Chapter 34: Confession [part 2]

25 4 0
                                    

Aish! Di ako makatulog |( ̄3 ̄)|. Andaming nangyari sa araw na to. Tapos dumagdag pa si Tyler. Ano ba kasing balak ng wirdong yun?

Umiling iling na lang ako at hinayaan ang sarili na lamunin ng antok.

Kinabukasan

Tahimik ang corridors. Salamat naman at walang gugulo sa umaga ko.

"Maeie!!!!!!" Speaking of =.=

Di ko na siya pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad. Ignore him Maeie, ignore him.

"Maeie! May sasabihin ako!!! Tumigil ka! Isa!" Aba't!? Binilangan pa ako? Inis ko siyang nilingon. Nakangiti siya.

"Hep! Keep the distance" sabi ko sakanya nang tangkain niyang lumapit sakin. Napakamot siya sa batok niya.

"Maeie! Gusto kita! Hehe...." Sabi niya. Natulala naman ako. Di ko naman napansin na nakalapit na siya sakin.

"Uy! Sabi ko gusto kita ^.^ wala kang irereact?" Nakatulala lang ako. Humakbang ako paatras. Natatakot akong marinig niya ang pagkabog ng puso ko. Shit nakakahiya.

"Tss. Wala! Kalimutan mo na lang yung sinabi ko" umalis na siya. Shit Tyler! Gago ka ba?! Dapat di mo na lang sinabi sakin! Ang tanga mo! Tangina!

"Uy! Maeie! Pasok na!" Sumabay na ako kay Nievea. Sinabi ko ang lahat sakanya, mula sa nangyari sa locker room kahapon, hanggang sa pag-amin sakin ni Tyler kanina. Tulad ko ay wala din siyang naging reaction. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa maabutan namin si Tyler na nakasandal sa may railings sa fifth floor, tapat ng section ten. Napatingin siya samin saka iniwas ang tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Nakatinginan kami ni Nievea.

"Ano bang nangyayari sa itlog na yun?" Tanong ko. Napakibit balikat siya.

"Malay ko. Baka naman ikaw ang dahilan" napatulala ako sa sinabi niya. Hindi, may girlfriend na siya at best friend ko. Di naman siguro pwede yun diba?

"Tsaka Maeie? Base sa kinuwento mo, dapat mo na sigurong iwasan yung tatlo" napatango tango naman ako. Dapat na ngang siguro. Ayaw ko namang masira ang relasyon ng kaibigan ko at ni Tyler, ayaw ko ring paasahin yung dalawa.

Nang makapasok kami ay nahagip agad ng mata ko si Naiumi na may hawak na bulaklak. Ngiting ngiti ito. Nabaling din ang tingin ko kay Jeffrey na nakangiti habang umiiling iling at nakayuko, tapos si Jerry na masama ang tingin kay Jeffrey. Hey! What's going on? May away ba ang kambal? Di ko na lang pinansin iyon at naupo na.

Recess

Palabas na kami ng classroom ng mapatid ako at di ko napansin na nasa harap ko si Tyler kaya nadaganan ko siya. Agad naman akong napatayo ng makita ko sa mata niya ang galit.

"Sorr---"

"Tangina! Sinasadya mo ba, ha!? Di nakakatuwa!" Bahagyang bumuka ang bibig ko sa gulat. Tumayo na siya at pinagpagan ang uniform niya. Inis niya akong binalingan ng tingin

"Ano!? Di ka magsosorry!? Ganun na lang?! Pagkatapos mo akong isama sa pagkahulog mo, di ka man lang magsosorry? Iba ka rin eh no?" Naikuyom ko ang dalawa kong kamay at napayuko. Heto na naman siya. Aawayin niya na naman ako.

"Know what? Di pala dapat pag-aksayahan ng oras ang isang tulad mo, dahil wala rin akong mapapala sayo" ramdam ko na nilagpasan na niya ako. Huminga ako ng malalim at di na binigyang pansin ang mga sinabi niya sakin. Tumingin ako sa pintuan kung saan hinihintay ako ng mga kaibigan ko. Nginitian ko lang sila saka lumapit.

Enemies In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon