Chapter 51: Bad News

26 3 0
                                    

"Ae, calm down. Dinudurog mo na yang punching bag eh" sabi ni kuya. Tinigil ko na ang panununtok sa punching bag at pinunasan ang pawis ko. Bago ko pa lisanin ang punching bag ay pinatamaan ko muna ito ng isang sipa na nagpaputol sa tali na sumusuporta rito upang umangat.

Uminom muna ako ng tubig at pinanuod si kuya na nagpapractice sa pag-gamit ng katana.

It's been what, three weeks?

At sa tatlong linggong pagtitraining ko ay masasabi kong mas lumakas nga ako. Di lang sa combat battle kundi pati na rin sa paggamit ng iba't ibang weapons na maaari kong magamit. Isa lang naman ang hangarin ko, ang pagbayarin sila Jarus sa ginawa nila samin-- lalo na kay Tyler.

Revenge? No.

I can do better than that. Hindi katawad-tawad ang ginawa niya. He almost killed us! So he should be punished!

Third person's POV

"Sabi naman kasi sayo eh! Lagyan mo ng one half water! Yan tuloy nasunog yang asukal!" Pagalit na sabi ni Marianne kay Erjo. Nagsalubong naman ang kilay ni Erjo at iniabot kay Marianne ang sauce pan.

"O edi ikaw na sana tutal ikaw naman yung magaling!" Tinanggal nito ang apron niya at ibinato sa kung saan. Inis naman na tinalikuran ni Marianne si Erjo at inulit ang pagka-caramelize ng asukal.

Samantala, sinipa naman ni Erjo ang bato na nakaharang sa dinadaanan niya.

"Kainis! Bakit ba kasi siya kasama ko rito ngayon!?" Mahinang bulong nito at umupo sa gilid ng café. Ang totoo niyan ay napagkasunduan nilang magkakaibigan na sila na muna ang bahala sa café ni Maeie habang di pa ito bumabalik. Tatlong linggo na ang nakakaraan at ganito ang routine nila. Pero ngayon lang sila di nagkaintindihan ni Marianne dahil sa mali ang nagawa nito.

Masisisi niya ba ang sarili kung labis siyang nabighani sa suot ni Marianne ngayon? Naka-chef attire kasi ito at masasabi niyang bagay na bagay sakanya iyon. Dahil dun ay nakalimutan niyang lagyan ng tubig ang asukal na ika-caramelize niya sana kaya sunog ang kinalalabasan nito.

"Nakakainis talaga ang lalaking yun! May customer pa lang eh umalis na kaagad!" naiinis naman na sambit ni Marianne sa sarili bago inilagay ang cake mixture sa oven.

Sinundan niya sa labas si Erjo na ngayon ay nagkakamot sa ulo na tila ba di ito mapakali

"Oi!" Tawag ni Marianne sakanya. Nilingon siya ni Erjo pero agad din niyang iniwas ang tingin niya rito

"Balik na sa loob! May bagong order!" Sabi nito sakanya. Tumayo ito at pumasok sa loob nang di siya tinitignan sa mata. Agad naman siyang sinundan ni Marianne.

"Diyan ka na lang sa mga drinks, ako ng bahala dito sa desserts" mahinahong sabi niya kay Erjo na nakatitig lang sakanya. Nilingon niya ito ng di siya sumagot. Nakatulala ito sakanya.

"Nakikinig ka ba, Bermudez?" Tanong nito na nagpabalik kay Mark sa reyalidad.

"H-ha?" Tanong nito kay Marianne. Napatawa naman siya dahil sa naging reaksyon ni Mark.

"Sabi ko, sa drinks ka na lang at ako na ang bahala sa desserts" sabi niya. Napatango na lang si Mark at di na nakaimik pa. Nahiya na siya dahil sa inasta niya. Napatulala ito kay Marianne.

Maeie's Pov

"I have a very bad news for the two of you" bungad samin ni Adele. Ang tumulong samin na makapunta dito sa Japan at nagsisilbing guardian namin. Nagkatinginan kami ni kuya at nagpunas ako ng pawis. Kinabahan ako dahil sa sinabing iyon ni Adele. Very bad news?

Enemies In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon