagpuntang counter. Nanliit ang mga mata ko nang mapansing iba ang tingin sakanya ng babae sa counter. I looked at Tyler and I was surprise nang makita kong nakatingin din siya sakin habang nakangiwi. Tumalim ang tingin ko sakanya kaya agad siyang napatango. May sinabi siya sa babae na dahilan kung bakit nawala ang ngiti nito at agad na tumingin sakin. I gave her my poker-faced look kaya agad siyang napaiwas ng tingin at nagbow ng paulit ulit kay Tyler. Kinuha na niya ang order namin at lumapit sakin. Nilapag niya sa gitna ng table ang one whole pizza na naka-slice into eight.

BINABASA MO ANG
Enemies In love
Teen FictionDalawang grupo ang hindi magkasundo. Laging nagbabangayan sa tuwing nagkakatapatan. Walang matinong pag-uusap at puro sigawan lang. Ngunit..... Dito nga lang ba iikot ang istorya ng buhay nila? Mag-aaway away lang ba sila hanggang magsawa sila? O...