Chapter 27: Sibling's Quarrel

32 6 2
                                    

"B-bakit? Bakit kuya?" Nanginginig kong tanong sakanya.

"P-pag nalaman ng mga kalaban mo kung sino ka, mapapahamak ka, si mom at dad, ako!" Di ko na napigilan ang pagtaasan siya ng boses.

"Tangina! Umiiwas na ako sa gulo! Ang pagpunta namin sa GW kahapon ay yun na ang huli! Di na ako makikipaglaban! Tapos ikaw!? Tangina talaga!" Sa inis ay naibato ko ang pinggang hawak ko.

"A-ano? Gangster ka rin? Tapos ganyan ka maka-react?! Tangina Maeie!" Tinumba naman niya ang upuang nasa gilid niya. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang likod ng palad ko

"Oo! Gangster din ako! Pero kahit papaano ay iniiwasan ko na ang gulo! Lolo died because of me at ayaw kong pati sila dad ay magaya kay lolo! Kaya umiiwas na ako! Tapos ikaw!? You didn't even hesitate na makipaglaban!? Ngina! Tauhan ng mga BKG yung pinahirapan niyo kanina!!" And again, binato ko rin ang basong hawak ko.

"Hindi ko alam! Wala akong alam! At ano? Kanina? Ibig sabihin, ikaw yung nandun kanina?"

"Yun nga! Wala kang alam dahil di ka naglaan ng oras para malaman ang mga totoong kaganapan! At oo! Nakita ko kung paano mo siya pinahirapan! Mga tauhan sila ng BKG kuya! Mga tauhan!"

"At ano namang kinalaman ng BKG dito!?"

"George sent us a mission! And that mission is to spy a mafia! At ng magsearch si Naiumi sa Underworld Organization ay naunang lumabas ang BKG! Mafia sila kuya!" Saglit siyang di nakapagsalita.

"From what group are you?" Mahinang tanong niya.

"You don't need to know" malamig kong turan sakanya.

"Answer me" I breath heavily

"Dark Angel Gang"

••••••••

"Maeie! Bakit di kayo nagpapansinan ni kuya Xan?" Tanong ni Nievea. Kakatapos lang ng math subject namin at ngayon ay recess na. Naglalakad kami patungong Canteen.

"Yaan mo yun. Maya ko na lang ikukwento sa inyo"

"Tabi! Tabi! Dadaan ang mga gwapo!" Napalingon naman ako sa nagsabi nun. Kapal ha.

"Tabi!" Tinulak naman ako ni Tyler. Aba't!? Gago to ah! Nakita ko si Kuya Xan na papunta sa direksyon namin. Akala ko, aawayin niya si Tyler dahil sa pagtulak sakin. Pero hindi pala, nilagpasan niya lang ako. Napabuntong hininga na lang ako. Talaga ngang magkaaway kami. Nakakainis! Bakit ako naiiyak!?

"Oy! Oy! Di kita inaano ah! Nitulak lang kita! Wag kang iiyak!" Di ko pinansin si Tyler. Sinubukan kong tumayo. Pero di ko kaya. Shit! Dumudugo tuhod ko! Argh! Dugo!

Napapikit na lang ako. Hindi! Ayoko sa dugo! Please! Ilayo niyo ako sa dugo!

"Aist. Kasi Tyler! Ano bang problema mo!?" naramdaman kong umangat ang katawan ko. Pagbukas ko ng mata ko ay nakita ko si Mark, buhat buhat ako.

Enemies In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon