Chapter 36: My Valentine [Part 2]

24 1 0
                                    

"Tara na?" Aya ni Mark sakanya. Ngumiti naman si Maeie at tumango. Inayos niya ang sarili niya at sabay na lumabas ang dalawa.

"Kain muna tayo?" Aya ni Mark sakanya. Tumango naman si Maeie.

"Mark...." Tawag ni Maeie sakanya. Agad namang napalingon si Mark. Nagulat na lang nang agad siyang yakapin ni Maeie.

"Thank you ah, lagi mo akong kinocomfort, kahit na may away sa pagitan ng barkada natin, lagi kang nasa tabi ko, salamat sa pagiging mabuting kaibigan sakin" sabi ni Maeie. Medyo nasaktan naman si Mark dahil di niya nararamdaman na mahal na niya ito. Napatango na lang siya at tinugon ang yakap ni Maeie.

"Maeie" mas lalong napahigpit ang yakap ni Maeie kay Mark nang marinig ang boses ni Tyler.

"Please don't let go" bulong ni Maeie kay Mark. I won't, sabi naman ni Mark sa isip niya. Narinig naman nila ang pagtakbo ni Tyler palayo sakanila. Napahinga naman si Maeie at kumalas na sa pagkakayakap kay Mark.

"Nasaan yung mga kaibigan ko?" Takang tanong ni Maeie.

"Uh, they went out to visit the school booths, together with my friends" nanlaki ang mga mata ni Maeie

"Really?! Tara! Gusto kong makabonding mga friends mo! Dali na!" Hinigit ni Maeie ang kamay ni Mark at tumakbo na. Napailing na lang si Mark. Parang kanina lang eh umiiyak lang siya

~•~

"Yaaaaaah!!!!!!! Hintayin niyo kami!!!!!!!" Napalingon sila Nievea nang marinig ang boses ni Maeie. Tumatakbo ito palapit sakanila habang hila hila si Mark. Binitawan niya si Mark at yumakap siya kila Nievea.

"Ayos! Magkakasama tayo! Bati bati na grupo natin!" Masayang sabi ni Maeie kela Caster. Ngumiti lang ang mga ito.

"Uyyyy! Dun tayo sa baril barilan!!!!" napailing na lang si Marianne sa inaasta ni Maeie. Pag ganito kasi siya ay alam na niyang may problema ito. At dahil di yun alam ni Nievea, naki-ride siya kay Maeie at tumatakbong lumapit sa booth na itinuro ni Maeie.

"Hayaan na lang natin siya" sabi ni Jyle habang malungkot na nakatingin kay Maeie. Tumango naman si Marianne at sinundan ang dalawa na nagbabayad na ng entrance fee.

"Uy guys! By partner daw!" Sabi ni Maeie. Agad namang lumapit si Mark kay Maeie.

"No! Bubunot daw sabi ni ate Cate" wala silang nagawa kundi ang isulat ang pangalan nila sa maliit na papel. Pinaghiwalay ang name ng boys sa girls at ang girls ang bubunot ng papel. Bumunot naman sila at isa isang binuklat ang papel na hawak nila.

"Mark"- Marianne

"Caster"- Nievea

"Adrian"- Jyle

"Jhon Rei?"- Maeie

Todo naman ang simangot ni Mark nang makitang nag-apir si Maeie at Jhon Rei. Pumasok na sila at binigyan sila ng tig-iisang baril. Ibinigay naman nila ang papel sa organizer upang mailista ang pangalan nila sa mga manlalaro.

Ang mechanics ng game ay patatamaan mo ng baril ang isang pair at kapag natamaan sila sa may idinikit na papel na parang dart target sa bandang puso ay automatic out na ito. Kapag yung isa lang ang natamaan ay kakailanganing pumili ng hindi natamaan kung ipagpapatuloy niya pa ang game na wala ang partner niya o hindi na. Maze-like ang style ng paglalaruan at kailangang makalabas sa maze bago mag-run out ang time. May prize naman ang mananalo.

Enemies In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon