Chapter 46: Trouble

19 3 0
                                    

Maeie's POV

Pumasok na siya. Pero ganun pa rin. Tahimik siya at tulala. Masama ang ipinupukol na tingin sakanya ni Mark. Samantalang si Ray ay nag-iisa sa may tabi. Napaisip tuloy ako. Nasira ba naming magkakaibigan ang samahan nilang anim? Kami ba ang dahilan kung bakit di sila nagpapansinan?

"Hey, Maeie. Nandito na siya oh, ngiti ka na diyan" sabi ni Marianne na kasalukuyang nasa tabi ko. Tipid ko siyang nginitian at balik sa pagiging malungkot ang mukha ko.

"Izzle.." Tawag ko sakanya nang di siya binabalingan ng tingin.

"Hmmn?"

"Napapaisip ako. Nasira ba nating anim ang samahan nila? Tignan mo oh. Di na sila nagpapansinang anim. At sa tingin ko, tayo ang dahilan" malungkot na sabi ko sakanya. Di siya sumagot. Siguro ay iniisip niya ang sinabi ko.

"Nah. Wag mong sisihin ang sarili mo. Sinabihan na natin sila noon, diba? Na layuan na tayo? Pero di nila sinunod kaya kasalanan na nila yun" pagkasabi niya nun ay tumayo na siya at bumalik na sa upuan niya. Oo nga no? Matagal na pala namin silang sinabihan na layuan na kami pero di nila sinunod yun. Tama si Izzle. Wala akong kasalanan. Wala kaming kasalanan.

"Good bye class" Hoooo! Sa wakas! Uwian na rin.

"Maeie, sabay ka?" Tanong ni Nievea.

"Hindi eh. May bibilhin pa kasi ako" sabi ko sakanya. Pagkaayos ko ng mga gamit ko ay dumiretso na ako sa parking lot. Wala pa si manong Bert. Di pa naman ganun kadilim pero kinakabahan ako. Yung parang may nakamasid sayo?

Hinawakan ko ng mahigpit ang strap ng bag ko. Lumakas ang ihip ng hangin na labis na nagpanginig sakin. I was chanting a prayer when someone covers my mouth from behind

"Hmmph!!!!!" Pinilit kong makawala mula sa kanya pero mas malakas siya. Inapakan ko ang paa niya kaya nakawala ako. Di na ako nag-abalang lingunin siya dahil sa sobrang takot. Habang tumatakbo ay may humila naman sa kamay ko.

No! Not again!

Third Person's POV

"Si Maeie?" Tanong ni Izzle kay Nievea. Papalabas na sila ng NEA nang mapansin niyang di nila ito kasama.

"May bibilhin daw siya" sagot naman nito. Nang makarating sila sa parking lot ay may naapakan si Marianne. Libro iyon. Nang pulutin niya ay kinabahan siya.

"Diba, libro ito ni Maeie?" Tanong niya sa mga kaibigan. Tinignan nila ito at nang makita nila ang pangalan ni Maeie sa unang pahina ng libro ay kinabahan silang lima. Nagpasya silang hanapin ito. Sa di kalayuan, may nagkalat na mga gamit doon. Agad nila itong pinuntahan.

Sobra sobra na ang kaba ng lima dahil gamit iyon ni Maeie. Napagpasyahan nilang magpatulong sa guard sa paghahanap sa nawawalang kaibigan.

"Nawawala si Maeie?"

Napalundag sa gulat si Janelle nang marinig ang boses ng pinsan. Pinahid niya ang tumulong luha sa pisngi saka napatango. Di na nila alam ang gagawin. Nawawala ang kaibigan nila at wala silang alam kung bakit at paano.

"Shhh, don't worry. Mahahanap natin siya. Mahahanap ko siya" bulong ni Tyler kay Janelle at tinapik tapik ito sa balikat.

Kumalas si Tyler sa pagkakayakap ni Janelle at pinunasan ang natitirang luha sa pisngi nito.

"Hahanapin ko siya" sabi niya rito at agad na naglakad palayo. Hinalughog niya ang buong academy. Maging ang 20 buildings na hanggang fifth floor ay di niya pinalagpas. Bawat sulok na madadaanan niya ay tinitignan niyang mabuti. Di siya tumigil sa kakaakyat baba ng hagdan mahanap lang si Maeie. Di niya inalintana ang pagod.

Enemies In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon