Chapter 32 : RayNelle [Part 1]

40 3 0
                                    

"What?" Yan ang unang lumabas sa bibig ko ng marinig ang sinabi niya. Nagtitili naman ang mga kaklase namin.

"Maeie--" di na natuloy ang sasabihin niya ng bigla akong hinila ni Janelle. Nilabas niya ako at unti unti akong nakaramdam ng ginhawa.

"Look I don't wanna lie to you, ayaw ko si Mark para sayo" bakas sa mata niya ang concern kaya I patted her head.

"Is there---" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad siyang nagsalita.

"I'm starting to like Ray, it creeps me out but I can't help it! Parang sinasadya niyang mahulog ako sakanya! Yesterday when we set you up on a blind date......"

Flashback.....

Janelle's POV

Pinuntahan namin si Mark sa basketball court at sinabi ang plano namin sakanila.

"Sure. Akong bahala" nakangiti niyang sabi. Nag-aalinlangan man ay napatango na lang ako sakanya. Nang makaalis kami dun ay kinausap ko yung apat

"Wala na bang ibang choice? Bakit si Mark pa?" Kinunutan naman nila ako ng noo.

"Huh? Bakit? Anong problema? Ayaw mo ba kay Mark?" Tanong sakin ni Naiumi. Napangiwi ako.

"Nahalata ko kasi na parang naiilang si Maeie kay Mark eh, basta iba yung instincts ko sakanya"

"Haynaku Janelle, suportahan na lang natin si Maeie. Malay mo sila na talaga, diba?" Di na ako sumagot sa sinabi ni Nievea. Nagpaalam na sila dahil iba iba kami ng dadaanan. Nagulat na lang ako ng may biglang umakbay sakin kaya agad kong tinanggal iyon sa balikat ko at pinipilit yun

"A--a---araaaaaaay!!!! T-teka! Masakit--- ah!!!!!!"

Agad kong binitawan ang kamay ni Ray

"Ang sakit~!!!" daing niya.

"Ang tanga mo eh" naglakad na ako palayo sakanya.

"Teka lang!" Agad niyang hinigit ang braso ko Kaya awtomatikong napalingon ako sakanya.

"Sabay na tayo" sabi niya. Hinayaan ko na lang siya at hinila ang kamay ko. Maybe, tama nga si four-eyed, attracted ako sa lalaking to.

Naramdaman ko na lang na inakbayan niya ako. Nilingon ko siya, he's smiling.

*dugdug*dugdug*

I gulped. Iniwas ko na ang mukha ko sakanya. I felt my cheeks are burning up. Hinigpitan niya pa lalo ang pag-akbay sakin ng madaanan namin ang isa sa mga ex ko. Si Gil.

Enemies In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon